Ang sarap bumiyahe sa EDSA nung Christmas, Walang traffic, walang kotongerong pulis na nagtatago sa gilig-gilid, madilim kaya hindi kita yung kulay pink na overpass. Ayos. 

Pagkatapos ng party office napagtripan naming ng ibang kaopisina ang maglakad. Wala masayadong tao sa lansangan. Kumpyansa din kami na pati mga holdaper ay nakapagfile ng leave of absence sa date na yun.  Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong umuwi at magpasko na lang sa bahay kasama ang pamilya. Sa kasamaang palad, dineclare na critical working day ang December 24 ng gabi sa office. Kaya tangena,by crook or by crook ay pumasok kami sa trabaho. Pasalamat na lang ako na by 11:15 pinayagan na kaming umuwi.  

Yung mga pagkain na inorder sa Max’s, and daming natira. Suspetsa ko pampalubag loob lang yun o di naman kaya ay part ng isang evil experiment ang lahat. Siguro naiisip nila “yaman din lang na papapasukin natin sila sa pasko, subukan kaya nating impatsohin ang mga yan, tingnan natin kung ano ang magyayari”. Sa awa ng diyos, wala namang namatay sa kabusugan. 

Umuwi kaming may kanya kanyang bitbit ng plastic ng pagkaiin. Naisip ko; Ayos! May almusal ako bukas. Pagdaan naming sa may flyover sa Ortigas, nilapitan kami sa isang bata sabay extend sa kamay, humihingi ng limos. Binigyan ko siya ng sampung pisong barya, pagkakuha ng pera tumakbong palayo yung bata, palapit sa ibang taong hihingan ng limos.

Nakakalungkot na may mga ganito pa rin sa pasko, Naisip ko maswerte talaga ako, kasi kahit hindi ako ganoong kayaman, At least nabibili ko yung basic na pangangailangan ko.  May pabaong cash gifts ang kumpanya, meron din namang gift cards at iba pang perks and freebies. Pagdaan daan namin sa may kariton, tinanong kami nung ale kung anong oras na, sumagot si Paul, “Alas dose pasado na po”. Ngumiti siya sa amin sabay sabi ng “Merry Chistmas” , tapos ay bigla niyang tinawag yung batang kanina lang ay binigyan ko ng sampung piso. Hindi naming maiwasan na sundan ng tingin yung ale. Paglapit nung bata, Bigla niya itong niyakap at hinalikan sa pisgi. Hindi naming marinig yung usapan nila pero nakita namain na pareho silang nakangiti na parang nagbibiruan. Hiningi ko yung supot ng pagkain ni Paul sabay lapit sa mag-ina at inabot yung mga supot. Nagpasalamat naman sila.  

Habang papalayo ako sa mag-ina, naisip ko “Gaano ba ako kasuwerte o malas ba talaga sila?” Ako kumpleto nga ngayong pasko, regalo, bagong damit, pagkain pero malayo sa pamilya. Sila, walang ngang pera, hindi nakakain ng maayos pero may yakap at halik sa pisngi, isang bagay na hindi kelan man maipagpapalit sa anuman. Sinong maswerte sa gabing ito?

Napa-iling ako bigla. I finally understood why Christmas is usually defined with the word love. I am not a very religious person but I felt I understood the concept of equality that night. As we pass throught the EDSA shrine, I made a quick sign of the cross. Call it divine intervention, call it whatever you wish to call it, I made a quick prayer and said “tonight, the night of his birth, of all nights, we found ourselves equals. Thank you for the explanation”