Ol Por Da Green Beks

rad

Ang Hirap magbenta ng Radyo. lalo na kung yung radyong ibinebenta mo ay hindi mo man lang nasubukang patunugin and worse, ni hindi mo pa nakikita. Feeling mo para kang isdang pinakawalan sa dagat pero hindi ka marunong lumangoy.

Ganon kasi unang trabaho ko sa Call Center. Listener Care Representative for satellite Radio ang Job Description kaya tinangap ko akala ko magmomonitor lang ako ng mga tugtog sa radyo o di naman kaya ay maghahandle ng mga song request para sa mahigit 170 channels ng radio. Di ko naisip na pagbebentahin pala ako ng tinamaan ng lintik na radyo. Hindi lang yun tumatangap ka pa ng tawag mula sa kanong ayaw magbayad ng bill o di naman kaya’y tatawagan ka ng kanong magtatanong sa iyo kung paano ioperate yung radiong hawak niya samantalang sa litrato mo lang nakita yung radyong yun. Pag hindi mo natulungan bubulyawan ka ng todo.

Pero kahit sobrang hirap minsan ng trabaho, medyo nakakaraos din naman. Kailangan lang talagang marunong kang mambola para makabenta ka talaga. Positioning ang tawag dun. Yun bang tipong pupurihin mo lahat ng ginawa ng tumatawag sayo o di naman kaya ay maglulungkot-lungkutan ka pag may malungkot yung tumatawag. Tulad nung minsan sabi ng tumatawag “I just got divorced with my wife that is why I am cancelling this radio. I need to let go of some things” ako naman siyempre con todo kung magempathize. sabi ko naman “I’m so sorry to hear that, it must be hard to move on, considering the times you spent together listening to this radio.” Eh biglang nagalit ang tinamaan ng magaling. “I am happy with the divorce. The reason I am cancelling this radio is because this is hers. I don’t want to pay for the Sl*ts radio” pabulyaw niyang palik sa akin. Di agad ako nakasagot. Nasabi ko na lang “Good for you sir.”

Yung kabarubalang galing sa mga tumatawag okay lang naman sana kaso minsan ang nakakainis eh yung mga kamahan mong para may hawak na megaphone kung makipag-usap. Yun bang tuwing nagsasalita ay rinig hangang roof deck.  Okay naman sana kung maayos ang pinagsasabi. eh yung kasama kong ipinaglihi sa load speaker panay ang mintis. Minsan habang nagbebenta siya ng radyo sabi niya sa tausap niya “Mem (ma’am), you could use this radio in any of the vehicles that you have. and the gud news is, we use to sell this radio for 39 beks (bucks dapat), but since the christmas is just around the corner fast approaching, we are now selling this radio for free!” Anak ng itlog na pula. May around the corner na nga, may karugtong pang fast approaching. Tapos yung isa naman may selling na nga may for free pang kasama.

ang buhay sa call center minsan nakakaburyong. Kung hindi ka pinapatay ng antok, ang utak mo naman napiprito sa puyat. kaya siguro ganon yung kasama ko.

4 thoughts on “Ol Por Da Green Beks

  1. wahahahah! i know this guy… uy namimiss ko na yan… i cannot forget.. STARBEKS!! starbuck ampoo!!!

    go team evolution!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s