Wag Kang Baboy!

Masarap kumain ng lunch pag kasama mo nga kaibigan mo. Kahapon nagtake-out kami ng lunch sa canteen ng building. Dahil nga mejo naghihingalo na ang wallet ko, bumili lang ako ng fried rice na may bacon bits. Bumalik kami sa taas para kumain sa pantry. Nasa kasarapan na ng kwentuhan nang biglang may humalong Baklang Baboy sa grupo. I have nothing against gay people, I have friends na bading na may modo. Itong bading na ito, balahura.

Kumuha Lang ako ng tubig sa dispenser, pagbalik ko, binuksan na ng hinayupak na bading na baboy ang styro ng pagkain ko sabay sabing “sinong kakain nito? Masyadong greasy!” Kung nakakapatay ang tingin, Tatlong beses na sanang patay ang peste. Pero dahil kakilala nga siya ng kasama ko, hindi ko na lang pinansin. Ang ingay mag kuwento ang hinayupak. Kung makahalakhak parang feeling mo asa pinto ka ng impyerno. Habang nagkukwento, ako naman hindi magkandaugaga sa pagiwas sa kinakain ko sa nagtatalsikang laway niya. Fried rice ang inorder ko, Hindi sinabawan.

Panay ang pasikat ng hinayupak na kesyo kumain daw sila sa TGIF kahapos, na sa shakeys naman daw ngayon. Lunch daw sa congo grill, Breakafst daw later sa Racks. Tangena sosyal sosyalan ang pohtek iskwater naman ang ugali. Proud pa syang magsabi na dumedekwat daw siya ng mga utensils sa mga resto, ang paborito daw niyang dekwatin yung mga malalaking baso sa Pizza Hut. Ang talsik ng laway niya medyo umaarangkada na rin. Di ko na nakayang tiisin. Ang laway at bad manners ay masamang paghaluin.

Tumingin ako sa kanya sabay sabing “Sosyal ka nga, klepto ka naman” natigilan ang baboy, nag kulay violet, tumayo at lumabas sa pinto. Siguro narinig pa niya ang dumadagundong na pahiyaw na tawa ng mga iniwan niya sa loob.

Kunsumisyon!

Last na message sa akin ni azeh ay – cge tulog na, wag ka sama sa coupdetat. hahaha!- Napataas ang kadalasang nakababang kilay ko. Wat? ‘di ko makuha ang joke. Naisip ko, siguro inaantok na talaga ako. Pumasok ako sa opisina ng maaga para makatulog. At least sa ofis may aircon at walang mga batang naglalaro sa labas.

Alas tres na ng hapon ng makarating ako. Parang bahagya lang sumara ang mata ko ng magising ako sa ingay. Parang may nagpaparty sa baba. Hinawi ko ang blinds ng sleeping quarter. Binulaga ako ng beer ni goliath. Paksyet, Party nga. Madilim na. Maraming tao sa baba. Sa tapat ng floor namin nakatutok ang spotlight. Sinilip ko ang orasan. alas otso na ng gabi.

Bumaba ako para kumain. Maraming tao sa labas. May higanteng beer na nakatayo sa gitna ng Ortigas Ave. Dinatnan kong nanonood sa labas ang mga officemates ko. Kasalukuyang tumutugtog ang Sugarfree. Yung nga security guards na ginawang props, nakatayo sa likod ng barikadang asa tapat ng stage, inuulan. Ang nakakatawa, walang tao sa kabila ng barikada, asa silong lahat ang mga tao. Lumapit ako sa mga sabay tanong ng “anong balita?” sumagot si Vhong, “Hinuli na si Trillanes” Napakamot ako ng ulo. Pag medyo hindi maganda ang gising ko, madali akong maburat. Hindi ako napapangiti sa korning joke. Biglang may mga pulis na nagdatingan, tapos balitang matatapos agad ang party dahil sa curfew. Curfew?!?

Tangena martial law na ba? Ilang oras lang ang tulog ko, nagbago na ang ikot ng mundo. Di ako makapaniwala. Tinanong ko ulit, bakit ang daming pulis. Tinanong ako “sang lupalop ng mundo ka ba galing?” sinagot ko siya ng, “Sa sleeping quarters”. Si Trillianes daw, kasama si general Lim nag walk out sa hearing, hinuli sa Manil Pen. Ang hirap dito kay Trillianes masyadong matigas ang ulo, eh kung hindi sana nagbida bidahan ang tukmol na ito e di hindi sana nagkagulo-gulo. Ito namang military ang lupet ng exageration sa buhay. Kudeta daw. Pohtek. Yun lang kudeta na? Nag CR lang sa Trillianes sa Manila Pen nagpadala na sila ng tangke. Ang OA ng dating. Naalala ko yung joke ni azeh. yun pala yun.

Ang Hirap sa pinas, yung mga maliliit na bagay pinapalaki. Eh sa dami ba naman ng mga sundalong gustong maging action star, siguradong mas lalala ang problema. Ang pulitika talaga dito sa pinas nakakakunsumi

Tripol Trit

Image

Natripol trit si kengkay kaya trinipol trit din ako wahahaha…Pohtek, parang ang pangit pakinggan. Anyway. Tatlong bagay kung saan ako bangag lagi. Pagkatapos ng aking meditation at seryosohang pagninilay-nilay. Eto na ang resulta…Hand written.

1) Libro- Amoy libro ang kwarto ko. Siguro ganoon ang amoy ng warehouse ng Powerbooks. Pinaghalong amoy ng tinta at newsprint o di naman kaya pag medyo class ang libro bookpaper. Ang maganda sa libro. Always reliable. Unlike Internet, walang down system ang libro at wala ring brown out. Ang history ko sa libro ay nagsimula nung Hay skul (Check Bookolsiklo for more info). So far maayos naman ang tripings ng durugista.

2) Internet- Nakakaadik. Ang Maganda sa internet, may search engine. Pwedeng iwasan ang manual browsing. May friendster. May Email, May Jokes, May Porn (Pohtek, sumbong sa nanay, bad yan!). May Libreng Mp3 files, Movie downloads, Lahat ng klase ng kabarubalan. Higit sa lahat, May blog.

3) Ipis Hunting- Galit ako sa ipis. Ginagawang boarding house ng mga hinayupak yung mga libro ko. Board and lodging pa. paksyet talaga. Di ko maiwasang mapamura. Ang sasarap tirisin. Speaking of Ipis, Naalala ko tuloy yung dating officemate mo. Ang laki ng katawan pero pag nadapuan ng ipis, tumitili ang pohtek, Hysterical ang iyak, may kasama pang panginginig. Anyway. Magkre-cremate ako ng ipis sa makalawa, sinong gustong mag attend?

‘Yan! Natapos din ang tag. Time for tagging someone. I’m Tagging Azeh, (Chance mo na para simulan ang turtlebites mo hehehe. Buena manong malutong na tag!)

Streets of Manila Chronicles: Bus Hikers

Enjoy na enyoy ako sa pagtulog sa bus pauwi nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahil nga sa ilang beses na din akong nadukutan sa bus bigla kong ipinasok ang kamay sa bulsa sabay hanap sa cellphone. Nasa bulsa ko ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tapik. May isang aleng nakatayo sa may isle ng bus. May iniaabot na kapirasong papel. Nakalagay sa papel- Please help me yada yada yada. I’m a widow with four kids yada yada, buy dried mangoes yada yada. “Widow ka diyan” bulong ko sa sarili. Bigla ko tuloy naisip na mahirap na talaga ang buhay ngayon. 

kagabi habang papasok ako sa trabaho may sumampang mama sa bus sabay hugot sa bibliya at biglang nagbasa ng “Word of God” Panay ang bulyaw ng “Amen!” pero walang nakikinig. Hinugot ko ang Mp3 player sa bulsa ng bag, sinalaksak ang earbuds sa tenga sabay todo ng volume. Bahala na si batman! Hindi sa ayaw kong makinig, ang ayaw ko lang ay yung recycled na envelop na inaabot sayo pagkatapos ng basa. Gusto kong magtanong ng “magkano ang kailangan kong ibigay para assured na ng pagpasok ko sa langit?”

Noong isang araw naman may mamang naglilitanya sa kawalan ng hustisya. Dati daw silang nagtatrabaho sa isang Bus Company, pero nagwelga sila kahil sa hindi makatao ang pamamalakad ng kumpanya. Magtatatlong taon na daw nakabinbin ang kaso nila sa Department of Labor. Hanggang ngayon ay hindi pa raw naaaksyonan ang kanilang hinaing. Humihingi lang daw sila ng konting tulong para may pambili ng pagkain sa piket line. Paksyet!!! Parang gustong sumigaw ng “Tatlong taon na kayo sa piket line??!! bakit hindi pa kayo humanap ng ibang trabaho? tangena!” Ibig sabihin nun tatlong taon na ding umaasa ang mga hinayupak sa limos. Tinitiis magutom ang pamilya dahil sa prinsipyo kuno. A lousy excuse for indolence.

Kinapa ko ang bulsa ko kung may pera pa ako. Di naman siguro masamang bumili ng dried mangoes. Umupo yun ale sa tabi ko habang inaayos ang paninda. bigla ko siyang tinanong “Saan ho nagtatrabaho ang asawa niyo?” sumagot siya ng “Walang trabaho eh!” Inabot ko sa kanya ang bayad ng dried mangoes sabay bulong sa kanya ng “Oo nga. Widow ka nga!”

Huwag na lang!

Sobrang tipid ko ngayon. Bihira na akong kumain sa fastfood chain na may pangalan. Kanina, niyayaya akong maglunch sa mcdo. dahil nagkahiyaan na, sumama na din ako.  habang nagkakasarapan ng kwentuhan, kung saan saan na napunta ang usapan.

Nagsimula ang usapan sa trabaho, tapos napunta sa sahod, tapos dumiretso sa usapang aso.  Dahil nga interesado din ako sa hayop, natanong ko kung magkano ba ang isang shitzhu. Ang sagot sa akin ni Eric, “Depende, minsan it ranges from 8 thou to 21 thou”. Mas mahal daw  kasi pag may papel ang aso at kumpleto na ang vaccination.  halos mabilaukan ako sa presyo. Naknangtinapa. Yung kapitbahay ko sa probinsya na nasagasaan ng bus, P14,000 lang ang binigay ng bus company sa asawa niya. E siguro naman kumpleto ang bakuna nung minalas kong kapitbahay nung pagkabata niya at siguradong authentic ang birth certificate nun. Ibig sabihin pala nun, mas mahal pa ang buhay ng  aso kesa sa tao.

Eto pa ang mas matindi. Pwede palang ipangalan sayo ang isang star, as in butuin sa langit, sa tamang halaga. ‘di ko alam kung totoo o pinapaikot lang ako ng Cha nung sinabi niya yun. Ang sabi daw ng proffessor niya,  may kumpanya daw na nagbibigay ng ganoong services. Kasi daw yung girlfriend ng prof niya e ganoon daw ang gustong regalo, ang ipangalan ang isunod sa pangalan niya ang isang star. paksyet. Kung ako ang may girlfriend na ganun, isusunod ko ang pangalan niya sa dulo ng listahan ng ex-girlfriends ko. Sa dami ng pwedeng pagkagastusan sa mundo, star pa ang napiling pagtripan ng hinayupak. At saka isipin mo. Pag may school reunion kayo, tapos nagpapayabangan ng properties, anong sasabihin mo? Ituturo mo yung star sabay sabihin na “Akin yang star na yan o, nakapangalan yan sa akin!” tingnan ko lang kung hindi ka pagkakamalang durugista.