Back to work
Kahapon habang nag-eempake ako ng gamit pabalik ng Manila, parang ang bigat na pakiramdam ko. Kung iisipin mo nga naman ang stress na daratnan mo dun, Santambak na paper works, Galit na boss, Mga taga MMDA na mukhang hindi naliligo… tipong mapapaluha ka talaga.
Sa ilang araw na nabakasyon ang katawan ko sa probinsya, parang nakapagrelax ako ng husto, ang masama parang ayoko nang magtrabaho, Asar. Kinausap ko ang sarili ko para kumbinsihing umayos na, kailangang bumalik sa manila para maghanap-buhay, sa maniwala ka’t sa hindi, nagdadahilan pa sa akin ang hinayupak. Kung tutuusin mo naman, para sa akin, medyo may rason naman ang dahilan ng kausap ko sa salamin. kaso lang lang hindi sapat. Kesyo ayaw na daw niyang sumakay sa kalawanging bus, ayaw na daw, makaamoy ng mabahong urinals sa side walk, Ayaw na daw ng lansangang amoy usok. Ang arte ng hayop.
Okay lang naman ang manila, andito ang maayos na trabaho kahit medyo stressful ang buhay. kaya lang naman stress-packed ang metro kasi sa byahe pa lang pagod na ang mga mata mo sa nakikita mo. Ang pinaka-ayaw ko lang dito ay yung mga pulitikong show-off. Yun bang tipong campaign period araw-araw sa dami ng tarpauline sa nakasabit sa mga linya ng kuryente at telepono. yung mga tipong; Pakubetang handog ni Counselor XXX, or Paututan ni Meyor XYZ, Rolling office ni Vice Mayor. Congratulations kay Brgy Captain Juan Galing kay Konsehal Pedro. Lugawan ni Kaka, Happy Fiesta Next Year, en so on en so port. Imbes na makatulong tong mga pulitikong ito na mapaganda ang manila, sila ang unang nakakasira. Eh kung siguro bibilangin natin ang accumulated cost ng mga tarpauline na yan pwede nang magpakain ng ilang pamilya sa isang buwan.
Idagdag mo pa sa listang yan yung mga kulay dead-pink (as in walang kabuhay-buhay) na overpass at ang hopeless na mga poste ng MRT na nilagyan ng chicken wire para subukang tamnan Cadena de Amor, Kung papansinin mo ngayon, yung mga chicken wire kulay itim na dahil sa usok, yung mga kadena de amor, malnourish. hindi makagapang dahil sa tamlay.
Magkagayon pa man, hindi yun rason para hindi ako bumalik sa trabaho. Kailangang makumbinsi ko ang sarili kong lumuwas ng manila, kundi tanggal ako sa trabaho. Pero lubhang matigas talaga ang ulo ng hinayupak. Nung hindi ko na mapigil, Tinitigan ko siya sabay sigaw ng “Pag hindi ka umayos, iiwanan kita dito.”
Sa awa ng Diyos, pumayag naman.
haha..ang hirap ding makipagtalo sa sarili no? yan ang tinatawag na second mind ni paulo coelho.
ganyan din pakiramdam ko eh..mahirap kumbinsihin ang sarili na kumilos. nakakatamad naman talaga lalo na ngyong xmas season.
ahahay.
naku
katamad nga yan
lalot malamig–
ewan ko lang.
sus ka
isipin mo lang
pera pera pera
pwede na yun
madali naman palang kausap ang sarili mo… hehehe. buti at hindi nagmatigas
ako para mapilitang gumising at kumilos eh iseset ko yung CP ko na tumugtog ng isang danceable, supertechno na music habang nakatodo ang volume, bilang alarm para ako magising agad…at hindi pa tapos don, ilalagay ko pa yon sa isang lugar malayo sa bedroom, para HAY POTEK!!! tumigil ka na!!!! sabay takbo para i-stop yung alarm at ayun, gising na ko. Simple no? Pero ROCK. este Techno pala. lol
kaya mo yan…ahehhee..pareho din tayu//minsan nga iniisip ko na bakit kailangang mag work?eh in the end mamatay lang naman tayu..lols
kelangan mo lang humawak ng patalim pag kausap ang sarili mo. at maghanda ng sandamakmak na blackmails.
masarap pa rin talaga mamuhay sa probinsya. un eh kung marami kang pera at di na kelangan magtrabaho. hay… buhay nga naman!
hay naku, i can relate
minsan nagpapatalo din talaga ako sa sarili ko haha yun ang gamit ng sick leave hahaha shhh
talaga… sarap magpabondying bondying na lang paminsan minsan… Second mind nga sabi ni jekyll frm PC. ‘tol, me tag ako sayo… pag sinipag ka pakisagot naman din haaa… dalaw ka na lang sa bahay… tenk yo pow
kung ganun lang kadaling magpalit ng trabaho ano. yung tipong tuwang tuwa ka araw araw pumasok.