Litanya Con Todo

drive

Ang sabi ni Annie ang hirap daw ng kalagayan ng babae. Minsan pag kausap ko tong hinayupak na to eh di ko alam kung nagpapaawa effect lang o talaga ngang kalunos-lunos ang kalagayan ng mga kababaihan natin dito sa mundo.

Panay-panay nga ang tanong niya kay Lord kung bakit daw ang daming kailangang tiisin ang mga babae. Bakit daw parang simula nung panahon ng Genesis eh tipong may discrimination na sa mga kalahi ni Eba. Kung may court of appeals lang ang langit malamang sandamakmak na apela na naifile nitong si Annie. Isipin mo kung gaanong kalaking abala nun kay Lord.  Isipin mo naman pagka deny ng isang apela, pihadong magfafile pa yun ng motion for reconsideration. 

Sa tuwing kausap ko si annie hindi niya maiwasang maglitanya tungkol sa menstruation, kesyo bakit daw babae e lang ang nagtitiis ng dysmenorea (di ko alam spelinging eh)  buwan buwan, kesyo bakit daw babae ang kailangang manganak. kesyo bakit daw ang lalake isang tiisan lang sa tule. parang isang isplat lang tapos tapos na. pwede pa daw iwasan ang tule kasi free will naman daw maging supot. Naknangtokwa.

Kung iisipin mo may punto rin naman ang hinayukap na si Annie eh.  May mga kapatid akong babae, witness ako sa pinagdadaanan  nila every full moon. Ang ikinaiinis ko lang minsan ay kung bakit sa bilyong bilyong babae nabubuhay sa mundong ibabaw siya lang yata ang hindi kuntento sa pagiging babae. Kung tutuuisin, hindi naisip nitong si annie na maging ang kalalakihan din ay sala sa init, sala sa lamig. Katulad na lamang nung isang araw habang nakasakay ako sa mrt, may pumasok na babae. Syempre naman tumayo ako sabay offer ng upuan. Sumulyap lang sa akin yung babae sabay biglang tingin sa labas ng bintana ng tren. Kinawayan siya nung lalaking nakaupo sa tabi ko sabay sabing “miss upuan daw o.” Biglang siyang tumingin sa lalake at sinabing “Do you really think I need that seat? do you think we are the weaker sex?” dirediretsong banat niya sa ingles. Nabigla ako. yung lalakeng katabi ko parang nakuryeteng dalag. Biglang natameme. Kahapon habang asa bus ako pauwi may sumakay na babae sabay tayo sa tabi ng upaan ko. Fresh na fresh pa yung pagkakapahiya ko sa MRT kaya hindi ko na inioffer ang upuan ko. Sukat ba namang paringgan ako ng “Wala na talagang gentleman sa panahong ito.” Packsheet talaga. Kung hindi ka titirahin sa gender equality, pipilayin ka sa pagiging ungentleman.

Mabuti na lang na nung nakausap ko si Annie ng gabing yun medyo nakabugbog yata siya sa bf niya at himalang hindi naglilitanya. mabuti na lang kundi nabatukan ko ang hinayupak na yun.

9 thoughts on “Litanya Con Todo

  1. Hello, Mr. Iceyelo. Nakakatuwa ang blog mo! At salamat sa pagdagdag mo ng blog ko sa blogroll mo. Bagay kaya ang blog ko sa blogroll mo? May pagkaseryoso ang akin eh, di kaya?

    Meron sa Powerbooks ng Tongues on Fire ni De Quiros. Parang P400 yata ang presyo (binili ko ang kopya ko sa launch nito, at may dedication pa! He he)

    Ang galing-galing ng blog mo!

    PS. Salamat sa pagbisita mo sa dulang ko.

  2. naaliw ako sa entry hahaha! panalo! bravo bravo!

    kamakailan lang, nakaramdam din ako ng pagkabwiset na halos kapareho nitong post mo. nakahanda na nga ang entry, kaso mo masyadong brutal at siguradong madami akong makakaaway na feminists.

    OT: wala na password yung mix for now. DL mo na.

    gandang araw!

  3. mga babae talaga… haha. ay teka, babae din pala ako🙂 aliw ang post. salamat sa pagdaan sa clarechronicles. tingin ko, malimit kong bibisitahin itong blog mo.

  4. mahirap talaga timplahin ang babae. ang oa naman ng girl na nagtaray sa yo sa mrt (este, sa katabi). pasalamat na nga sya may nago-offer di ba?
    i suffer from dysmenorrhea (<—- yan spelling, hehe). sobra. ang tawag ko nga sa menstruation ay SUMPA. mahirap i-explain ang feeling neto. basta hindi maganda. kaya patawarin nyo na kami mga girls sa PMS namin.

  5. @antuken, d-y-s-m-e-n-o-r-r-h-e-a, syet ang hirap spelingin hehehe. parang timpla ng babae. okay lang yun, na shoplak lang ako sa reaction niya. hahaha. anyway. salamat po sa pagdaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s