YELO’S WORLD

Wag Kang Baboy!

Posted in Humor, Just Ranting by iceyelo on November 30, 2007

Masarap kumain ng lunch pag kasama mo nga kaibigan mo. Kahapon nagtake-out kami ng lunch sa canteen ng building. Dahil nga mejo naghihingalo na ang wallet ko, bumili lang ako ng fried rice na may bacon bits. Bumalik kami sa taas para kumain sa pantry. Nasa kasarapan na ng kwentuhan nang biglang may humalong Baklang Baboy sa grupo. I have nothing against gay people, I have friends na bading na may modo. Itong bading na ito, balahura.

Kumuha Lang ako ng tubig sa dispenser, pagbalik ko, binuksan na ng hinayupak na bading na baboy ang styro ng pagkain ko sabay sabing “sinong kakain nito? Masyadong greasy!” Kung nakakapatay ang tingin, Tatlong beses na sanang patay ang peste. Pero dahil kakilala nga siya ng kasama ko, hindi ko na lang pinansin. Ang ingay mag kuwento ang hinayupak. Kung makahalakhak parang feeling mo asa pinto ka ng impyerno. Habang nagkukwento, ako naman hindi magkandaugaga sa pagiwas sa kinakain ko sa nagtatalsikang laway niya. Fried rice ang inorder ko, Hindi sinabawan.

Panay ang pasikat ng hinayupak na kesyo kumain daw sila sa TGIF kahapos, na sa shakeys naman daw ngayon. Lunch daw sa congo grill, Breakafst daw later sa Racks. Tangena sosyal sosyalan ang pohtek iskwater naman ang ugali. Proud pa syang magsabi na dumedekwat daw siya ng mga utensils sa mga resto, ang paborito daw niyang dekwatin yung mga malalaking baso sa Pizza Hut. Ang talsik ng laway niya medyo umaarangkada na rin. Di ko na nakayang tiisin. Ang laway at bad manners ay masamang paghaluin.

Tumingin ako sa kanya sabay sabing “Sosyal ka nga, klepto ka naman” natigilan ang baboy, nag kulay violet, tumayo at lumabas sa pinto. Siguro narinig pa niya ang dumadagundong na pahiyaw na tawa ng mga iniwan niya sa loob.

8 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. MisyeL said, on December 1, 2007 at 2:07 am

    Hahaha! Buti na lang sinoplak mo, kundi hindi siguro titigil at mag-a-ala sinigang na kinakain mo.

    —Oo nga eh, Yun din ang inaalala ko. :)

  2. angel said, on December 1, 2007 at 8:48 am

    hahaha! Ayos! Ganyan ang tamang banat! Galing! ;) turuan mo ko minsan .. hehe

    — Sige I-set natin tutorial mo. :)

  3. Abad said, on December 2, 2007 at 2:54 am

    Ahaha. Nasopla ang hayop.

  4. lilmiz said, on December 2, 2007 at 11:57 am

    buti nga sa kanya hahah. ayoko din ng mga mayabang at mga feelingera :D

  5. kengkay said, on December 2, 2007 at 1:25 pm

    araguy :) talas ng dila nachuva tuloy ang happy and gay!

  6. roguey said, on December 3, 2007 at 12:40 am

    Hahaha. tsk. Hahaha. Galingan mo pa uli pag mei na-encounter ka uli na baboy! :D Keep up the good work! :D

  7. kapestehan said, on December 5, 2007 at 7:16 am

    Haaay napadaan lng po ako dito. At gus2 ko ang ginawa mo. Gus2ng gus2 ko. Ang mga tarantadong yan akala nila eh matatakpan ng luho at mamahaling bagay ang bulok na pagkatao nila.. Yang mga sosyal klaymer na yan balutin mo man ng ginto eh lalabas pa rin ang pagkabulok nyan!

    Madaming ganyan ako sa kalakhang maynila ehh kala mo kung sinu magpasikat ehh puro utang nman ang mga hinayupak! Kala mo pa kung sinu manlait yang mga yan, kung tuymingin sa tao mula ulo hanggang paa. Paingles ingles pa nga yung iba kala mo kung sino, mga sira ulo!!

    — O O O, puso mo. :)

  8. Fau Rafili said, on December 7, 2007 at 3:14 pm

    “Ang laway at bad manners ay masamang paghaluin.”

    bwa hahaha. sarap nga manoplak ng ganyan. hindi rin naman ako against sa kanila pero kung kupal naman eh dapat tinitigbak na bwa hahaha! klepto pala ah…


Leave a Reply