I resigned from may last Job. Wahoooo!!!! I will start working with a new company next monday. Wahooo ulet. Ang sarap magbakasyon, kaso lang napabayaan ko ang mahal kong blog ng ilang dekada. Kaya after the longgggggg hibernation. start na ulet.
Hindi ko lam kung paano magsimula. nakalimutan ko na yata magsulat. Ito ang masamang dulot ng bakasyon, inaagiw lahat pati utak. naalala ko tuloy yung kwento ng pinsan ko dati. kasi daw nakalimutan nung BF ng bestfriend niya yung bestfriend (yung gf ng bf..Malabo ba? yaan mo na.) niya after ng mahabang bakasyon. Nak ng bibeng duling, hindi yun dahil sa bakasyon. malamang dahil yun sa monay na iba ang timpla. pag nakalimutan ka ng BF mo, ibig sabihin nun malapit na matapos ang show. Okay?!!! Kasi kung iisipin mo ng mabuti, Para mo na ring sinabing tinanggihan ng askal yung hopyang tinapon mo sa kanya, di ba? unless nakatikim ang hinayupak na askal ng Alpo.
Ang hirap mag-isip pag ganito. parang kang lasing na hindi mo maintindihan. Alam mo ang ginagawa mo pero di ka makapag-isip ng matino. Ilang oras kang nakatitig sa monitor pero. Ang mga kasambahay mo nakatingin na sayo, nagaalala na. Siguro naiisip nila nasisiraan ka na ng bait, nakatitig sa blankong screen na parang nagbabasa pero walang nakasulat. Mapagbibintangan ka pang sira-ulo ng di oras. Parang yung lalakeng may problema sa pag-iisip sa probinsya dati. Walang direksyon ang lakad, walang tino and ginagawa. Minsan nabuhusan yun ng beer dahil bumangga sa mesa ng Ihaw-ihaw, basang basa ang pobre. Sa kamalas malasan hinuli siya nung baguhang pulis sa pag-aakalang lasing lang hinayupak dahil hindi deretso ang lakad at sa pagaakalang nagwala ito sa ihaw ihaw at amoy alak. Kinulong hanggang mawala daw ang kalasingan. dalawang araw ang pobre sa kulungan, tinatanong na nung pulis kung ano ang ininom niya kasi dalawang araw na hindi pa rin sober ang hinayupak. Saka lang siya pinalabas nung nalaman niyang baliw yung ikinulong. Bobo.
Tangena, wala talaga akong maiisip isulat. Kailangan yata ng utak ko ang isang matinding overhaul. Maraming Ideya ang naglalaro sa utak pero walang lumalabas. Parang yung gulong ng tricycle ni Maryong Pururut na kapitbahay namin nung maliit pa ako. Tatlong gabi ko din pinagtangkaang pasingawin ang hangin sa pito ng hinayupak na tricycle. Ang Dahilan? Dahil sa pagpapahabol niya sa amin sa aso niyang galing sa impyerno pa ang breed kasi nalaman niyang kami pala ang umuubos sa bunga ng tanim niyang makopa. Muntik makagat si Kokoy. Tatlong gabi ko pinagpuyatan ang maghintay na makatulog sila para matanggalan ko ng hangin ang gulong ng demonyong tricycle. Pero tatlong gabi ko nang pinag-aaralan ayaw talagang sumingaw. frustrated talaga ako. Puno ng hangin pero ayaw sumingaw. Sa ikaapat na gabi, di ko na pinagaksayahang paglaruan pa ang pito ng gulong. Tinusok ko na ng kutsilyo. Mas madali.
Ang ganda ng komparison pero ayaw kong gawin yun sa utak ko, hayaan ko na lang ang ideya sa loob lalabas din yan sa tamang panahon. Ayokong madaliin.
Wala talaga akong maiisip isulat. Di bale, bukas susubukan ko ulit.




Mga Komento