You are currently browsing the category archive for the 'Humor' category.
Kulang ako sa tulog palagi. sobrang daming ginagawa. walang time para mag wordpress kadalasan, wala ding sex (pohta…) ang tindi tuloy ng stress. Wala namang magawa kasi kailangang gawin ang kung anong responsibilidad na nakatoka sa’yo. Ang hinihingi ko lang sana ay konting konsiderasyon sa ilang mga bagay-bagay na nakakadagdag sa ikakasira ng araw mo. Hindi naman siguro masamang makiusap.
Ang Daming problema dito sa manila. Mga bagay na sana ay hindi na pinuproblema. Lumipat kami ng opis. Ganda ng building, hay tets ang pasilitis pero hindi ganoon kagaan ang trabaho at sobrang init paglabas ng building. Parang sinusunog ang bumbunan mo paglabas, mamamawis lahat pati jetlogs mo. paksyet. Pagdating sa kalsada ang hirap pumara ng sasakyan. Nasanay na kasi ang mga mamang drayber na paharurotin ang kanilang mga mean machine pagdating sa parteng yun ng commonwealth kasi dati rati ang mga pumapara lang sa mga sasakyan dun ay white lady. Kahit hindi ka relihiyoso ang mapapadasal ka na sana ay may safety conscious driver na alalay kung magpatakbo para makahinto pag pinara mo o di naman kaya ay may pupugak-pugak na sasakyan na tumirik bago makalagpas sayo.
Pagkasakay mo (after 10 years) medyo maganda ang biyahe sa upmisa. mula commonwealth hanggang makarating ka sa LTO opis okay ang biyahe. Pero pagpasok mo ng EDSA umpisa nanaman ang “Aba ginoong marya”. Patayan ang trafic, mabuburat ka talaga, pero ang masahol ay kung natraffic ka sa tabi ng poste ng MRT, Nakooowww!!! Pagkalaki laking tarpauline ng mukha ni pareng Bayani ang babati sayo. Kaayusan… Metro gwapito… etc. Ang kapal ng kumag. after nagdeclare na tatakbong presidente sa 2010 biglang nagsilabasan ang poster. Obvious na pamumulitika. Misan tuloy naiisip kong bumili ng kamatis bago ako pumasok para pag natraffic ako sa tabi ng poste ng MRT babatuhin ko ng kamatis yung poster pay at least may magawa akong productive. kaso lang mahal ang kamatis ngayon.
Pinipilit kong huwag matulog sa bus kasi hindi daw safe. sa dami ng pasaway sa mundo. kahit hindi safe, matutulog na lang ako.
Medyo maganda ang gising ko kanina. Bumangon ako mag-aalas singko na ng madaling araw. Himalang hindi ako inaantok. Nag-almusal, naligo, nagsepilyo, nagbihis at lumayas ng bahay na hindi nadidisgrasya. Ayos, so far so good.
Pagsakay ko sa bus, medyo nagsimulang umasim ang tono ng araw. Masuwerte lang at madali akong nakasampa. At least nakaupo pa ako. apat na tao na ang nakatayo sa isles ng bus. Panay pa ang sigaw ng kundoktor ng “Sakay lang! maluwag yan. araw araw ginagamit yan!” naknampucha. Maluwag nga, wala namang maupuan. at isa pa hindi ko naintindihan yung part na araw-araw ginagamit
ano kaya yun. (Bwahahahaha).
Pagdating sa cubao, nagkakaamuyan ng ng kilikili yung mga nakatayo sa isle ng bus. Siksikan, halo halo, mayroon nang tsumatsansing, mayroon ding natsatsansingan, at may may mga nagpapatsansing, Humm. sa dami ng tao hindi na maiwasang magkatulakan. along the way tatlong tao ang nabilang kong medyo minalas malas. Dito nagsimula yung trend ng bagsakan sa araw na ito.
-
Una, yung kunduktor ng bus, nalaglag sa pagkakakapit sa estribo nung umabante ang bus. (tatang tanga kasi eh)
-
pangalawa, Yung mamang nagtitinda ng sampaguita sa timog, bumagsak nang matisod sa sidewalk, yung paninda niyang sampaguita, nalaglag sa estero. (kawawa naman)
-
pangatlo. yung trafic enforcer ng MMDA, bumagsak sa motorsiklo nung nagmamadaling sumampa sa motor dahil gustong hulihin yung bus na dumaan sa crossing ilalim. 5:30 ng umaga, ang tawag sa huling ganoon ay hulidap. Kotong to the max. Gumewang yung motor, nalaglag yung mama. (Yehheeyy).
Pagdating to sa labas ng opisina, panay ang dasal kong huwag sanamng bumagsak yung elevator na sasakyan ko. sa 4oth floor ang training room namin, kung nagkataon na bumagsak yung elevator, hindi sapat yung taas na 4oth floor, Siguradong bago ko pa matapos yung dasal na our father ay paktay na ako. sa awa ng diyos nakarating naman ako sa training room ng maayos.
nagsimula ang qualifying exam ng alas nueve, natapos ng alas dose. Pagka announce ng scores, dalawa daw sa klase ang bagsak. Nak ng bibeng duling, Bagsak na naman. before lunch. dalawang kasama sa training ang nawalan ng trabaho.
Hindi ko lubos maisip kung paano sila bumagsak gayong ipinagmamalaki pa ng isa sa kanila na naperfect niya yung isang unit ng hindi nagrereview. Tinanong ko kung anong items ba yung naperfect niya. ang sagot niya “yung sexual harrassment section”. Paksyet. Sa damin ng pwedeng maperfect, yun pang freebie questions ang naperfect ng hinayupak.
May mga katanungan na hindi ko mahanapan ng sagot.
-
Hindi ko alam kung bakit kahit may nalalalag na sa bus, mayroon pa ring mga gagong nananatsing.
-
May qualifying exam, yung may kaugnayan pa sa sex ang hindi makalimutan.
-
Likas ba talagang malibog ang mga lalake at nauuna pa ang sex minsan kesa sa ano pa man?
Paulit ko man tanungin ang mga bagay na yan, hindi ko kayang tanggapin na ganun nga. hindi naman ganoon. nagresearch ako sa internet, naghanap ng kasagutan sa aking mga tanong. Kung paano gumagana ang utak ng lalake. Eto ang aking natuklasan.
Nagumpisa na ako sa bago kong work. Maganda naman ang mga benepisyo kaya kahit medyo malayo ang site ng unang linggo ng training hindi ako nagrereklamo. Ang hindi lang naging maganda ay ang simula ng aking linggo.
Lunes, pag gising ko sa umaga parang may nakabara sa aking sisinghutan. Hindi normal sa panahong mainit ang sipunin. Napilitan akong dumaan sa drugstore para bumili ng pagtunaw ng bara. Mahal na ngayon ang decongestant, naisip ko, bakit di na lang buhusan ang ilong ng liquid sosa? mas mura, at sa palagay ko ay mas epektib, kasi yung bara nga sa tubo kayang tunawin, yun pa kayang sipon. di ba? Pero dahil sa may duda pa din ako, kahit mahal ang gamot, sumige na lang ako.
Pagdating ng tanghali, nawala naman ang bara. at least umepekto yung gamot. so kahit papaano medyo umayos ang pakiramdam ko sa training. kinagabihan, pagsapit ng alas diyes, bigla nanaman bumara ang hinayupak na ilong. nagtake naman ako ng gamot. marahil may ibang dahilan. Marahil ay;
-
May iskedyul ang oras ng aking sipon
-
May appointment lang ang virus sa loob ng aking sisinghutan kaninang tanghali kaya hindi niya naasikasong barahan ang ilong ko.
-
Hindi pumasok ang karelyebo niya sa pwesto kaninang hapon
-
May lahing call center agent ang hayop na virus, graveyard shift ang pakingshet.
-
Hindi mo rin masisisi may additional percentage pag may kasamang night differential eh.
Sana lang ay matapos na ang cycle ng sipon na to. Hindi na nakakatuwa. Ayoko namang dumalaw sa doktor. May phobia yata ako sa amoy ng clinic. hindi ako makatagal sa loob. Bukas ay sabado, kukunin ko na lang sa pahinga.
I resigned from may last Job. Wahoooo!!!! I will start working with a new company next monday. Wahooo ulet. Ang sarap magbakasyon, kaso lang napabayaan ko ang mahal kong blog ng ilang dekada. Kaya after the longgggggg hibernation. start na ulet.
Hindi ko lam kung paano magsimula. nakalimutan ko na yata magsulat. Ito ang masamang dulot ng bakasyon, inaagiw lahat pati utak. naalala ko tuloy yung kwento ng pinsan ko dati. kasi daw nakalimutan nung BF ng bestfriend niya yung bestfriend (yung gf ng bf..Malabo ba? yaan mo na.) niya after ng mahabang bakasyon. Nak ng bibeng duling, hindi yun dahil sa bakasyon. malamang dahil yun sa monay na iba ang timpla. pag nakalimutan ka ng BF mo, ibig sabihin nun malapit na matapos ang show. Okay?!!! Kasi kung iisipin mo ng mabuti, Para mo na ring sinabing tinanggihan ng askal yung hopyang tinapon mo sa kanya, di ba? unless nakatikim ang hinayupak na askal ng Alpo.
Ang hirap mag-isip pag ganito. parang kang lasing na hindi mo maintindihan. Alam mo ang ginagawa mo pero di ka makapag-isip ng matino. Ilang oras kang nakatitig sa monitor pero. Ang mga kasambahay mo nakatingin na sayo, nagaalala na. Siguro naiisip nila nasisiraan ka na ng bait, nakatitig sa blankong screen na parang nagbabasa pero walang nakasulat. Mapagbibintangan ka pang sira-ulo ng di oras. Parang yung lalakeng may problema sa pag-iisip sa probinsya dati. Walang direksyon ang lakad, walang tino and ginagawa. Minsan nabuhusan yun ng beer dahil bumangga sa mesa ng Ihaw-ihaw, basang basa ang pobre. Sa kamalas malasan hinuli siya nung baguhang pulis sa pag-aakalang lasing lang hinayupak dahil hindi deretso ang lakad at sa pagaakalang nagwala ito sa ihaw ihaw at amoy alak. Kinulong hanggang mawala daw ang kalasingan. dalawang araw ang pobre sa kulungan, tinatanong na nung pulis kung ano ang ininom niya kasi dalawang araw na hindi pa rin sober ang hinayupak. Saka lang siya pinalabas nung nalaman niyang baliw yung ikinulong. Bobo.
Tangena, wala talaga akong maiisip isulat. Kailangan yata ng utak ko ang isang matinding overhaul. Maraming Ideya ang naglalaro sa utak pero walang lumalabas. Parang yung gulong ng tricycle ni Maryong Pururut na kapitbahay namin nung maliit pa ako. Tatlong gabi ko din pinagtangkaang pasingawin ang hangin sa pito ng hinayupak na tricycle. Ang Dahilan? Dahil sa pagpapahabol niya sa amin sa aso niyang galing sa impyerno pa ang breed kasi nalaman niyang kami pala ang umuubos sa bunga ng tanim niyang makopa. Muntik makagat si Kokoy. Tatlong gabi ko pinagpuyatan ang maghintay na makatulog sila para matanggalan ko ng hangin ang gulong ng demonyong tricycle. Pero tatlong gabi ko nang pinag-aaralan ayaw talagang sumingaw. frustrated talaga ako. Puno ng hangin pero ayaw sumingaw. Sa ikaapat na gabi, di ko na pinagaksayahang paglaruan pa ang pito ng gulong. Tinusok ko na ng kutsilyo. Mas madali.
Ang ganda ng komparison pero ayaw kong gawin yun sa utak ko, hayaan ko na lang ang ideya sa loob lalabas din yan sa tamang panahon. Ayokong madaliin.
Wala talaga akong maiisip isulat. Di bale, bukas susubukan ko ulit.
Sabi nila, ang lamay sa patay ang isa sa pinakamalungkot na okasyong dinadaluhan ng mga tao. Maaring tama, maaring hindi. Pero sa maniwala ka’t sa hindi. Ang lamay ay hotbed ng maraming ideya. Bakit kamo?
-
Unlike sa party, hindi ka pwedeng hindi ka pwedeng magpatugtog ng old school rock sa lamay. isipin mo, kasagsagan ng iyak at ngawa ng mga kapamilya, bumibirit ka ng kantang Unforgiven by Metalicca. Hindi ba parang may mali?
-
Hindi ka rin pwedeng magsasaway ng modern dance sa gitna. Oo nga, maraming ilaw, pero hindi yun disco lights. ibang ilaw yun, kung mapapansin mo ang amoy, amoy kandila.
-
Tambayan ito ng mga sugarol at usisero. ibig sabihin, karamihan sa mga tao rito ay nag gagaling-galingan. Karamihan diyan mahilig magsabi ng, “Sabi ko na nga ba mali ang diskarte mo, dapat yung barahang yun ang itinapon mo, hindi ito” eh, tangena, ang lakas mag komento pero kaya lang naman naging usisero ang hinayupak kasi natalo na lahat ng pera niya. paksyet, daming salita.
To cut the long chase short, puro salita talaga ang nangyayari sa lamay. konting condlence sa tabi tapos sandamakmak na kwentuhan na ang mangyayari. Sa dami ng gustong magsalita, makakapulot ka talaga ng iba’t ibang ideya. may mga marurunong talaga, meron namang mga nagmamarunong.
Katulad na lang nung isang gabi, dahil siguro wala nang mapag-usapan sa lamay o dahil feeling ko lasing na ako sa dami ng kapeng barakong nainom namin, kung saan-saan na napadpad ang usapan. mula sa topic na kung sino ang pinaka seksing supermodel napunta ito sa usapang hayop. ang baba ng tinunguhan ng usapan.
Nabanggit ko kasi na gusto kong bumili ng aquarium. nabanggit ko rin na gusto ko itong lagyan ng goldfish at janitor fish. Sukat ba namang pagtawanan ako. tangena. paglasing ako sa kape, madali akong mapikon. Pero dahil sa lamay nga ang kinaroroonan namin, hindi ko na lang masyadong pinansin. Tinanong ko kung bakit siya natawa. ang sagot niya sa akin ay “Janitor fish ba ikamo? eh, yun na yata ang pinakatangang isda sa buong mundo eh, bakit ba gustong gusto ninyong mag-alaga ng bobong hayop ha?” dapat daw, aso na lang ang alagaan ko, yung matalinong pet. Sumagot ako, “kasi mababaw lang ako, mahilig din ako sa bobo. kita mo nga, gusto ko ring makipag-usap sa bobong tao, di ba?” kulang na lang dagdagan ko ng “pwede ba kitang maging pet?”. ewan ko kung hindi niya talaga naintindihan ang sinabi ko o talagang dedma lang ang hayop.
Wala akong pakialam kung bobo o matalino ang pet ko. eto ang listahan ng dahilan
-
Hindi ko siya uutusang maglaba
-
Hindi rin siya magtuturo ng calculus sa college
-
Hindi ko siya uutusang mamalengke
-
Ayoko ng pet na may malisya ang tingin sa tuwing nadadapa ako o nalalaglag ako sa hagdan.
-
Pet lang ang kailangan ko, hindi mayordoma.
Mas gusto ko ang bobong alaga. Okay????
Naisip ko, malungkot talaga ang lamay.
Napagkasunduang mag-inuman. walang problema, okay lang sa akin. Ang problema lang naman eh yung pagiging mahina ko sa inuman. tatlong bote ng red horse at siguradong tahimik na ako at ngingiti-ngiti na lang pag kinakausap.
Maagang dumating ang mga hinayupak. dinatnan ko sila sa bahay nina Annie na nakaupo sa sofa na parang binayaran nila yung renta ng appartment buong taon. mga walanghiya. Hindi ko maisip kung bakit nung napagkasunduang magsimba ng maaga nung pasko, communion na ang inabutan namin dahil sa kung ano-anong dahilan, ngayong inuman ang pinag-usapan, 1 hour before time dumating sila sa lugar.
Pagkaupo ko, binulungan ako ni paul “Ice, pabili ka na ng pulutan” Anak ng bibeng duling, “bakit ako?” tanong ko. kala ko ba ambag-ambag. medyo kinapos daw ang budget. tangena. “wag ka mag-alala, dalawang beses kang pwedeng mamulutan sa bawat lagok mo ng beer” nakangiting dagdag ni Doris. langya, pag minamalas ka nga naman.
Pumasok si Annie sa sala na mag dala-dalang bowl. “kain muna kayo ng castañas, ako nagluto niyan” bungad ni annie sabay lapag ng bowl sa mesa, sabay smile. hindi pa totally nakababa yung bowl sa mesa, ang kamay ni paul nasa castañas na. Kinagat, hinati, nguya pag katapos ay dinura sa palad. “Annie castañas ba talaga to? bakit ganun ang lasa? di ko maintindihan” angal ni Paul.
Annie: Bakit ano ba ang lasa?
Paul: Masama
Annie: Eh ano ba dapat ang lasa niyan?
Paul: Masarap! teka bakit may sabaw to? at bakit amoy sampalok?
Annie: Natural kasi sinigang ko yan. yun ang sabi nung tindera, isigang daw.
Paul: Tanga, iginigisa lang yan sa mantika!
Tangena. Di pa ako nakakatikim ng sinigang na castanas, ayokong makatikim, ni ayokong isipin. Napatingin ako kay annie, nangingilid ang luha sa mata, namumula ang mukha. Masamang pangitain to. Dumating sina Dae may dala dalang tilapia. Iniaabot ka kay Annie sabay sabi ng “O eto na, lutuin mo na”. “Lutuin nyo na, tutal kayo naman ang magagaling magluto di ba?” ika nito sabay takbo sa kwarto. Nagkatinginan kaming lahat. Inabot ko kay Paul yung tilapia, “Ikaw na bahala diyan, kaw naman ang dahilan kung bakit nag walk-out yung cook” nakangiti kong sabi. Napilitan itong tumungo sa kusina. Maya maya lang ay narinig ko siyang sumigaw. sabay tawag sa pangalan ko.
Paul: Ice, tangena, buhay pa tong isda.
Ice: Eh di patayin mo
Paul: Paano?
Ice: Dukutin mo yung hasang
Pual: tangena, gumagalaw, di ko kayang dukutin yung hasang. wala na bang ibang paraan para patayin to?
Ice: Lunurin mo na lang?
Paul? Lunurin? paano?
Ice: Ilublob mo sa tubig.
Paul: Tangena, isda to, hindi to mamamatay sa lunod,
Ice: Anong kulay ng mata ng isda, mapula ba?
Paul: Hindi, puti!
Ice: Tama ang hinala ko, malulunod yan, hindi yan marungong lumagoy.
Paul: Pakyu! tatagain ko na lang.
Bumaba si Dae galing sa kwarto ni Annie, umupo sa tabi ko sabay bulong ng, “umiiyak si Annie, hindi lang daw natin naappreciate yung effort niya”. Naisip ko, kung mauubos yung hinayupak na sinabawang castanas, magiging okay ang lahat. kaya naman kahit masuka suka na ako sa lasa, pinilit kong lunukin. Tatlong piraso na lang siguro ang natitira sa bowl nung bumaba sa annie. Tinanong kung sinong umubos ng castanas, Itinaas ko ang kamay ko, pakiramdam ko pag nagsalita ako, ibubuga ko lahat ng castanas na nakain ko. Tumingin si Annie sa akin sabay sabi ng ’bakit naman hindi mo na ipinagtira yung ibang hindi pa dumarating?” sabay talikod ulit nito papunta sa kusina. Naiwan akong nakatanga.
Tangena, ang hirap magpasaya ng kaibigan.
Ang sarap bumiyahe sa EDSA nung Christmas, Walang traffic, walang kotongerong pulis na nagtatago sa gilig-gilid, madilim kaya hindi kita yung kulay pink na overpass. Ayos.
Pagkatapos ng party office napagtripan naming ng ibang kaopisina ang maglakad. Wala masayadong tao sa lansangan. Kumpyansa din kami na pati mga holdaper ay nakapagfile ng leave of absence sa date na yun. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong umuwi at magpasko na lang sa bahay kasama ang pamilya. Sa kasamaang palad, dineclare na critical working day ang December 24 ng gabi sa office. Kaya tangena,by crook or by crook ay pumasok kami sa trabaho. Pasalamat na lang ako na by 11:15 pinayagan na kaming umuwi.
Yung mga pagkain na inorder sa Max’s, and daming natira. Suspetsa ko pampalubag loob lang yun o di naman kaya ay part ng isang evil experiment ang lahat. Siguro naiisip nila “yaman din lang na papapasukin natin sila sa pasko, subukan kaya nating impatsohin ang mga yan, tingnan natin kung ano ang magyayari”. Sa awa ng diyos, wala namang namatay sa kabusugan.
Umuwi kaming may kanya kanyang bitbit ng plastic ng pagkaiin. Naisip ko; Ayos! May almusal ako bukas. Pagdaan naming sa may flyover sa Ortigas, nilapitan kami sa isang bata sabay extend sa kamay, humihingi ng limos. Binigyan ko siya ng sampung pisong barya, pagkakuha ng pera tumakbong palayo yung bata, palapit sa ibang taong hihingan ng limos.
Nakakalungkot na may mga ganito pa rin sa pasko, Naisip ko maswerte talaga ako, kasi kahit hindi ako ganoong kayaman, At least nabibili ko yung basic na pangangailangan ko. May pabaong cash gifts ang kumpanya, meron din namang gift cards at iba pang perks and freebies. Pagdaan daan namin sa may kariton, tinanong kami nung ale kung anong oras na, sumagot si Paul, “Alas dose pasado na po”. Ngumiti siya sa amin sabay sabi ng “Merry Chistmas” , tapos ay bigla niyang tinawag yung batang kanina lang ay binigyan ko ng sampung piso. Hindi naming maiwasan na sundan ng tingin yung ale. Paglapit nung bata, Bigla niya itong niyakap at hinalikan sa pisgi. Hindi naming marinig yung usapan nila pero nakita namain na pareho silang nakangiti na parang nagbibiruan. Hiningi ko yung supot ng pagkain ni Paul sabay lapit sa mag-ina at inabot yung mga supot. Nagpasalamat naman sila.
Habang papalayo ako sa mag-ina, naisip ko “Gaano ba ako kasuwerte o malas ba talaga sila?” Ako kumpleto nga ngayong pasko, regalo, bagong damit, pagkain pero malayo sa pamilya. Sila, walang ngang pera, hindi nakakain ng maayos pero may yakap at halik sa pisngi, isang bagay na hindi kelan man maipagpapalit sa anuman. Sinong maswerte sa gabing ito?
Napa-iling ako bigla. I finally understood why Christmas is usually defined with the word love. I am not a very religious person but I felt I understood the concept of equality that night. As we pass throught the EDSA shrine, I made a quick sign of the cross. Call it divine intervention, call it whatever you wish to call it, I made a quick prayer and said “tonight, the night of his birth, of all nights, we found ourselves equals. Thank you for the explanation”
I hit the bed around 11:30 PM. Medyo inaanticipate ko na na magiging maganda ang araw bukas. Kailangan ko nang magpahinga. Siguro umabot din ng 15 minutes bago ako nakatulog. Ayos na sana ang lahat nang bigla kong maulinigan na tumunog ang aking cellphone. Dahil nga sa inaantok na ako, hindi ko na lang pinansin. Medyo papikit na ulit ang mata ko nang tumunog nanaman. this time, tatlong sunod sunod na text. Sinundan ng miss call. Biglang napamulat ako, tumitig sa kisame, Anong emergency kaya ang nangyayari at sa ganitong disoras ng gabi ay nakuha pang magpatunog ng cp ang hinayupak. Takbo ako sa cp, binuksan ko ang message; Tol’ emergency! tumatanda ka na. bwahahaha. happy birthday!!! painom ka. Napangiti ako. parang hudyat naman yung aking perfect smile para magsipasukan ang message sa cp ko. May galing sa kapamilya. mga kaibigan, kamag-anak, past girlfriends mga tambay sa kanto at yung baranggay tanod sa kabilang ibayo.
Naisip ko, oo nga bertday ko na nga pala… Ano bang maganda ang nagawa ko sa nakaraang buong taon ng buhay ko? May mga nagawa akong mabuti at tama para sa kapwa ko this past year? Naglilinis na ako ng kuwarto ngayon, naghahanap buhay na ako ng marangal (Ayoko na ulit bumalik sa buhay ng pagiging kubrador ng hueteng, nyahahaha… joke). pero hindi ibig sabihin noon na okay na ako. Kahapon iniisip ko kung anong dapat kong gawin para maging makabuluhan ang araw na to. Hindi ko naisip na maaga itong mag-uumpisa. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa baba. dali-dali akong bumaba. pagkabukas ko ng pinto. nagulat ako sa aking nakita. Mga kaibigan ko, ang unang tanong nila, “may yelo ka ba diyan? mainit na tong san mig light, yung letson manok, malamig na, alas diyes pa kami nakatambay sa kanto, bakit ba ang bagal dumating ng alas dose pag-ikaw ang nagbebertdey?” natawa ako. Naisip ko, “siguro nga may nagawa din akong tama sa buong taon, kasi kahit papaano, may mga nakakaalala at nagmamahal pa din sa akin” ![]()
“pre malapit na kasal ko. wag mo akong dramahan ng ‘i won’t miss it for d world’ kung wala ka namang balak pumunta. haha. wag ka ding magrerequest ng stag party, kung meron man, e bring ur own. saka pag nagregalo ka, ibalot mo din tulad ng sa christmas program nyo”
Ito ang simpleng message ni badoodles na kunyari ay comment. Sabi ko naman ulit ‘i won’t miss it for d world’. Kaya kahit halos hindi pwedeng umuwi, pinilit ko talagang umuwi. Honestly, hindi ako nahihiya kay badoodles, sa dami ng katarantaduhang pinagdaanan namin niyan, nawala na ang hiya ko sa kanya. Nahihiya ako sa bebe niya na naging kaklase at prend nung college. Kaya nagkumahog akong umuwi. Napilitan tuloy akong magsakit-sakitan nanaman para sa D-Day nila. Tawag sa offis at sinabing may sakit ako. Nagtext si Manager, “Okay, basta dalhan mo’ko ng pasalubong na Medical certificate pagbalik mo ha?”. Ayos na! ‘di lang ako sigurado kung san pwedeng bumili ng medical certificate pagbalik ko.
Alas Siyete ng gabi ng makarating ako sa terminal. Wala masyadong tao kaya okay lang. pagkasakay ko ng bus, binuksan ko ang bag ko para kunin ang aking mp3 player. Isinasalaksak ko na ang mga earbuds ng player nang mapansin kong parang may mali sa bag ko. Paksyet…Nakalimutan ko ang aking jacket. Takbo ako sa konduktor ng bus, Tinanong ko kung malamig ba ang aircon dito kasi wala akong jacket, Sumagot siya, “Hindi, parang hindi nga airconditioned bus to eh” ayos, bulong ko sa sarili, At least okay lang.
Palabas na ang bus sa NLEX nung medyo nakakaramdam ako ng ginaw. Parang nagkakaroon ng moist ang mga bintana. Masamang senyales. Pagkarating namin sa Nueva Ecija parang umuusok na ang bibig ko tuwing humihinga ako. Tangena, Tama yung hinayupak na konduktor, Hindi nga airconditioned bus ang nasakyan ko, Walk-in freezer ang hayop! Di nako mapakali. Naisip ko, siguro kung maitutulog ko hindi ko masyadong mararamdaman and ginaw. Mahirap makatulog pero unti-unti din ako napapaidlip. Okay na sana ang lahat nang biglang may kumalabit sa siko ko, yung matandang asa kabilang upuan, tinatanong niya ako “Iho, malapit na ba tayo sa Santiago? Huwaaaa!!! Sabi ko “Nay, asa Nueva Ecija pa lang po tayo. Sa kabilang panig ng mundo pa po ang Santiago.
Pagkarating namin ng Aritao, Nueva Vizcaya, bumaba ako para kumain, Sa pagkakataong yun ko lang nalaman ang kahalagahan ng stopover. Nakita kong may ibinebenta silang kumot. Light brown ang kulay. Kahit duda ako sa kulay nung kumot, binili ko na din. Pagbalik ko sa bus, binuklat ko yung kumot, tinabihan ako nung isang lalake sabay sabi ng, “Bro pwedeng pa-share ng kumot, mukhang malaki naman”. Anaknang… Malaki!!! Isang dipa kwadrado lang yung kumot, malaki?? Naisip ko na lang “Siguro pag frozen na ang kalahati ng utak mo, lahat ng bagay malaki” Pagkaupo namin, sabi ng kumag “Ang lambot nitong kumot pre, sarap haplusin saka cute ng kulay, Light Brown” Sabi ko, “Puti dati yan!”, nagbabakasakaling mandiri ang hinayupak, walang reaksyon. pagminamalas ka nga naman.
Pagdating namin ng santiago, laking pasasalamat ko nang bumaba yung lalake. At least solo ko na finally yung kumot. Pero kahit mag-isa na ako, di pa rin maawat ang lamig ng bus. Pinatong ko ang paa ko sa upuan, niyakap ko ang aking back pack sabay namaluktot sa upuan, sabay takip ng kumot. Medyo maganda ang resulta. nakaramdam ako ng konting init. Ang sarap na ng tulog ko ng biglang pumreno ang bus. Napansin ko na lamang na asa sahig na ako ng bus. Bumagok ang siko kong nadislocate dati sa kaharap na upuan. Napaluha ako sa sakit. Sumigaw yung driver “Ano yung bumagsak?” Sumagot ako. “Yung pack pack ko!”Pagdating namin ng Tuguegarao, bumaba akong hawak-hawak ang siko ko. Tinanong nung konduktor, “Ano yan rayuma!” Sumagot ako “‘lul, rayuma? sa siko. rayuma? Bumagsak ako kanina” Natawa siya, “Akala ko ba, back pack yung bumagsak?” Oo nga, back pack nga! bumagsak, kasama ako! Pasakay na ako ng tricycle nung humabol yung konduktor, hawak niya yung kumot. naiwan ko sa loob, nagpasalamat ako sabay bulong ng, “pre’ dapat siguro, ipabless nyo na yang bus nyo. nuknukan ng malas eh” tumawa lang ang hinayupak.
—————— P.S.
Dear Badoodles,
Reregaluhan sana kita ng pridyider kaso lang mahirap balutin yon. Masyadong malaki. Yaman din lang ng gusto mo ng may balot, reregaluhan na lang kita ng baso bukas (yun, kaya kong balutin).
Ice
Mahilig akong manood ng boksing, kahit hindi si Pacquiao ang lumalaban basta alam kong match ang bugbugan, pasok ako diyan. Last sunday nung laban mi Hatton at Mayweather, kahit puyat pa ako sa trabaho, pumunta pa rin ako sa Megamall para panoorin ng live ang laban. Hindi ako sosyal, Wala rin akong galit sa pera, kaya ko pinanonood ng live yung laban dahil gustong kong matulog ng maaga-aga. Pagka kasi sa telebisyon mo pinanood laban,libre nga pero aabutin ka ng pasko bago ka makatulog sa dami ng komersyal.
Nung nakaraang linggo, 9:00 AM, kahit mga sales clerk pa lang ng Megamall ang pinapapasok, kumpyansa ako dumeretso sa pinto. Tinanong ako ng guwardiyang mukhang bulldog kung saan daw ako pupunta. Sabi ko “Nood ng boksing” sabay turo sa direksyon ng sinehan. Tinitigan niya ako, Para akong hinuhubaran ng kanyang mga tingin. ‘Di ko na hinintay na umabot ba sa hinlalaki ko sa paa ang tingin niya. Tinanong ko na siya:
Ice: Bakit? ‘di ba may boksing ngayon?
Bulldog: Alas Otso ang umpisa, Bakit ngayon ka lang?
Ice: Bakit bawal bang pumasok ng nag-umpisa na ang palabas?
Bulldog: Hindi naman ser. asan ho ang ticket ninyo?
Ice: Hindi ba may nagtitinda ng ticket sa taas?
Bulldog: Bibili pa lang kayo?
Ice: Bakit bawal ba? teka…teka nga muna? bakit ba ang dami mong tanong?
Bulldog: Ginagawa ko lang trabaho ko ser?
Ice: Ano ka ba dito? Guwardiya o Guidance counselor? Bakit mukha ba akong holdaper?
Bulldog: Hindi ho ser (tapos dinugtungan ng pabulong na) mukha lang kayong walang pambili ng ticket.
Anak ng bibeng duling. Ang laking insulto yon sa pagkatao ko. Tatanggapin kong tawagin niya akong mukhang holdaper, kasi alam kong walang katotohanan yon. Pero ang sabihin niya wala akong pera, tangena naman! Hindi yun kayang tanggapin ng pride ko. Ika nga ng mga Kano; “You don’t have to rub it in” Masakit ang totoo eh.
Bago pa ako tuluyang mapundi, dumeretso na ako sa loob. Bumili ng ticket at pumasok sa sinehan. nagulat ako sa palabas. paksyet… CARTOONS!!!! Nilapitan ko yung babaeng nag-aasist sa loob ng sine, tinanong ko kung tama ba ang sineng pinasukan ko. Sabi niya “Tama po, Mayweather at Hatton po ang palabas” sumagot ako, “Pasensya ka na ha? di ko alam kung dala lang ito ng antok ko, pero bakit mukhang sina Wiley Coyote at si Road Runner ang nakikita kong naglalaban” Tumawa siya, Wala pa daw feed. boksing daw ang ipapalabas talaga. para lang daw hindi maiinip ang mga tao. Nakahinga ako ng maluwag, Akala ko Road Runner na ang tingin ko kay Mayweather.
Umupo ako malapit sa isang matanda na mukhang mahilig mamikon (My kind of guy, nyahahaha). Ang lakas makasigaw ni lolo, “Hoy mga hudiyo. akala ko alas otso ito magsisimula? bakit cartoons ang pinapalabas ninyo? hindi yan ang binayaran ko. Boksing na!!!”. Napangiti ako. Mukhang narinig siya ng Operator, biglang nawala yung palabas na cartoons. tapos lumabas yung station ID ng ABS-CBN, Sa background may naririnig kang sound, Parang dalawang taong nag susuntukan. naririnig mo yung gloves na tumatama. Boksing!! kaso walang nakikita sa screen. Sumigaw na ulit si lolo. “Hoy mga animal!! Nag-umpisa na, asan ang picture? #@%&@$#*^%$#!!!!!!” Yung background ng boksing lalong lumalakas, Para kang nakikinig ng radio, Puro sound lang. Mabuti pa nga yung drama sa radio, at least alam mo ang nangyayari kasi sasabihin ng bida ang kanyang ginagawa, Parang ganito
Bida: Susuntukin kita sa mukha, Eto ang sa’yo, huh naka-ilag ang hayop
Kontrabida: Hahaha, Nakaiwas ako, ako naman ngayon ang susuntok, eto ang sa’yo,
Bida: Tinamaan ako sa mukha. hidi ako naka-ilag.
Kontrabida: Hindi ka nga naka-ilag!
Sa sineng puro sound, walang ganoon, hindi mo alam kung sino ang tinamaan at kung saan tinamaan. makakafrustrate. Yung lolong katabi ko. pikon na pikon na. Bigla itong tumayo, tumingin sa projection booth sabay sigaw ng “Hoy animal ka, Ibalik mo na lang ulit sa cartoons kung yun ang gusto mo! wag mo lang pahirapan ang kalooban ko ng ganito” Nyahaha. kung sa bahay ako nanood, walang dramang ganito.
Medyo frantic nanaman ako. Alas nueve ang pasok pero 8:30 na asa megamall pa rin ako para bumili ng regalo para sa aming Project; Christmas Smile. Asa climax na ako ng tulog ko ng bigla akong bulabugin ng tatlong sunod-sunod na txt message galing sa aking mahal na manager. Parepareho ang messages, tatlong beses lang isinend para wala akong excuse na hindi ko natanggap ang text message - Plis don’t forget to bring your gift for our gift giving at the orphanage. Ohmaygad, nakalimutan ko totally. Hindi tuloy naisama sa budget ko. Nagtext back ako, sinabing wala na akong pera. ang text back niya sa akin “‘lul mo, kahapon mo lang nakuha ang 13th month pay mo ah, basta bumili ka
“
Ang mamahal ng mga toys sa toy kingdom. Pero dahil sa wala na ngang ibang choice, late na ako, walang ibang mabilhan na malapit, sumige na ako. P399.99 ang worth ng toy. Medyo umaray ang bulsa ko. Hindi ganoon kalaki ang halaga kaso wala lang talaga sa budget. Siguradong pansit canton ang lunch ko ng mga ilang araw nito.
Hingal Kabayo ako dumating sa ofis. Late pa din ako ng 5 minutes. Pohtek. Pagdaan ko sa cubicle ni Mommy Thelma, bigla itong pumito sabay sabi ng “Wow, sarap mong maging ninong, Toy Kingdom. Ako sa bangketa ko lang binili ito. siksti-payb pesos lang” Natigilan ako. P65.00, naknang bibeng duling akala ko ba…?. Sabi ng iba, binibiro lang daw ako nung sinabing P300 up ang worth. Ako naman itong si tanga, naniwala naman. Ang sama sa pakiramdan ng pinapasakay na sa kasamaang palad ay sumakay naman.
Tinanong ako ni manager kung bakit daw hindi ko binalot ang regalo ko. sabi ko “Gusto mo balik ako sa mega, ipabalot ko” tapos sabi ni Mommy Thelma wag na daw kasi medyo napamahal na ako sa presyo. Pumayag naman si manager. Ibibigay na lang daw na ganoon.
Naisip ko tuloy nung bata ako, wala akong laruang mamahalin. Kadalasan bigay lang ng mga tita. kung bilhan man ako ni mama, yung siguradong may sobrang pera talaga. sa tuwing pasko lang ako madalas nagkakaroon ng bagong laruan. Naalala ko yung excited na bata sa tabi ng Christmas tree na halos hindi mahintay ang christmas para buksan ang regalo. Binibigyan ako ng pera dati pero iba ang feeling ng magbukas ng regalo.
Bigla ako tinamaan ng kung ano. alam kong hindi yun konsensya kasi wala ako nun. pero tinamaan ako. Bigla akong bumaba. Bumili ako ng gift wrapper at scotch tape sa Mini Stop, additional 11 pesos ang nabawas sa pancit canton money ko. pero hayaan mo na, alam ko kung anong magic ang kapalit ng 11 pesos ko. Tumingin ako sa langit habang bumubulong ng “Lord, additional pogi points ‘to ha?”
Hindi ko alam kung tama ang pananaw ko sa buhay o talagang ipinaglihi lang ako sa sama ng loob. Kasi ang dami ko daw napapansin na hindi na dapat pinapansin. Ang problema naman kasi. Parang Palaging kontra-pelo ang mga pinaggagawa ng mga taong dapat sana ay gumagawa ng paraan para gumanda ang mga lansangan dito sa Metro Manila.
Una sa listahan ko mga MMDA Street Urinals, Tama ang Ideya, mali ang application. Naranasan mo na bang dumaan sa tabi ng public urinal? kung hindi pa, subukan mo minsan, babaliktad ang sikmura mo sa panghi. naknamputsa naman kase, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos, daan -daang kalalakihan ang nagbubuhos ng sama ng loob sa urinal na yan pero once in a blue moon kung malinisan (kung nalilinisan pa). Kaya tuloy sa tuwing dumadaan ako tabi ng mga urinal, sinasabihan ko ang sarili ko ng paulit-ulit “Wag hihinga, mabaho ang kubeta, wag hihinga baka ka masuka!”
Isa pa, Nagiging paboritong tambayan ang Urinals na yan ng mga hinayupak na perverts. Ang aking peyborit bespren na si Annie nabiktima ng pervert sa urinals na yan. E paano ba naman, may sapat silang rason para ilabas sa kanilang mga pototoy sa kinalalagyan. (alangan naman umihi sila na hindi inilalabas yun) ang problem asa gitna ng mataong lugar ang urinal na yan at walang sarado ang pinto. Dumaan si Annie sa tapat ng pinto ng biglang may sumitsit sa kanya, paglingon niya “SURPRISE!”, tangena. Sabi ni Annie “It felt like I was devirginized all ober agen” Sagot ko naman “Away mo nun, You get deveriginized like once in every week?” Pero regardless sa feelings ni Annie. Maling mali talagang maglagay ng ganyang urinal sa mataong lugar.
Wala ring namang pinagkaiba, Ang tao kung talagang bastos, Iihi na lang sa pader yan kahit saan. Ang tao pag may breeding, Maghahanap yan ng palikuran para makaihi. Ang daming CR sa metro. Meron sa mga bus terminal, sa mga food chains, sa mga resto, sa mga malls. hindi naman bawal makiihi sa mga yan. Sa paglalagay ng urinals sa kalagitnaan ng pampublikong lugar ay masakit sa mata, bukod sa kulay pink ang hinayupak, para nageencourage pa ito ng masamang ugali sa pag-ihi kung saan saan.
Bakit kasi complicated ang ang salitang Ingles? hirap na hirap tuloy ang iba na mag express ng kanilang mga gustong sabihin. Pohtek naman kasi ang kanilang mga accent, parang naghohoneymoon ang dila mo sa dami ng posisyong ginagawa. Minsan kailangang nakadikit ang dila sa harap na ngipin, minsan kailangan namang nakadikit sa ngala-ngala, langhiya naman, kulang na lang sabihing “lunukin mo ang dila mo and then say apple…aaappplllleeee.
Naalala ko tuloy yung isang kasama ko sa call center dati. ang ganda ng usapan nila ng caller sa umpisa. May pa “how are you today?” pa ang hinayupak sabay labas ng gilagid. tapos biglang nagbago ang timpla ng kwentuhan dahil sa isang word lang. ganito ang naging takbo ng usapan.
Dang: Helo mam jas por beripikeyson, may I ask por yur address?
Mrs. Smith: Oh that would be, 15 Fairway Drive
Dang: In wat city mam?
Mrs. Smith: That would be in Palm Beach, Florida
Dang: Oh waw, Palm Bech
Mrs. Smith: No no no. Its Palm Beach
Dang: Okay Betch!
Ang kinalabasan? Pinatawag ng kostumer ang supervisor. Dahil lang sa betch na yan.
Mayroon din akong kasama na kung mag phonetics ay mapapamura ka talaga. Bigyan ka ba naman ng phonetics na “P for Papa, F for Fafa, B for Baraccuda, Q for Cucumber” Tingnan lang natin kung hindi ka maghanap ng bonamine dahil sa hilo.
Tapos nung isang gabi, yung bago naming kasama sa office biglang lumapit sa akin sabay entrada ng:
Fiona: “Ice someone is crushing you”
Ice: (Humalakhak ng malakas)
Fiona: (Seryoso ang mukha) What’s funny?
Ice: Seryoso ka ba sa sinabi mo?
Fiona: You don’t believe that someone is crushing you?
Ice: I am not feeling anything
Fiona: Siyempre alangan naman magparamdam naman siya sa’yo.
Ice: (Nakakaramdam na ng vertigo) Huh?
Fiona: That girl who is crushing you (sows!! inulit pa)
Ice: Ah okay.
Masarap kumain ng lunch pag kasama mo nga kaibigan mo. Kahapon nagtake-out kami ng lunch sa canteen ng building. Dahil nga mejo naghihingalo na ang wallet ko, bumili lang ako ng fried rice na may bacon bits. Bumalik kami sa taas para kumain sa pantry. Nasa kasarapan na ng kwentuhan nang biglang may humalong Baklang Baboy sa grupo. I have nothing against gay people, I have friends na bading na may modo. Itong bading na ito, balahura.
Kumuha Lang ako ng tubig sa dispenser, pagbalik ko, binuksan na ng hinayupak na bading na baboy ang styro ng pagkain ko sabay sabing “sinong kakain nito? Masyadong greasy!” Kung nakakapatay ang tingin, Tatlong beses na sanang patay ang peste. Pero dahil kakilala nga siya ng kasama ko, hindi ko na lang pinansin. Ang ingay mag kuwento ang hinayupak. Kung makahalakhak parang feeling mo asa pinto ka ng impyerno. Habang nagkukwento, ako naman hindi magkandaugaga sa pagiwas sa kinakain ko sa nagtatalsikang laway niya. Fried rice ang inorder ko, Hindi sinabawan.
Panay ang pasikat ng hinayupak na kesyo kumain daw sila sa TGIF kahapos, na sa shakeys naman daw ngayon. Lunch daw sa congo grill, Breakafst daw later sa Racks. Tangena sosyal sosyalan ang pohtek iskwater naman ang ugali. Proud pa syang magsabi na dumedekwat daw siya ng mga utensils sa mga resto, ang paborito daw niyang dekwatin yung mga malalaking baso sa Pizza Hut. Ang talsik ng laway niya medyo umaarangkada na rin. Di ko na nakayang tiisin. Ang laway at bad manners ay masamang paghaluin.
Tumingin ako sa kanya sabay sabing “Sosyal ka nga, klepto ka naman” natigilan ang baboy, nag kulay violet, tumayo at lumabas sa pinto. Siguro narinig pa niya ang dumadagundong na pahiyaw na tawa ng mga iniwan niya sa loob.
Last na message sa akin ni azeh ay - cge tulog na, wag ka sama sa coupdetat. hahaha!- Napataas ang kadalasang nakababang kilay ko. Wat? ‘di ko makuha ang joke. Naisip ko, siguro inaantok na talaga ako. Pumasok ako sa opisina ng maaga para makatulog. At least sa ofis may aircon at walang mga batang naglalaro sa labas.
Alas tres na ng hapon ng makarating ako. Parang bahagya lang sumara ang mata ko ng magising ako sa ingay. Parang may nagpaparty sa baba. Hinawi ko ang blinds ng sleeping quarter. Binulaga ako ng beer ni goliath. Paksyet, Party nga. Madilim na. Maraming tao sa baba. Sa tapat ng floor namin nakatutok ang spotlight. Sinilip ko ang orasan. alas otso na ng gabi.
Bumaba ako para kumain. Maraming tao sa labas. May higanteng beer na nakatayo sa gitna ng Ortigas Ave. Dinatnan kong nanonood sa labas ang mga officemates ko. Kasalukuyang tumutugtog ang Sugarfree. Yung nga security guards na ginawang props, nakatayo sa likod ng barikadang asa tapat ng stage, inuulan. Ang nakakatawa, walang tao sa kabila ng barikada, asa silong lahat ang mga tao. Lumapit ako sa mga sabay tanong ng “anong balita?” sumagot si Vhong, “Hinuli na si Trillanes” Napakamot ako ng ulo. Pag medyo hindi maganda ang gising ko, madali akong maburat. Hindi ako napapangiti sa korning joke. Biglang may mga pulis na nagdatingan, tapos balitang matatapos agad ang party dahil sa curfew. Curfew?!?
Tangena martial law na ba? Ilang oras lang ang tulog ko, nagbago na ang ikot ng mundo. Di ako makapaniwala. Tinanong ko ulit, bakit ang daming pulis. Tinanong ako “sang lupalop ng mundo ka ba galing?” sinagot ko siya ng, “Sa sleeping quarters”. Si Trillianes daw, kasama si general Lim nag walk out sa hearing, hinuli sa Manil Pen. Ang hirap dito kay Trillianes masyadong matigas ang ulo, eh kung hindi sana nagbida bidahan ang tukmol na ito e di hindi sana nagkagulo-gulo. Ito namang military ang lupet ng exageration sa buhay. Kudeta daw. Pohtek. Yun lang kudeta na? Nag CR lang sa Trillianes sa Manila Pen nagpadala na sila ng tangke. Ang OA ng dating. Naalala ko yung joke ni azeh. yun pala yun.
Ang Hirap sa pinas, yung mga maliliit na bagay pinapalaki. Eh sa dami ba naman ng mga sundalong gustong maging action star, siguradong mas lalala ang problema. Ang pulitika talaga dito sa pinas nakakakunsumi
Enjoy na enyoy ako sa pagtulog sa bus pauwi nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahil nga sa ilang beses na din akong nadukutan sa bus bigla kong ipinasok ang kamay sa bulsa sabay hanap sa cellphone. Nasa bulsa ko ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tapik. May isang aleng nakatayo sa may isle ng bus. May iniaabot na kapirasong papel. Nakalagay sa papel- Please help me yada yada yada. I’m a widow with four kids yada yada, buy dried mangoes yada yada. “Widow ka diyan” bulong ko sa sarili. Bigla ko tuloy naisip na mahirap na talaga ang buhay ngayon.
kagabi habang papasok ako sa trabaho may sumampang mama sa bus sabay hugot sa bibliya at biglang nagbasa ng “Word of God” Panay ang bulyaw ng “Amen!” pero walang nakikinig. Hinugot ko ang Mp3 player sa bulsa ng bag, sinalaksak ang earbuds sa tenga sabay todo ng volume. Bahala na si batman! Hindi sa ayaw kong makinig, ang ayaw ko lang ay yung recycled na envelop na inaabot sayo pagkatapos ng basa. Gusto kong magtanong ng “magkano ang kailangan kong ibigay para assured na ng pagpasok ko sa langit?”
Noong isang araw naman may mamang naglilitanya sa kawalan ng hustisya. Dati daw silang nagtatrabaho sa isang Bus Company, pero nagwelga sila kahil sa hindi makatao ang pamamalakad ng kumpanya. Magtatatlong taon na daw nakabinbin ang kaso nila sa Department of Labor. Hanggang ngayon ay hindi pa raw naaaksyonan ang kanilang hinaing. Humihingi lang daw sila ng konting tulong para may pambili ng pagkain sa piket line. Paksyet!!! Parang gustong sumigaw ng “Tatlong taon na kayo sa piket line??!! bakit hindi pa kayo humanap ng ibang trabaho? tangena!” Ibig sabihin nun tatlong taon na ding umaasa ang mga hinayupak sa limos. Tinitiis magutom ang pamilya dahil sa prinsipyo kuno. A lousy excuse for indolence.
Kinapa ko ang bulsa ko kung may pera pa ako. Di naman siguro masamang bumili ng dried mangoes. Umupo yun ale sa tabi ko habang inaayos ang paninda. bigla ko siyang tinanong “Saan ho nagtatrabaho ang asawa niyo?” sumagot siya ng “Walang trabaho eh!” Inabot ko sa kanya ang bayad ng dried mangoes sabay bulong sa kanya ng “Oo nga. Widow ka nga!”
Sobrang tipid ko ngayon. Bihira na akong kumain sa fastfood chain na may pangalan. Kanina, niyayaya akong maglunch sa mcdo. dahil nagkahiyaan na, sumama na din ako. habang nagkakasarapan ng kwentuhan, kung saan saan na napunta ang usapan.
Nagsimula ang usapan sa trabaho, tapos napunta sa sahod, tapos dumiretso sa usapang aso. Dahil nga interesado din ako sa hayop, natanong ko kung magkano ba ang isang shitzhu. Ang sagot sa akin ni Eric, “Depende, minsan it ranges from 8 thou to 21 thou”. Mas mahal daw kasi pag may papel ang aso at kumpleto na ang vaccination. halos mabilaukan ako sa presyo. Naknangtinapa. Yung kapitbahay ko sa probinsya na nasagasaan ng bus, P14,000 lang ang binigay ng bus company sa asawa niya. E siguro naman kumpleto ang bakuna nung minalas kong kapitbahay nung pagkabata niya at siguradong authentic ang birth certificate nun. Ibig sabihin pala nun, mas mahal pa ang buhay ng aso kesa sa tao.
Eto pa ang mas matindi. Pwede palang ipangalan sayo ang isang star, as in butuin sa langit, sa tamang halaga. ‘di ko alam kung totoo o pinapaikot lang ako ng Cha nung sinabi niya yun. Ang sabi daw ng proffessor niya, may kumpanya daw na nagbibigay ng ganoong services. Kasi daw yung girlfriend ng prof niya e ganoon daw ang gustong regalo, ang ipangalan ang isunod sa pangalan niya ang isang star. paksyet. Kung ako ang may girlfriend na ganun, isusunod ko ang pangalan niya sa dulo ng listahan ng ex-girlfriends ko. Sa dami ng pwedeng pagkagastusan sa mundo, star pa ang napiling pagtripan ng hinayupak. At saka isipin mo. Pag may school reunion kayo, tapos nagpapayabangan ng properties, anong sasabihin mo? Ituturo mo yung star sabay sabihin na “Akin yang star na yan o, nakapangalan yan sa akin!” tingnan ko lang kung hindi ka pagkakamalang durugista.
Adik ako sa libro. Hindi ako mabubuhay ng walang libro. Pero bago ako magpatuloy, nais kong ilagay sa tamang konteksto ang lahat. Hindi ako sumisinghot ng usok galing sa pinilas at sinunog na pahina ng libro. Hindi rin ako nanginginig pag lumipas ang isang araw na hindi ako nakahawak ng libro. Sa madaling sabi, Hindi ako nagdudurog. Bwahahahahahaha.
Mayroon akong anim na balikbayan box sa bahay na puno ng libro. minsan naisip ng nanay ko na ibenta yung libro o di naman kaya ay idonate sa charity dahil pinamamahayan daw ng ipis. nagulantang ako. hindi niya naisip yung hardwork ko na kulektahin ang mga librong yun. Mabuti na lang at nadaan sa paglilinis ng kuwarto ang lahat.
Nagsimula akong mangolekta ng libro first year high school. Masuwerte ang newbies sa novel reading na may Harry Potter sa kanilang formative years (hikbi!). Nung naguumpisa akong mahilig sa libro, Hardy Boys ang pinagtiyagaan kong basahin. Yung librong kulay blue ang cover na may dalawang teenager na iba-iba ang pagkakadrowing ng mukha sa bawat cover. May Lord of the Rings na nung panahong iyon, pero pohtek kung yun ang babasahin ko. Eh di dinugo naman ang ilong ko nun. Heavy reading ang LOR, not your normal fantasy novel. Kung beginner ka at LOR ang inaambisyon mo goodluck sa hemorrhage. Pero kung tutuusin mo, ‘di rin naman imposible.
Noong minsan na dumaan ako sa aking suking 2nd hand bookstore, nahanap ko yung matagal ko nang hinahanap hanap na libro. Bukod sa P120.00 lang ang presyo, maganda pa yung sales lady. Kaya okay lang kahit walang resibo at di na ipinlastik yung libro. Ang pangit lang sa 2nd hand book ay may nauna nang nagmay-ari sa libro (pohtek naman, kaya nga 2nd hand eh), Huwag kang magtaka kung may sulat na ang first page. Katulad na lang yung librong nabili ko. May date na 12/17/85, may dedication pa. sabi “Laura, This is one of the best, read on ang keep reading! love, jim” yan ang isa sa mga drama ng 2nd hand na libro. May history.
Last time na bumalik ako sa 2nd hand bookstore nakita ko yung book na “Memories of Ice” ang pamagat. Maganda yung cover ng libro. Mukhang tunay din yung mga reviews kaya medyo naengganyo akong bilhin. P140.00 ang presyo pero okay lang, mukhang sulit naman. bago pa yung libro, Parang hindi pa nabubuklat. Mahigit dalawang libong pages. Hanep! akala ko kakayanin ko. pohtek, nosebleed ang pakingsyet. Isipin mo naman ang mga pangalan ng Karakter: T’lam Imass, Ilamn Krull, It’bodlan, at kung ano ano pang hindi ko kayang basahin. Para akong nagta-toungue twister habang nagbabasa. Ito na siguro yung sinasabi ni Annie na parang chinuchurva. Hanggang ngayon di ko din naiintindihan yung chinuchurva pero ito na siguro ‘yon.
Di ko na natiis, Tinigilan ko basahin yung libro. Malapit na ang Birthday ni Tintoy, New Year’s wish niya last year na makahiligan din niya ang magbasa. naghahanap lang daw siya ng magandang book para simulan. Kumuha ako ng ballpen, nilagyan ko ng date at nagsulat ng “Tintoy, This is one of the best, read on ang keep reading! your friend, Yelo”. Cheap lang talaga akong kaibigan minsan.
Huwebes, Alas Otso ng umaga, Nararamdaman ko sa aking kaugat-ugatan na sinusumpong ako ng aking sakit. Nanunuot sa aking kalamnan patungo sa aking mga buto. Ang hirap tiisin, Di ko mapigil. Paksyet bakit kasi walang gamot sa katamaran.
Huwebes ng gabi ang unang araw ng aking trabaho. Simula ng alas nuebe ng gabi up to six ng umaga. napaka “unholy” ika nga ng mga nagmamarunong. Kailangan kong planuhin kung paano ako makakalusot sa trabaho.
9:00 AM- Pumasok sa banyo, naghubad ng damit (PG). tinesting ang tubig, malamig, tumayo, tinitigan ang balde, nagdadalawang isip, (after 10 years) kinuha ang tabo, sumalok, nag sign of the cross, buhos ng tubig sa ulo. sabay sigaw…Wwwwaaaaa… Pohtek… ang lamig.
9:30 AM - Balik sa kuwarto, Bihis, punta ng kusina, magtitimpla ng juice…naknang.., ubos na ang juice, almusal, isip… Isip… kung papaano matatakasan ang trabaho mamayang gabi. tapos biglang …click… light bulb… alam ko na ang solusyon sa problema ng mundo. Magsasakit sakitan ako. Bwahahahaha.
10:30 AM- Check kung dala ang pitaka. check kung dala ang Medicard. Okay na. Palabas na ng bahay ng mapansin. OMFG!! ang lakas ng ulan. tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap… tuloy tuloy na patak ng ulan sa bubong. Papano ako makakalabas nito?
11:15 AM- Parang di na talaga hihinto ang ulan. Baka bumaha nanaman sa labasan. Wala nanamang tricycle na makakadaan. pag minamal…teka nga… Pagnagbaha at di ako makalabas di ko kailangan magsakit sakitan. magtetext lang ako sa head namin nang ”Ma’am hindi po ako makalabas, sobrang baha dito sa amin. wala nang nakakadaan. I hope you’re all well and safe. please pray for us here in our place” pohtek…pwede…
11:30 Bumalik ako sa kuwarto para nagbihis ulit ng pambahay. pagkabihis, balik sa higaan. How good it feels to have your back lying on a fluffy bed. Inaantok nanaman, talukap ng mata ay bumibigat… going…going… gone…zzzzzzzzzzzzzzz
2:30 PM- Naalimpungatan ako. Samting is rong. sobrang tahimik, wala akong ibang naririnig kundi yung tunog ng bentilador. isip…isip… wat’s rong wit the piktyur? biglang tayo sabay bukas ng bintana…ang ulan huminto. pag walang ulan, wala ring baha. pag walang baha, walang excuse. Paksyet! Code Red, back to plan A. takbo sa banyo, shower ulit ng madaliaan.
3:00 PM- Madalian bihis, takbo palabas ng bahay. wala nang suklay-suklay. Madilim pa din ang langit pero walang ulan. sakay ng tricycle papuntang highway.
3:30 PM- Abang ng Bus. Parang may tumama sa bumbunan ko. malamig…isa pa. biglang bumuhos nanaman ang ulan. Takbo sa ilalim ng overpass. Hingal kabayo.
3:45 PM- Nakakuha ng masasakyan.
4:00 PM- Asa bus pa
5:00 PM- Asa bus pa din. sobrang trafic, usad pagong ang mga sasakyan.
5:30 PM- Asa bus pa pero malapit na sa ortigas.
5:45 PM - Bumaba ako sa Ortigas MRT, Destination: De Los Santos Clinic sa Megamall. Siyang hinto naman ulit ng ulan. Great!
Habang naglalakad iniisip ko kung anong sakit ang sasabihin ko. Di pwedeng Tonsilitis nanaman. Hindi sumasakit ang lalamunan ko. Kahit sinong doktor na mahina ang mata pa ang susuri, walang maga sa lalamunan ko. Lagnat kaya? pero mas malamig pa ako kesa sa ice plant. hindi rin pwede. Sakit ng ulo kaya? pagnakita ng nurse naman yung medical certificate ko at Head Ache lang nakalagay, bibigyan lang ako nun ng kapirasong ponstan tapos tatatakan na yung med cert ng “fit to work, rest for an hour then report back to work.: ayoko nga. Cancer kaya. exagerated masyado. Kailangan ko ng sakit na puwedeng I bed rest na hindi detectable. ano kaya? isip…isip… aha! Diarrhea…tama…Diarrhea nga.
6:05 PM- Pa-register sa nurse station, swipe ang card. walang babayaran, sagot lahat ng Medicard. Ayos. upo sa waiting section hintay ng doctor. 7:00 pa daw ang shift niya. Isip…lumabas, Ikot-ikot muna sa mall.
7:00 PM- Bumalik sa clinic, dumating na daw si doktora. Hintayin ko na lang daw tawagin ang pangalan ko.
8:00 PM- Pagkatapos ng pagkatagal tagal na paghihintay,tinawag din pangalan ko. Pasok sa cubicle. Tinanong ng Duktor kung anong problema ko. sabi ko Diarrhea. Tinanong kung kelan nagsimula. Nagisip ako, sabi ko magdadalawang araw na, sabay konting arte na parang nanghihina. maling desisyon. Sabi ng doctor “Baka amoebiasis na yan” kailangan daw itest ang jebs ko. Fecalysis daw. Naletse na. Hingi daw ako ng test form sa secretary niya. Paglabas ko ng cubicle. dirediretso nako labas ng clinic. Di nako humingi ng Test Form.
8:30 PM- Lumabas ako ng Megamall. Nagvibrate ang CP ko. nagtext yung head namin “Just a heads up, Your shift will be 9:00 PM, C ya” may smiley pang kasama.
Walang excuse, pohtek.. malapit na ang 9:00 PM. Anong gagawin ko? Paksyet… Sige na. Pasok na lang ako.
Tanghaling tapat, panay ang barurot ni Andong sa kanyang kalawanging jeepney. Kung ikaw ang nagtrabaho ng buong magdamag tapos sa kalagitnaan ng iyong “sacred sleep” ay bubulabugin ka ng ingay ng jeep na may TB ang makina, siguradong mabuburat ka talaga. Pinipilit kong bumalik sa panaginip ko kaso di na ako makatulog. Paksyet talaga. Lumabas ako sa Bahay na may inis pa din sa mukha. Nabungaran ko si Andong na nakasubsob ang mukha sa makinang pupugak-pugak. Hindi lang bad hilingin kay Lord na pabagsak sumara yung hood ng jeep habang nakasubsob si Andong sa makina ay ginawa ko na. Kung may lakas lang ako ng loob katulad ni Rexx, babatuhin ko talaga ng molotov cocktail ang madapakingsyet na jeep.
Nag-angat ng mukha si Andong nang marinig niyang binuksan ko yung pinto. Ngumiti ito ng pang close-up smile nang makita akong lumabas. Lumapit ako kay Andong sabay tanong kung anong sira ng jeep niya. Sabi niya kinukundisyon lang daw niya baka daw kasi medyo mabakante pag natuloy ang binabalak nilang malawakang tigil pasada. Paksyet… Tigil pasada nnnaaannnaaammaaannnn??? Para tuloy gusto kong bigwasan ang hinayupak. Nodoble tuloy ang inis ko.
Biglang lumabas ang asawa niya sabay sabing “hoy dimonyo ka, anong tigil pasada nanaman ang nadinig ko?’ Tinawag niyang Dimonyo si Andong. Parang naeengganyo akong sumigaw ng “I second the motion!” rumaratrat na ang bibig ng misis niya. Kahit nagsasalita parang hindi sumasara ang bibig. Pang- Guiness book of world records, Hanep!
“Nung minsan na di ka pumasada dahil sa rally na yang hindi tayo kumain buong araw, hindi nagbaon ang ang anak mo…blah..blah..blah…” sunod-sunod na bitaw ni misis, Parang armalite na maka automatic, dirediretso ang buga. Itong si Andong ayaw patalo. Prinsipyo daw ang tawag dun. Biglang tumalikod ang misis sa inis sabay sigaw ng “Tamad!”. Nagulat ako. “Mas Tamad ka!” balik ni Andong. “Walanghiya!” sigaw ni misis sabay bato sa hawak na tabo. Iwas si Andong sabay balik ng “Walanghiya ka din” Paksyet, Para akong nanonood ng pirated na The Matrix. Buga, Balik, Bato, Iwas. in slow-motion. Tapos biglang tumira ng secret weapon si misis. todo ang sigaw “SUUUPPPPOOOOOTT!” nadinig yata ng buong subdivision ang bulyaw. Biglang natigilan si Andong, Tumingin sa akin sabay sabing “Gusto mo ng kape?”
Gusto kong magising pero ayoko ng kape. Nakampotcha, Barya barya na nga lang ang sinasahod ko, magdamag pa akong gising. Tapos magtitigil pasada pa para mabawasan pa lalo ang take home pay ko. Di sila papasada para walang masakyan ang pasahero. pag walang sasakyan, Ang daming aabsent at malelate. Magsusuffer ang Economy. Paksyet, Gusto kong sumigaw ng “Blackmail!” pero baka sumigaw din sa Andong pabalik ng “Blackmail ka din!” pota, di bale na. Sasali na lang ako sa welga kontra sa welga pag nagkataon
Pababa ako ng hagdan ng Ortigas MRT nang biglang may nagsigawan tapos parang may malaking bagay na bumagsak tapos biglang may nagtatakbuhan nang mga tao sa paligid. Ako naman parang hinintuan ng music habang nag i-statue dance. Bigla akong napahinto sa paglalakad. Yung lolang sinusundan ko napahinto rin sabay hawak sa dibdib, bakas sa mukha ang tanong na “anong national emergency ang nangyayari?” Di ko din alam ang sagot. Ang alam ko nagtatakbuhan ang mga tao, pag di ako bumaba, mag-aala humpty-dumpty ako pag biglang nagkatulakan. Napatanong ako kung katapusan ko na. Napadasal ako bigla…pakshet… wag muna Lord.
Pagkarating ko sa baba, nakita ko, mga kaminero lang pala ng MMDA. Pilit nilang hinuhuli yung nagtitinda ng kendi sa baba. Naknampota. Halos atakehin sa puso yung Lola sa hagdan dahil napagtripan ng mga hinayupak na taga MMDA makipaglaro ng tag sa naglalako ng kendi.
Yung lalakeng ala Robin Padilla ang arrive (nakajacket ng leather sa tanghaling tapat at nuknukan ng init, naka-shades) na biglang nagtutulak nung magkasigawan eh tumakbong dirediretso dun sa concrete barricade ng MMDA na nakahilera dun sa driveway palabas ng Megamall. Siyempre komo action star nga ang dating hindi na sinunod ang tamang daan. pilit niyang tinalon yung barikada, Sumabit ang paa niya sa bakod. yung talon biglang naging dive. Nagkasigawan ulit mga tao dahil sa kanya.
Lumapit ako at tumingin sa likod ng barikada, yung lalake, nakaluhod na sa semento, pilit inaangat yung sementadong takip nang drainage system. Pagka-angat niya sa mukha niya, nakitang kong ang daming galos sa mukha niya, ang ilong niya namumula, putok ang nguso, yung shades basag pero nakasabit pa rin sa tenga. Tumingin siya sa akin sabay sabing “Sumabit, tambling..hehehe” Ako naman halos gusto kong humagalpak sa tawa… Nauutot nga ako sa kapipigil. Tinanong niya ako kung pwede ko daw bang tawaging ko yung sekyu. Di ako sumagot. tapos tinuro niya yung nga butas ng drainage system at sinabing, “yung cellphone ko, laglag” pumutok na ang tawa ko di ko na napigil. kumaripas ako ng takbo para tawagin yung guwardiya at para maitago ko ang tawa ko. Alam kong bad manners na pagtawanan ang kapwa mo pero…sori di ko talaga napigilan eh.
Kasalanan lahat to ng mga Kaminero ng MMDA. Naknampota, kung hindi dahil sa mga hinayupak na yun hindi sana nagkagulogulo. Hindi sana tumambling si Robin, hindi rin nalaglag ang cellphone niya sa drainage. Hindi rin sana ako nagkasala sa pagtawa ng malakas. Bad manners.
Ang sabi ni Annie ang hirap daw ng kalagayan ng babae. Minsan pag kausap ko tong hinayupak na to eh di ko alam kung nagpapaawa effect lang o talaga ngang kalunos-lunos ang kalagayan ng mga kababaihan natin dito sa mundo.
Panay-panay nga ang tanong niya kay Lord kung bakit daw ang daming kailangang tiisin ang mga babae. Bakit daw parang simula nung panahon ng Genesis eh tipong may discrimination na sa mga kalahi ni Eba. Kung may court of appeals lang ang langit malamang sandamakmak na apela na naifile nitong si Annie. Isipin mo kung gaanong kalaking abala nun kay Lord. Isipin mo naman pagka deny ng isang apela, pihadong magfafile pa yun ng motion for reconsideration.
Sa tuwing kausap ko si annie hindi niya maiwasang maglitanya tungkol sa menstruation, kesyo bakit daw babae e lang ang nagtitiis ng dysmenorea (di ko alam spelinging eh) buwan buwan, kesyo bakit daw babae ang kailangang manganak. kesyo bakit daw ang lalake isang tiisan lang sa tule. parang isang isplat lang tapos tapos na. pwede pa daw iwasan ang tule kasi free will naman daw maging supot. Naknangtokwa.
Kung iisipin mo may punto rin naman ang hinayukap na si Annie eh. May mga kapatid akong babae, witness ako sa pinagdadaanan nila every full moon. Ang ikinaiinis ko lang minsan ay kung bakit sa bilyong bilyong babae nabubuhay sa mundong ibabaw siya lang yata ang hindi kuntento sa pagiging babae. Kung tutuuisin, hindi naisip nitong si annie na maging ang kalalakihan din ay sala sa init, sala sa lamig. Katulad na lamang nung isang araw habang nakasakay ako sa mrt, may pumasok na babae. Syempre naman tumayo ako sabay offer ng upuan. Sumulyap lang sa akin yung babae sabay biglang tingin sa labas ng bintana ng tren. Kinawayan siya nung lalaking nakaupo sa tabi ko sabay sabing “miss upuan daw o.” Biglang siyang tumingin sa lalake at sinabing “Do you really think I need that seat? do you think we are the weaker sex?” dirediretsong banat niya sa ingles. Nabigla ako. yung lalakeng katabi ko parang nakuryeteng dalag. Biglang natameme. Kahapon habang asa bus ako pauwi may sumakay na babae sabay tayo sa tabi ng upaan ko. Fresh na fresh pa yung pagkakapahiya ko sa MRT kaya hindi ko na inioffer ang upuan ko. Sukat ba namang paringgan ako ng “Wala na talagang gentleman sa panahong ito.” Packsheet talaga. Kung hindi ka titirahin sa gender equality, pipilayin ka sa pagiging ungentleman.
Mabuti na lang na nung nakausap ko si Annie ng gabing yun medyo nakabugbog yata siya sa bf niya at himalang hindi naglilitanya. mabuti na lang kundi nabatukan ko ang hinayupak na yun.
Ang Hirap magbenta ng Radyo. lalo na kung yung radyong ibinebenta mo ay hindi mo man lang nasubukang patunugin and worse, ni hindi mo pa nakikita. Feeling mo para kang isdang pinakawalan sa dagat pero hindi ka marunong lumangoy.
Ganon kasi unang trabaho ko sa Call Center. Listener Care Representative for satellite Radio ang Job Description kaya tinangap ko akala ko magmomonitor lang ako ng mga tugtog sa radyo o di naman kaya ay maghahandle ng mga song request para sa mahigit 170 channels ng radio. Di ko naisip na pagbebentahin pala ako ng tinamaan ng lintik na radyo. Hindi lang yun tumatangap ka pa ng tawag mula sa kanong ayaw magbayad ng bill o di naman kaya’y tatawagan ka ng kanong magtatanong sa iyo kung paano ioperate yung radiong hawak niya samantalang sa litrato mo lang nakita yung radyong yun. Pag hindi mo natulungan bubulyawan ka ng todo.
Pero kahit sobrang hirap minsan ng trabaho, medyo nakakaraos din naman. Kailangan lang talagang marunong kang mambola para makabenta ka talaga. Positioning ang tawag dun. Yun bang tipong pupurihin mo lahat ng ginawa ng tumatawag sayo o di naman kaya ay maglulungkot-lungkutan ka pag may malungkot yung tumatawag. Tulad nung minsan sabi ng tumatawag “I just got divorced with my wife that is why I am cancelling this radio. I need to let go of some things” ako naman siyempre con todo kung magempathize. sabi ko naman “I’m so sorry to hear that, it must be hard to move on, considering the times you spent together listening to this radio.” Eh biglang nagalit ang tinamaan ng magaling. “I am happy with the divorce. The reason I am cancelling this radio is because this is hers. I don’t want to pay for the Sl*ts radio” pabulyaw niyang palik sa akin. Di agad ako nakasagot. Nasabi ko na lang “Good for you sir.”
Yung kabarubalang galing sa mga tumatawag okay lang naman sana kaso minsan ang nakakainis eh yung mga kamahan mong para may hawak na megaphone kung makipag-usap. Yun bang tuwing nagsasalita ay rinig hangang roof deck. Okay naman sana kung maayos ang pinagsasabi. eh yung kasama kong ipinaglihi sa load speaker panay ang mintis. Minsan habang nagbebenta siya ng radyo sabi niya sa tausap niya “Mem (ma’am), you could use this radio in any of the vehicles that you have. and the gud news is, we use to sell this radio for 39 beks (bucks dapat), but since the christmas is just around the corner fast approaching, we are now selling this radio for free!” Anak ng itlog na pula. May around the corner na nga, may karugtong pang fast approaching. Tapos yung isa naman may selling na nga may for free pang kasama.
ang buhay sa call center minsan nakakaburyong. Kung hindi ka pinapatay ng antok, ang utak mo naman napiprito sa puyat. kaya siguro ganon yung kasama ko.
The LOOK: Ang hirap talagang magtrabaho sa call center. Di importante kung Sekyu o agent o supervisor o trainor o presidente ka ng kumpanya. Paglabas mo sa umaga parang may salbabida sa palibot ng iyong mata sa laki ng eyebag mo. Parati kang mukhang guilty sa lahat ng bagay dahil di mo maiwasang matulala sa antok. Kagaya na lang nung isang araw, sumakay ako ng bus pauwi sa Fairview. Pagkaupo ko sa bus may maiit na batang napadpad sa malapit sa upuan ko. Ngumit ako dun sa bata sabas taas ko ng palad ko na aktong hihingi ng isang “gib mi payb”. laking gulat ko nung biglang kinaladkad ng nanay yung bata, sabay sabing “maghunosdili ka ngang bata ka, kung kani kaninong tao ka lumalapit di mo ba nakikita na mukhang adik yang”. sabay nguso sa akin. “..tingnan mo nga yang mata, mugtong mugto parang wala pang tulog, ganyan ang epekto ng shabu, hindi ka patutulugin!” Sus ginoo! Wala kang magawa kung di magkamot na lang ng ulo.
Dito sa trabahong ito ka din makakakita ng mga taong naka sunglasses sa hatinggabi. Ang usuall na paliwanag ng agent eh “Its so bright on the floor eh!” una kong narinig ang linyang ito nung nag-aaply pa lang ako. natanong ko tuloy sa sarili ko kung papano nila nilagay ang ilaw sa sahig. Yun pala, Floor ang tawag nila dun sa working area. Naisip ko tuloy dati na hindi ako magsusubayb sa trabahong ito. Di pa man din ako nagsisimula eh litong lito na ako. Kelan ko lang na realize na gumagamit yung iba ng sunglasses hindi dahil sa it’s so bright on the floor eh kung hindi dahil ang iba ay sumisimple ng tulog.
The WORK: Minsan tinatanong ako ng kapitbahay kung ano daw ba yang call center? paano ka daw ba kikita diyan? So kailangan mong i explain ang basic concept ng Outsourcing, ng BPO at kung ano ano pa. Pagkatapos mong magkabulol-bulol mag-explain, tatango-tango lang ang kausap mo tapos tatanungin ka ulit ng “e ano nga ba yang call center? paano ka ba kikita diyan?” Anak ng pota. Makakapatay ka talaga ng tao. Kaya nga minsan di ko na lang sinasagot ang mga tanong na ganito.
Narinig nyo na ba yung tinatawag nilang Toll-free number? Ito yung mga Telephone number na nagsisimula sa 1-800 o di naman kaya ay 1-866. Ganito ang konsepto nun; may amerikanong bumili ng spaceship tapos gusto niyang malaman kung papano bubuksan ang pinto, o kung gusto niya malaman kung pwede bang gumamit ng deisel sa makina o di naman kaya ay kung papano irecline ang upuan, instead na buklatin niya yung manual na ksama nung ipinadala yung spaceship, tatawagan ka niya para iexplain lahat lahat. At kung minamalas-malas ka pa, bibingo ka pang makakatanggap ng tawag sa kanong halos isubo ang receiver ng telepono sa galit. Bakit daw ganito daw ang ganito? bakit ganun daw ang ganun. Tinamaan ng lintik! Sa madaling sabi, Ikaw ay isang walking manual o di kaya ay walking calculator o tinatawagan ka lang para bulyawan ka dahil pinagalitan siya ng misis niya nung hindi niya mapaandar yung spaceship.
Ano ang gagawin mo pag bigla kang tumama ng milyones sa lotto? Kung ako ang tatanungin mo? honestly, hindi ko alam. Wala lang. Naisip ko lang tanungin kasi nung isang araw, nabasa ko sa internet na yung tumama ng $33 milyon sa lotto sa US of A e gustong gastusin yung pera niya sa pagpapatayo ng School of Witchcraft. Yun bang tipong real life Hogwartz. Tinamaan ng lintik! Sa dinami dami ng puwedeng paggagamitan ng pera, masyadong fixated ang taong ito na magdevelop ng maraming-maraming Harry Potter. Kung tutuusin wala naman sana akong pakiaalam kung saan niya gagastusin ang kaniyang pera, kasi ng pera naman niya yun. Di ko lang talaga maisip ang business side ng ganitong negosyo. Isipin mo ang breakdown ng miscellanious fee; P2000 for Magic Kawali, P1500 for Magic Wand (Made from balete wood and balahibo ng pugo) Class B wands are also available for P500 (made from puno ng alateris and pilikmata ng askal). Putang inang buhay to o. Di naman talaga kailangan ng eskwelahan para matutong mag madyik eh. Tingnan mo si pareng Erap. Nag-aral ba siya sa Hogwartz? hindi naman ah. Pero kita mo naman, ang galing sa madyikan. Sa isang Iglap yung Boracay mansion na dapat sanay kinumpiska na ng gubyerno, biglang naglaho. Pader lang ang natira. Idagdag mo pa yung bilyones na naglaho sa bangko. kitams! Kaya sa umpisa pa lang, dead investment na yang school of witchcraft na yan kung sa My Beloved Pilipins mo ipapatayo. Kasi marami sa ating mga pinoy ang likas nang madyikero.
Kung si Bosing Tigasin na kapatid ni General ang tatanungin mo about bisnes, may maganda siyang idea. Gusto niyang magpatayo ng Massage Parlor na may popping on the sides. Sa madiling salita, Prostitution Den. Bilib talaga ako sa utak ng taong ito. Madaling matuto. Dati kasi illegal logger itong si Bosing Tigasin. Isa siya sa dahilan kung bakit ang dating mabulbol na gubat ng Cagayan eh ngayo’y panot na. Paano ba naman kasi panay panay lang ang ginawang pagtumba sa mga puno na hindi man lang nagtatanim ng bago. Ang dating luntiang Paraiso ng Siera Madre ngayo’y naghihingalo na (pohtangina ang lalim dude!). Eh what do you expect, Subukan mo kayang manigarilyo na puro hithit lang at walang buga. Tingnan mo kung gano katagal bago ka mamatay sa cancer. Morale of the Story: Ang illegal logging bisnes ay kumikita lang habang may puno. Pag-ubos na ang mga puno, parang tinamaan na rin ng kanser ang bisnes mo. Ayon sa law of ekanamix. kung gusto mo ng continous flaw ng bisnes, dapat inexhaustible ang source (ewan ko lang kung totoo). Kaya ngayon itong si Bongards gustong pasukin ang prostitusyon. Ang puhunan? konting halaga para magpagawa ng mga cubicle, Mayor’s Permit para sa front na massage parlor, Babae (kahit di gaano kaganda basta sustentado ng mek-ap na sobra sobra). Tapos aasa ka sa inexhaustible na libog ng tao para tuloy-tuloy ang bisnes.







Mga Komento