Streets of Manila Chronicles: Transport Strike

Tanghaling tapat, panay ang barurot ni Andong sa kanyang kalawanging jeepney. Kung ikaw ang nagtrabaho ng buong magdamag tapos sa kalagitnaan ng iyong “sacred sleep” ay bubulabugin ka ng ingay ng jeep na may TB ang makina, siguradong mabuburat ka talaga. Pinipilit kong bumalik sa panaginip ko kaso di na ako makatulog. Paksyet talaga. Lumabas ako sa Bahay na may inis pa din sa mukha. Nabungaran ko si Andong na nakasubsob ang mukha sa makinang pupugak-pugak. Hindi lang bad hilingin kay Lord na pabagsak sumara yung hood ng jeep habang nakasubsob si Andong sa makina ay ginawa ko na. Kung may lakas lang ako ng loob katulad ni Rexx, babatuhin ko talaga ng molotov cocktail ang madapakingsyet na jeep.

Nag-angat ng mukha si Andong nang marinig niyang binuksan ko yung pinto. Ngumiti ito ng pang close-up smile nang makita akong lumabas. Lumapit ako kay Andong sabay tanong kung anong sira ng jeep niya. Sabi niya kinukundisyon lang daw niya baka daw kasi medyo mabakante pag natuloy ang binabalak nilang malawakang tigil pasada. Paksyet… Tigil pasada nnnaaannnaaammaaannnn??? Para tuloy gusto kong bigwasan ang hinayupak. Nodoble tuloy ang inis ko.

Biglang lumabas ang asawa niya sabay sabing “hoy dimonyo ka, anong tigil pasada nanaman ang nadinig ko?’ Tinawag niyang Dimonyo si Andong. Parang naeengganyo akong sumigaw ng “I second the motion!” rumaratrat na ang bibig ng misis niya. Kahit nagsasalita parang hindi sumasara ang bibig. Pang- Guiness book of world records, Hanep!

“Nung minsan na di ka pumasada dahil sa rally na yang hindi tayo kumain buong araw, hindi nagbaon ang ang anak mo…blah..blah..blah…” sunod-sunod na bitaw ni misis, Parang armalite na maka automatic, dirediretso ang buga. Itong si Andong ayaw patalo. Prinsipyo daw ang tawag dun. Biglang tumalikod ang misis sa inis sabay sigaw ng “Tamad!”. Nagulat ako. “Mas Tamad ka!” balik ni Andong. “Walanghiya!” sigaw ni misis sabay bato sa hawak na tabo. Iwas si Andong sabay balik ng “Walanghiya ka din” Paksyet, Para akong nanonood ng pirated na The Matrix. Buga, Balik, Bato, Iwas. in slow-motion. Tapos biglang tumira ng secret weapon si misis. todo ang sigaw “SUUUPPPPOOOOOTT!” nadinig yata ng buong subdivision ang bulyaw. Biglang natigilan si Andong, Tumingin sa akin sabay sabing “Gusto mo ng kape?”

Gusto kong magising pero ayoko ng kape. Nakampotcha, Barya barya na nga lang ang sinasahod ko, magdamag pa akong gising. Tapos magtitigil pasada pa para mabawasan pa lalo ang take home pay ko. Di sila papasada para walang masakyan ang pasahero. pag walang sasakyan, Ang daming aabsent at malelate. Magsusuffer ang Economy. Paksyet, Gusto kong sumigaw ng “Blackmail!” pero baka sumigaw din sa Andong pabalik ng “Blackmail ka din!” pota, di bale na. Sasali na lang ako sa welga kontra sa welga pag nagkataon

6 thoughts on “Streets of Manila Chronicles: Transport Strike

  1. hahaha. natatawa naman ako dito. biglang natameme si andong. hahaha. gulat naman ako at kasama ako sa blogroll mo. thanks! will link you up also.🙂
    i’m a book lover also. will try to read your posts about books at a later time ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s