I hit the bed around 11:30 PM. Medyo inaanticipate ko na na magiging maganda ang araw bukas. Kailangan ko nang magpahinga. Siguro umabot din ng 15 minutes bago ako nakatulog. Ayos na sana ang lahat nang bigla kong maulinigan na tumunog ang aking cellphone. Dahil nga sa inaantok na ako, hindi ko na lang pinansin. Medyo papikit na ulit ang mata ko nang tumunog nanaman. this time, tatlong sunod sunod na text. Sinundan ng miss call. Biglang napamulat ako, tumitig sa kisame, Anong emergency kaya ang nangyayari at sa ganitong disoras ng gabi ay nakuha pang magpatunog ng cp ang hinayupak.  Takbo ako sa cp, binuksan ko ang message; Tol’ emergency!  tumatanda ka na. bwahahaha. happy birthday!!! painom ka. Napangiti ako. parang hudyat naman yung aking perfect smile para magsipasukan ang message sa cp ko. May galing sa kapamilya. mga kaibigan, kamag-anak, past girlfriends mga tambay sa kanto at yung baranggay tanod sa kabilang ibayo.

Naisip ko, oo nga bertday ko na nga pala… Ano bang maganda ang nagawa ko sa nakaraang buong taon ng buhay ko? May mga nagawa akong mabuti at tama para sa kapwa ko this past year? Naglilinis na ako ng kuwarto ngayon, naghahanap buhay na ako ng marangal (Ayoko na ulit bumalik sa buhay ng pagiging kubrador ng hueteng, nyahahaha… joke). pero hindi ibig sabihin noon na okay na ako. Kahapon iniisip ko kung anong dapat kong gawin para maging makabuluhan ang araw na to. Hindi ko naisip na maaga itong mag-uumpisa.  Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa baba. dali-dali akong bumaba. pagkabukas ko ng pinto. nagulat ako sa aking nakita. Mga kaibigan ko, ang unang tanong nila, “may yelo ka ba diyan? mainit na tong san mig light, yung letson manok, malamig na, alas diyes pa kami nakatambay sa kanto, bakit ba ang bagal dumating ng alas dose pag-ikaw ang nagbebertdey?” natawa ako. Naisip ko, “siguro nga may nagawa din akong tama sa buong taon, kasi kahit papaano, may mga nakakaalala at nagmamahal pa din sa akin”  :lol: