Sabi nila, ang lamay sa patay ang isa sa pinakamalungkot na okasyong dinadaluhan ng mga tao. Maaring tama, maaring hindi. Pero sa maniwala ka’t sa hindi. Ang lamay ay hotbed ng maraming ideya. Bakit kamo?

  • Unlike sa party, hindi ka pwedeng hindi ka pwedeng magpatugtog ng old school rock sa lamay. isipin mo, kasagsagan ng iyak at ngawa ng mga kapamilya, bumibirit ka ng kantang Unforgiven by Metalicca. Hindi ba parang may mali?
  • Hindi ka rin pwedeng magsasaway ng modern dance sa gitna. Oo nga, maraming ilaw, pero hindi yun disco lights. ibang ilaw yun, kung mapapansin mo ang amoy, amoy kandila.
  • Tambayan ito ng mga sugarol at usisero. ibig sabihin, karamihan sa mga tao rito ay nag gagaling-galingan. Karamihan diyan mahilig magsabi ng, “Sabi ko na nga ba mali ang diskarte mo, dapat yung barahang yun ang itinapon mo, hindi ito”  eh, tangena, ang lakas mag komento pero kaya lang naman naging usisero ang hinayupak kasi natalo na lahat ng pera niya. paksyet, daming salita.

To cut the long chase short, puro salita talaga ang nangyayari sa lamay. konting condlence sa tabi tapos sandamakmak na kwentuhan na ang mangyayari. Sa dami ng gustong magsalita, makakapulot ka talaga ng iba’t ibang ideya. may mga marurunong talaga, meron namang mga nagmamarunong.

Katulad na lang nung isang gabi, dahil siguro wala nang mapag-usapan sa lamay o dahil feeling ko lasing na ako sa dami ng kapeng barakong nainom namin, kung saan-saan na napadpad ang usapan. mula sa topic na kung sino ang pinaka seksing supermodel napunta ito sa usapang hayop. ang baba ng tinunguhan ng usapan.

Nabanggit ko kasi na gusto kong bumili ng aquarium. nabanggit ko rin na gusto ko itong lagyan ng goldfish at janitor fish. Sukat ba namang pagtawanan ako. tangena. paglasing ako sa kape, madali akong mapikon. Pero dahil sa lamay nga ang kinaroroonan namin, hindi ko na lang masyadong pinansin. Tinanong ko kung bakit siya natawa. ang sagot niya sa akin ay “Janitor fish ba ikamo? eh, yun na yata ang pinakatangang isda sa buong mundo eh, bakit ba gustong gusto ninyong mag-alaga ng bobong hayop ha?” dapat daw, aso na lang ang alagaan ko, yung matalinong pet. Sumagot ako, “kasi mababaw lang ako, mahilig din ako sa bobo. kita mo nga, gusto ko ring makipag-usap sa bobong tao, di ba?” kulang na lang dagdagan ko ng “pwede ba kitang maging pet?”.  ewan ko kung hindi niya talaga naintindihan ang sinabi ko o talagang dedma lang ang hayop.

Wala akong pakialam kung bobo o matalino ang pet ko. eto ang listahan ng dahilan

  • Hindi ko siya uutusang maglaba
  • Hindi rin siya magtuturo ng calculus sa college
  • Hindi ko siya uutusang mamalengke
  • Ayoko ng pet na may malisya ang tingin sa tuwing nadadapa ako o nalalaglag ako sa hagdan.
  • Pet lang ang kailangan ko, hindi mayordoma.

Mas gusto ko ang bobong alaga. Okay????

Naisip ko, malungkot talaga ang lamay.