You are currently browsing the category archive for the 'Just Ranting' category.
Kulang ako sa tulog palagi. sobrang daming ginagawa. walang time para mag wordpress kadalasan, wala ding sex (pohta…) ang tindi tuloy ng stress. Wala namang magawa kasi kailangang gawin ang kung anong responsibilidad na nakatoka sa’yo. Ang hinihingi ko lang sana ay konting konsiderasyon sa ilang mga bagay-bagay na nakakadagdag sa ikakasira ng araw mo. Hindi naman siguro masamang makiusap.
Ang Daming problema dito sa manila. Mga bagay na sana ay hindi na pinuproblema. Lumipat kami ng opis. Ganda ng building, hay tets ang pasilitis pero hindi ganoon kagaan ang trabaho at sobrang init paglabas ng building. Parang sinusunog ang bumbunan mo paglabas, mamamawis lahat pati jetlogs mo. paksyet. Pagdating sa kalsada ang hirap pumara ng sasakyan. Nasanay na kasi ang mga mamang drayber na paharurotin ang kanilang mga mean machine pagdating sa parteng yun ng commonwealth kasi dati rati ang mga pumapara lang sa mga sasakyan dun ay white lady. Kahit hindi ka relihiyoso ang mapapadasal ka na sana ay may safety conscious driver na alalay kung magpatakbo para makahinto pag pinara mo o di naman kaya ay may pupugak-pugak na sasakyan na tumirik bago makalagpas sayo.
Pagkasakay mo (after 10 years) medyo maganda ang biyahe sa upmisa. mula commonwealth hanggang makarating ka sa LTO opis okay ang biyahe. Pero pagpasok mo ng EDSA umpisa nanaman ang “Aba ginoong marya”. Patayan ang trafic, mabuburat ka talaga, pero ang masahol ay kung natraffic ka sa tabi ng poste ng MRT, Nakooowww!!! Pagkalaki laking tarpauline ng mukha ni pareng Bayani ang babati sayo. Kaayusan… Metro gwapito… etc. Ang kapal ng kumag. after nagdeclare na tatakbong presidente sa 2010 biglang nagsilabasan ang poster. Obvious na pamumulitika. Misan tuloy naiisip kong bumili ng kamatis bago ako pumasok para pag natraffic ako sa tabi ng poste ng MRT babatuhin ko ng kamatis yung poster pay at least may magawa akong productive. kaso lang mahal ang kamatis ngayon.
Pinipilit kong huwag matulog sa bus kasi hindi daw safe. sa dami ng pasaway sa mundo. kahit hindi safe, matutulog na lang ako.
Medyo maganda ang gising ko kanina. Bumangon ako mag-aalas singko na ng madaling araw. Himalang hindi ako inaantok. Nag-almusal, naligo, nagsepilyo, nagbihis at lumayas ng bahay na hindi nadidisgrasya. Ayos, so far so good.
Pagsakay ko sa bus, medyo nagsimulang umasim ang tono ng araw. Masuwerte lang at madali akong nakasampa. At least nakaupo pa ako. apat na tao na ang nakatayo sa isles ng bus. Panay pa ang sigaw ng kundoktor ng “Sakay lang! maluwag yan. araw araw ginagamit yan!” naknampucha. Maluwag nga, wala namang maupuan. at isa pa hindi ko naintindihan yung part na araw-araw ginagamit
ano kaya yun. (Bwahahahaha).
Pagdating sa cubao, nagkakaamuyan ng ng kilikili yung mga nakatayo sa isle ng bus. Siksikan, halo halo, mayroon nang tsumatsansing, mayroon ding natsatsansingan, at may may mga nagpapatsansing, Humm. sa dami ng tao hindi na maiwasang magkatulakan. along the way tatlong tao ang nabilang kong medyo minalas malas. Dito nagsimula yung trend ng bagsakan sa araw na ito.
-
Una, yung kunduktor ng bus, nalaglag sa pagkakakapit sa estribo nung umabante ang bus. (tatang tanga kasi eh)
-
pangalawa, Yung mamang nagtitinda ng sampaguita sa timog, bumagsak nang matisod sa sidewalk, yung paninda niyang sampaguita, nalaglag sa estero. (kawawa naman)
-
pangatlo. yung trafic enforcer ng MMDA, bumagsak sa motorsiklo nung nagmamadaling sumampa sa motor dahil gustong hulihin yung bus na dumaan sa crossing ilalim. 5:30 ng umaga, ang tawag sa huling ganoon ay hulidap. Kotong to the max. Gumewang yung motor, nalaglag yung mama. (Yehheeyy).
Pagdating to sa labas ng opisina, panay ang dasal kong huwag sanamng bumagsak yung elevator na sasakyan ko. sa 4oth floor ang training room namin, kung nagkataon na bumagsak yung elevator, hindi sapat yung taas na 4oth floor, Siguradong bago ko pa matapos yung dasal na our father ay paktay na ako. sa awa ng diyos nakarating naman ako sa training room ng maayos.
nagsimula ang qualifying exam ng alas nueve, natapos ng alas dose. Pagka announce ng scores, dalawa daw sa klase ang bagsak. Nak ng bibeng duling, Bagsak na naman. before lunch. dalawang kasama sa training ang nawalan ng trabaho.
Hindi ko lubos maisip kung paano sila bumagsak gayong ipinagmamalaki pa ng isa sa kanila na naperfect niya yung isang unit ng hindi nagrereview. Tinanong ko kung anong items ba yung naperfect niya. ang sagot niya “yung sexual harrassment section”. Paksyet. Sa damin ng pwedeng maperfect, yun pang freebie questions ang naperfect ng hinayupak.
May mga katanungan na hindi ko mahanapan ng sagot.
-
Hindi ko alam kung bakit kahit may nalalalag na sa bus, mayroon pa ring mga gagong nananatsing.
-
May qualifying exam, yung may kaugnayan pa sa sex ang hindi makalimutan.
-
Likas ba talagang malibog ang mga lalake at nauuna pa ang sex minsan kesa sa ano pa man?
Paulit ko man tanungin ang mga bagay na yan, hindi ko kayang tanggapin na ganun nga. hindi naman ganoon. nagresearch ako sa internet, naghanap ng kasagutan sa aking mga tanong. Kung paano gumagana ang utak ng lalake. Eto ang aking natuklasan.
Nagumpisa na ako sa bago kong work. Maganda naman ang mga benepisyo kaya kahit medyo malayo ang site ng unang linggo ng training hindi ako nagrereklamo. Ang hindi lang naging maganda ay ang simula ng aking linggo.
Lunes, pag gising ko sa umaga parang may nakabara sa aking sisinghutan. Hindi normal sa panahong mainit ang sipunin. Napilitan akong dumaan sa drugstore para bumili ng pagtunaw ng bara. Mahal na ngayon ang decongestant, naisip ko, bakit di na lang buhusan ang ilong ng liquid sosa? mas mura, at sa palagay ko ay mas epektib, kasi yung bara nga sa tubo kayang tunawin, yun pa kayang sipon. di ba? Pero dahil sa may duda pa din ako, kahit mahal ang gamot, sumige na lang ako.
Pagdating ng tanghali, nawala naman ang bara. at least umepekto yung gamot. so kahit papaano medyo umayos ang pakiramdam ko sa training. kinagabihan, pagsapit ng alas diyes, bigla nanaman bumara ang hinayupak na ilong. nagtake naman ako ng gamot. marahil may ibang dahilan. Marahil ay;
-
May iskedyul ang oras ng aking sipon
-
May appointment lang ang virus sa loob ng aking sisinghutan kaninang tanghali kaya hindi niya naasikasong barahan ang ilong ko.
-
Hindi pumasok ang karelyebo niya sa pwesto kaninang hapon
-
May lahing call center agent ang hayop na virus, graveyard shift ang pakingshet.
-
Hindi mo rin masisisi may additional percentage pag may kasamang night differential eh.
Sana lang ay matapos na ang cycle ng sipon na to. Hindi na nakakatuwa. Ayoko namang dumalaw sa doktor. May phobia yata ako sa amoy ng clinic. hindi ako makatagal sa loob. Bukas ay sabado, kukunin ko na lang sa pahinga.
Imagine getting jailed for blogging.
Fouad Ahmed al-Farhan is a blogger that is currently in jail in Saudi Arabia. His crime? he criticized religious extremism. Nice! Say something against this religious zealots and you loose your freedom. You get a jail time for disagreeing with the politics of the ruling party. Well, for a place like Saudi Arabia, this incident will not be the first time. people get jail time for a lesser reason than blogging about religious extremism and about people close to the saudi Royal family for supporting it. With that said. let me just say; Saudi Arabia is no different to other countries that tolerates religious extremism, they never left the dark ages when it comes to matters of governance. In these countries, human rights is screwed in all sides.
Sometimes I wonder; Is religion a breeding pool for hate? people kill people because of Religion. How many times have we heard the word Jihad or Holy War in our lifetime? Too many that I loose count. It makes me want to puke everytime I hear these words. Using the name of God for terror is a disgusting.
I am a catholic by virtue of my birth and baptism. I was made to believe that Jesus Christ is God before I heard the name of Allah. I was trained to go to church every sunday. I learned the 10 commandments in school way before I heard the name of Islam as religion. I was in the 5th grade when I learned about the prophet Muhammad in our social studies. But is it my fault that i was born in a catholic community? That i never heard other religion until I was old enough to understand? No. Never.
Right now, somewhere on the other side of the world. A child named Abdullah is learning the Pillars of Islam. He is listening to someone teaching him the words of the prophet Muhammad. He will listen with all his heart and mind. He never heard of Jesus or Christianity yet but it doesnt matter. It will not make him a lesser man. Its not his fault. We christians doesn’t have the right to criticize his religious upbringing. the same way that our Muslim brothers never had the right to criticize us with ours.
A lot of Muslims, like Fouad knew how to respect religion. They understand that bloods needs not to be spilled to show faith. They openly criticize religios zealots and those that supports it to show that they are willing to cleanse that smudge on their religion that these zealots have shamelessly distorted. I salute them.
Its time to stop this savagery. Religion should not be used to breed such hatred. Enough blood has been spilled because God was called by another name. Enough!
Free Fouad!
Hindi ko alam kung tama ang pananaw ko sa buhay o talagang ipinaglihi lang ako sa sama ng loob. Kasi ang dami ko daw napapansin na hindi na dapat pinapansin. Ang problema naman kasi. Parang Palaging kontra-pelo ang mga pinaggagawa ng mga taong dapat sana ay gumagawa ng paraan para gumanda ang mga lansangan dito sa Metro Manila.
Una sa listahan ko mga MMDA Street Urinals, Tama ang Ideya, mali ang application. Naranasan mo na bang dumaan sa tabi ng public urinal? kung hindi pa, subukan mo minsan, babaliktad ang sikmura mo sa panghi. naknamputsa naman kase, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos, daan -daang kalalakihan ang nagbubuhos ng sama ng loob sa urinal na yan pero once in a blue moon kung malinisan (kung nalilinisan pa). Kaya tuloy sa tuwing dumadaan ako tabi ng mga urinal, sinasabihan ko ang sarili ko ng paulit-ulit “Wag hihinga, mabaho ang kubeta, wag hihinga baka ka masuka!”
Isa pa, Nagiging paboritong tambayan ang Urinals na yan ng mga hinayupak na perverts. Ang aking peyborit bespren na si Annie nabiktima ng pervert sa urinals na yan. E paano ba naman, may sapat silang rason para ilabas sa kanilang mga pototoy sa kinalalagyan. (alangan naman umihi sila na hindi inilalabas yun) ang problem asa gitna ng mataong lugar ang urinal na yan at walang sarado ang pinto. Dumaan si Annie sa tapat ng pinto ng biglang may sumitsit sa kanya, paglingon niya “SURPRISE!”, tangena. Sabi ni Annie “It felt like I was devirginized all ober agen” Sagot ko naman “Away mo nun, You get deveriginized like once in every week?” Pero regardless sa feelings ni Annie. Maling mali talagang maglagay ng ganyang urinal sa mataong lugar.
Wala ring namang pinagkaiba, Ang tao kung talagang bastos, Iihi na lang sa pader yan kahit saan. Ang tao pag may breeding, Maghahanap yan ng palikuran para makaihi. Ang daming CR sa metro. Meron sa mga bus terminal, sa mga food chains, sa mga resto, sa mga malls. hindi naman bawal makiihi sa mga yan. Sa paglalagay ng urinals sa kalagitnaan ng pampublikong lugar ay masakit sa mata, bukod sa kulay pink ang hinayupak, para nageencourage pa ito ng masamang ugali sa pag-ihi kung saan saan.
Masarap kumain ng lunch pag kasama mo nga kaibigan mo. Kahapon nagtake-out kami ng lunch sa canteen ng building. Dahil nga mejo naghihingalo na ang wallet ko, bumili lang ako ng fried rice na may bacon bits. Bumalik kami sa taas para kumain sa pantry. Nasa kasarapan na ng kwentuhan nang biglang may humalong Baklang Baboy sa grupo. I have nothing against gay people, I have friends na bading na may modo. Itong bading na ito, balahura.
Kumuha Lang ako ng tubig sa dispenser, pagbalik ko, binuksan na ng hinayupak na bading na baboy ang styro ng pagkain ko sabay sabing “sinong kakain nito? Masyadong greasy!” Kung nakakapatay ang tingin, Tatlong beses na sanang patay ang peste. Pero dahil kakilala nga siya ng kasama ko, hindi ko na lang pinansin. Ang ingay mag kuwento ang hinayupak. Kung makahalakhak parang feeling mo asa pinto ka ng impyerno. Habang nagkukwento, ako naman hindi magkandaugaga sa pagiwas sa kinakain ko sa nagtatalsikang laway niya. Fried rice ang inorder ko, Hindi sinabawan.
Panay ang pasikat ng hinayupak na kesyo kumain daw sila sa TGIF kahapos, na sa shakeys naman daw ngayon. Lunch daw sa congo grill, Breakafst daw later sa Racks. Tangena sosyal sosyalan ang pohtek iskwater naman ang ugali. Proud pa syang magsabi na dumedekwat daw siya ng mga utensils sa mga resto, ang paborito daw niyang dekwatin yung mga malalaking baso sa Pizza Hut. Ang talsik ng laway niya medyo umaarangkada na rin. Di ko na nakayang tiisin. Ang laway at bad manners ay masamang paghaluin.
Tumingin ako sa kanya sabay sabing “Sosyal ka nga, klepto ka naman” natigilan ang baboy, nag kulay violet, tumayo at lumabas sa pinto. Siguro narinig pa niya ang dumadagundong na pahiyaw na tawa ng mga iniwan niya sa loob.
Last na message sa akin ni azeh ay - cge tulog na, wag ka sama sa coupdetat. hahaha!- Napataas ang kadalasang nakababang kilay ko. Wat? ‘di ko makuha ang joke. Naisip ko, siguro inaantok na talaga ako. Pumasok ako sa opisina ng maaga para makatulog. At least sa ofis may aircon at walang mga batang naglalaro sa labas.
Alas tres na ng hapon ng makarating ako. Parang bahagya lang sumara ang mata ko ng magising ako sa ingay. Parang may nagpaparty sa baba. Hinawi ko ang blinds ng sleeping quarter. Binulaga ako ng beer ni goliath. Paksyet, Party nga. Madilim na. Maraming tao sa baba. Sa tapat ng floor namin nakatutok ang spotlight. Sinilip ko ang orasan. alas otso na ng gabi.
Bumaba ako para kumain. Maraming tao sa labas. May higanteng beer na nakatayo sa gitna ng Ortigas Ave. Dinatnan kong nanonood sa labas ang mga officemates ko. Kasalukuyang tumutugtog ang Sugarfree. Yung nga security guards na ginawang props, nakatayo sa likod ng barikadang asa tapat ng stage, inuulan. Ang nakakatawa, walang tao sa kabila ng barikada, asa silong lahat ang mga tao. Lumapit ako sa mga sabay tanong ng “anong balita?” sumagot si Vhong, “Hinuli na si Trillanes” Napakamot ako ng ulo. Pag medyo hindi maganda ang gising ko, madali akong maburat. Hindi ako napapangiti sa korning joke. Biglang may mga pulis na nagdatingan, tapos balitang matatapos agad ang party dahil sa curfew. Curfew?!?
Tangena martial law na ba? Ilang oras lang ang tulog ko, nagbago na ang ikot ng mundo. Di ako makapaniwala. Tinanong ko ulit, bakit ang daming pulis. Tinanong ako “sang lupalop ng mundo ka ba galing?” sinagot ko siya ng, “Sa sleeping quarters”. Si Trillianes daw, kasama si general Lim nag walk out sa hearing, hinuli sa Manil Pen. Ang hirap dito kay Trillianes masyadong matigas ang ulo, eh kung hindi sana nagbida bidahan ang tukmol na ito e di hindi sana nagkagulo-gulo. Ito namang military ang lupet ng exageration sa buhay. Kudeta daw. Pohtek. Yun lang kudeta na? Nag CR lang sa Trillianes sa Manila Pen nagpadala na sila ng tangke. Ang OA ng dating. Naalala ko yung joke ni azeh. yun pala yun.
Ang Hirap sa pinas, yung mga maliliit na bagay pinapalaki. Eh sa dami ba naman ng mga sundalong gustong maging action star, siguradong mas lalala ang problema. Ang pulitika talaga dito sa pinas nakakakunsumi
Enjoy na enyoy ako sa pagtulog sa bus pauwi nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahil nga sa ilang beses na din akong nadukutan sa bus bigla kong ipinasok ang kamay sa bulsa sabay hanap sa cellphone. Nasa bulsa ko ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tapik. May isang aleng nakatayo sa may isle ng bus. May iniaabot na kapirasong papel. Nakalagay sa papel- Please help me yada yada yada. I’m a widow with four kids yada yada, buy dried mangoes yada yada. “Widow ka diyan” bulong ko sa sarili. Bigla ko tuloy naisip na mahirap na talaga ang buhay ngayon.
kagabi habang papasok ako sa trabaho may sumampang mama sa bus sabay hugot sa bibliya at biglang nagbasa ng “Word of God” Panay ang bulyaw ng “Amen!” pero walang nakikinig. Hinugot ko ang Mp3 player sa bulsa ng bag, sinalaksak ang earbuds sa tenga sabay todo ng volume. Bahala na si batman! Hindi sa ayaw kong makinig, ang ayaw ko lang ay yung recycled na envelop na inaabot sayo pagkatapos ng basa. Gusto kong magtanong ng “magkano ang kailangan kong ibigay para assured na ng pagpasok ko sa langit?”
Noong isang araw naman may mamang naglilitanya sa kawalan ng hustisya. Dati daw silang nagtatrabaho sa isang Bus Company, pero nagwelga sila kahil sa hindi makatao ang pamamalakad ng kumpanya. Magtatatlong taon na daw nakabinbin ang kaso nila sa Department of Labor. Hanggang ngayon ay hindi pa raw naaaksyonan ang kanilang hinaing. Humihingi lang daw sila ng konting tulong para may pambili ng pagkain sa piket line. Paksyet!!! Parang gustong sumigaw ng “Tatlong taon na kayo sa piket line??!! bakit hindi pa kayo humanap ng ibang trabaho? tangena!” Ibig sabihin nun tatlong taon na ding umaasa ang mga hinayupak sa limos. Tinitiis magutom ang pamilya dahil sa prinsipyo kuno. A lousy excuse for indolence.
Kinapa ko ang bulsa ko kung may pera pa ako. Di naman siguro masamang bumili ng dried mangoes. Umupo yun ale sa tabi ko habang inaayos ang paninda. bigla ko siyang tinanong “Saan ho nagtatrabaho ang asawa niyo?” sumagot siya ng “Walang trabaho eh!” Inabot ko sa kanya ang bayad ng dried mangoes sabay bulong sa kanya ng “Oo nga. Widow ka nga!”
Sobrang tipid ko ngayon. Bihira na akong kumain sa fastfood chain na may pangalan. Kanina, niyayaya akong maglunch sa mcdo. dahil nagkahiyaan na, sumama na din ako. habang nagkakasarapan ng kwentuhan, kung saan saan na napunta ang usapan.
Nagsimula ang usapan sa trabaho, tapos napunta sa sahod, tapos dumiretso sa usapang aso. Dahil nga interesado din ako sa hayop, natanong ko kung magkano ba ang isang shitzhu. Ang sagot sa akin ni Eric, “Depende, minsan it ranges from 8 thou to 21 thou”. Mas mahal daw kasi pag may papel ang aso at kumpleto na ang vaccination. halos mabilaukan ako sa presyo. Naknangtinapa. Yung kapitbahay ko sa probinsya na nasagasaan ng bus, P14,000 lang ang binigay ng bus company sa asawa niya. E siguro naman kumpleto ang bakuna nung minalas kong kapitbahay nung pagkabata niya at siguradong authentic ang birth certificate nun. Ibig sabihin pala nun, mas mahal pa ang buhay ng aso kesa sa tao.
Eto pa ang mas matindi. Pwede palang ipangalan sayo ang isang star, as in butuin sa langit, sa tamang halaga. ‘di ko alam kung totoo o pinapaikot lang ako ng Cha nung sinabi niya yun. Ang sabi daw ng proffessor niya, may kumpanya daw na nagbibigay ng ganoong services. Kasi daw yung girlfriend ng prof niya e ganoon daw ang gustong regalo, ang ipangalan ang isunod sa pangalan niya ang isang star. paksyet. Kung ako ang may girlfriend na ganun, isusunod ko ang pangalan niya sa dulo ng listahan ng ex-girlfriends ko. Sa dami ng pwedeng pagkagastusan sa mundo, star pa ang napiling pagtripan ng hinayupak. At saka isipin mo. Pag may school reunion kayo, tapos nagpapayabangan ng properties, anong sasabihin mo? Ituturo mo yung star sabay sabihin na “Akin yang star na yan o, nakapangalan yan sa akin!” tingnan ko lang kung hindi ka pagkakamalang durugista.
Tanghaling tapat, panay ang barurot ni Andong sa kanyang kalawanging jeepney. Kung ikaw ang nagtrabaho ng buong magdamag tapos sa kalagitnaan ng iyong “sacred sleep” ay bubulabugin ka ng ingay ng jeep na may TB ang makina, siguradong mabuburat ka talaga. Pinipilit kong bumalik sa panaginip ko kaso di na ako makatulog. Paksyet talaga. Lumabas ako sa Bahay na may inis pa din sa mukha. Nabungaran ko si Andong na nakasubsob ang mukha sa makinang pupugak-pugak. Hindi lang bad hilingin kay Lord na pabagsak sumara yung hood ng jeep habang nakasubsob si Andong sa makina ay ginawa ko na. Kung may lakas lang ako ng loob katulad ni Rexx, babatuhin ko talaga ng molotov cocktail ang madapakingsyet na jeep.
Nag-angat ng mukha si Andong nang marinig niyang binuksan ko yung pinto. Ngumiti ito ng pang close-up smile nang makita akong lumabas. Lumapit ako kay Andong sabay tanong kung anong sira ng jeep niya. Sabi niya kinukundisyon lang daw niya baka daw kasi medyo mabakante pag natuloy ang binabalak nilang malawakang tigil pasada. Paksyet… Tigil pasada nnnaaannnaaammaaannnn??? Para tuloy gusto kong bigwasan ang hinayupak. Nodoble tuloy ang inis ko.
Biglang lumabas ang asawa niya sabay sabing “hoy dimonyo ka, anong tigil pasada nanaman ang nadinig ko?’ Tinawag niyang Dimonyo si Andong. Parang naeengganyo akong sumigaw ng “I second the motion!” rumaratrat na ang bibig ng misis niya. Kahit nagsasalita parang hindi sumasara ang bibig. Pang- Guiness book of world records, Hanep!
“Nung minsan na di ka pumasada dahil sa rally na yang hindi tayo kumain buong araw, hindi nagbaon ang ang anak mo…blah..blah..blah…” sunod-sunod na bitaw ni misis, Parang armalite na maka automatic, dirediretso ang buga. Itong si Andong ayaw patalo. Prinsipyo daw ang tawag dun. Biglang tumalikod ang misis sa inis sabay sigaw ng “Tamad!”. Nagulat ako. “Mas Tamad ka!” balik ni Andong. “Walanghiya!” sigaw ni misis sabay bato sa hawak na tabo. Iwas si Andong sabay balik ng “Walanghiya ka din” Paksyet, Para akong nanonood ng pirated na The Matrix. Buga, Balik, Bato, Iwas. in slow-motion. Tapos biglang tumira ng secret weapon si misis. todo ang sigaw “SUUUPPPPOOOOOTT!” nadinig yata ng buong subdivision ang bulyaw. Biglang natigilan si Andong, Tumingin sa akin sabay sabing “Gusto mo ng kape?”
Gusto kong magising pero ayoko ng kape. Nakampotcha, Barya barya na nga lang ang sinasahod ko, magdamag pa akong gising. Tapos magtitigil pasada pa para mabawasan pa lalo ang take home pay ko. Di sila papasada para walang masakyan ang pasahero. pag walang sasakyan, Ang daming aabsent at malelate. Magsusuffer ang Economy. Paksyet, Gusto kong sumigaw ng “Blackmail!” pero baka sumigaw din sa Andong pabalik ng “Blackmail ka din!” pota, di bale na. Sasali na lang ako sa welga kontra sa welga pag nagkataon
Pababa ako ng hagdan ng Ortigas MRT nang biglang may nagsigawan tapos parang may malaking bagay na bumagsak tapos biglang may nagtatakbuhan nang mga tao sa paligid. Ako naman parang hinintuan ng music habang nag i-statue dance. Bigla akong napahinto sa paglalakad. Yung lolang sinusundan ko napahinto rin sabay hawak sa dibdib, bakas sa mukha ang tanong na “anong national emergency ang nangyayari?” Di ko din alam ang sagot. Ang alam ko nagtatakbuhan ang mga tao, pag di ako bumaba, mag-aala humpty-dumpty ako pag biglang nagkatulakan. Napatanong ako kung katapusan ko na. Napadasal ako bigla…pakshet… wag muna Lord.
Pagkarating ko sa baba, nakita ko, mga kaminero lang pala ng MMDA. Pilit nilang hinuhuli yung nagtitinda ng kendi sa baba. Naknampota. Halos atakehin sa puso yung Lola sa hagdan dahil napagtripan ng mga hinayupak na taga MMDA makipaglaro ng tag sa naglalako ng kendi.
Yung lalakeng ala Robin Padilla ang arrive (nakajacket ng leather sa tanghaling tapat at nuknukan ng init, naka-shades) na biglang nagtutulak nung magkasigawan eh tumakbong dirediretso dun sa concrete barricade ng MMDA na nakahilera dun sa driveway palabas ng Megamall. Siyempre komo action star nga ang dating hindi na sinunod ang tamang daan. pilit niyang tinalon yung barikada, Sumabit ang paa niya sa bakod. yung talon biglang naging dive. Nagkasigawan ulit mga tao dahil sa kanya.
Lumapit ako at tumingin sa likod ng barikada, yung lalake, nakaluhod na sa semento, pilit inaangat yung sementadong takip nang drainage system. Pagka-angat niya sa mukha niya, nakitang kong ang daming galos sa mukha niya, ang ilong niya namumula, putok ang nguso, yung shades basag pero nakasabit pa rin sa tenga. Tumingin siya sa akin sabay sabing “Sumabit, tambling..hehehe” Ako naman halos gusto kong humagalpak sa tawa… Nauutot nga ako sa kapipigil. Tinanong niya ako kung pwede ko daw bang tawaging ko yung sekyu. Di ako sumagot. tapos tinuro niya yung nga butas ng drainage system at sinabing, “yung cellphone ko, laglag” pumutok na ang tawa ko di ko na napigil. kumaripas ako ng takbo para tawagin yung guwardiya at para maitago ko ang tawa ko. Alam kong bad manners na pagtawanan ang kapwa mo pero…sori di ko talaga napigilan eh.
Kasalanan lahat to ng mga Kaminero ng MMDA. Naknampota, kung hindi dahil sa mga hinayupak na yun hindi sana nagkagulogulo. Hindi sana tumambling si Robin, hindi rin nalaglag ang cellphone niya sa drainage. Hindi rin sana ako nagkasala sa pagtawa ng malakas. Bad manners.



Mga Komento