Tambling at Bad Manners

Pababa ako ng hagdan ng Ortigas MRT nang biglang may nagsigawan tapos parang may malaking bagay na bumagsak tapos biglang may nagtatakbuhan nang mga tao sa paligid. Ako naman parang hinintuan ng music habang nag i-statue dance. Bigla akong napahinto sa paglalakad. Yung lolang sinusundan ko napahinto rin sabay hawak sa dibdib, bakas sa mukha ang tanong na “anong national emergency ang nangyayari?” Di ko din alam ang sagot. Ang alam ko nagtatakbuhan ang mga tao, pag di ako bumaba, mag-aala humpty-dumpty ako pag biglang nagkatulakan. Napatanong ako kung katapusan ko na. Napadasal ako bigla…pakshet… wag muna Lord.

Pagkarating ko sa baba, nakita ko, mga kaminero lang pala ng MMDA. Pilit nilang hinuhuli yung nagtitinda ng kendi sa baba. Naknampota. Halos atakehin sa puso yung Lola sa hagdan dahil napagtripan ng mga hinayupak na taga MMDA makipaglaro ng tag sa naglalako ng kendi.

Yung lalakeng ala Robin Padilla ang arrive (nakajacket ng leather sa tanghaling tapat at nuknukan ng init, naka-shades) na biglang nagtutulak nung magkasigawan eh tumakbong dirediretso dun sa concrete barricade ng MMDA na nakahilera dun sa driveway palabas ng Megamall. Siyempre komo action star nga ang dating hindi na sinunod ang tamang daan. pilit niyang tinalon yung barikada, Sumabit ang paa niya sa bakod. yung talon biglang naging dive. Nagkasigawan ulit mga tao dahil sa kanya. 

Lumapit ako at tumingin sa likod ng barikada, yung lalake, nakaluhod na sa semento, pilit inaangat yung sementadong takip nang drainage system. Pagka-angat niya sa mukha niya, nakitang kong ang daming galos sa mukha niya, ang ilong niya namumula, putok ang nguso, yung shades basag pero nakasabit pa rin sa tenga. Tumingin siya sa akin sabay sabing “Sumabit, tambling..hehehe” Ako naman halos gusto kong humagalpak sa tawa… Nauutot nga ako sa kapipigil. Tinanong niya ako kung pwede ko daw bang tawaging ko yung sekyu. Di ako sumagot. tapos tinuro niya yung nga butas ng drainage system at sinabing, “yung cellphone ko, laglag” pumutok na ang tawa ko di ko na napigil. kumaripas ako ng takbo para tawagin yung guwardiya at para maitago ko ang tawa ko.  Alam kong bad manners na pagtawanan ang kapwa mo pero…sori di ko talaga napigilan eh.

Kasalanan lahat to ng mga Kaminero ng MMDA. Naknampota, kung hindi dahil sa mga hinayupak na yun hindi sana nagkagulogulo. Hindi sana tumambling si Robin, hindi rin nalaglag ang cellphone niya sa drainage. Hindi rin sana ako nagkasala sa pagtawa ng malakas. Bad manners.

7 thoughts on “Tambling at Bad Manners

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s