Thursday Sickness

Huwebes, Alas Otso ng umaga, Nararamdaman ko sa aking kaugat-ugatan na sinusumpong ako ng aking sakit. Nanunuot sa aking kalamnan patungo sa aking mga buto. Ang hirap tiisin, Di ko mapigil. Paksyet bakit kasi walang gamot sa katamaran.

Huwebes ng gabi ang unang araw ng aking trabaho. Simula ng alas nuebe ng gabi up to six ng umaga. napaka “unholy” ika nga ng mga nagmamarunong. Kailangan kong planuhin kung paano ako makakalusot sa trabaho.

9:00 AM- Pumasok sa banyo, naghubad ng damit (PG). tinesting ang tubig, malamig, tumayo, tinitigan ang balde, nagdadalawang isip, (after 10 years) kinuha ang tabo, sumalok, nag sign of the cross, buhos ng tubig sa ulo. sabay sigaw…Wwwwaaaaa… Pohtek… ang lamig.

9:30 AM – Balik sa kuwarto, Bihis, punta ng kusina, magtitimpla ng juice…naknang.., ubos na ang juice, almusal, isip… Isip… kung papaano matatakasan ang trabaho mamayang gabi.  tapos biglang …click… light bulb… alam ko na ang solusyon sa problema ng mundo. Magsasakit sakitan ako. Bwahahahaha.

10:30 AM- Check kung dala ang pitaka. check kung dala ang Medicard. Okay na. Palabas na ng bahay ng mapansin. OMFG!! ang lakas ng ulan. tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap-tap… tuloy tuloy na patak ng ulan sa bubong. Papano ako makakalabas nito?

11:15 AM- Parang di na talaga hihinto ang ulan. Baka bumaha nanaman sa labasan. Wala nanamang tricycle na makakadaan. pag minamal…teka nga… Pagnagbaha at di ako makalabas di ko kailangan magsakit sakitan. magtetext lang ako sa head namin nang “Ma’am hindi po ako makalabas, sobrang baha dito sa amin. wala nang nakakadaan. I hope you’re all well and safe. please pray for us here in our place” pohtek…pwede…

11:30 Bumalik ako sa kuwarto para nagbihis ulit ng pambahay. pagkabihis, balik sa higaan. How good it feels to have your back lying on a fluffy bed. Inaantok nanaman, talukap ng mata ay bumibigat… going…going… gone…zzzzzzzzzzzzzzz

2:30 PM- Naalimpungatan ako. Samting is rong. sobrang tahimik, wala akong ibang naririnig kundi yung tunog ng bentilador.  isip…isip… wat’s rong wit the piktyur?  biglang tayo sabay bukas ng bintana…ang ulan huminto. pag walang ulan, wala ring baha. pag walang baha, walang excuse. Paksyet! Code Red, back to plan A. takbo sa banyo, shower ulit ng madaliaan.

3:00 PM- Madalian bihis, takbo palabas ng bahay. wala nang suklay-suklay. Madilim pa din ang langit pero walang ulan. sakay ng tricycle papuntang highway.

3:30 PM- Abang ng Bus. Parang may tumama sa bumbunan ko. malamig…isa pa. biglang bumuhos nanaman ang ulan. Takbo sa ilalim ng overpass. Hingal kabayo.

3:45 PM- Nakakuha ng masasakyan.

4:00 PM- Asa bus pa

5:00 PM- Asa bus pa din. sobrang trafic, usad pagong ang mga sasakyan.

5:30 PM- Asa bus pa pero malapit na sa ortigas.

5:45 PM – Bumaba ako sa Ortigas MRT, Destination: De Los Santos Clinic sa Megamall. Siyang hinto naman ulit ng ulan. Great!

Habang naglalakad iniisip ko kung anong sakit ang sasabihin ko. Di pwedeng Tonsilitis nanaman. Hindi sumasakit ang lalamunan ko. Kahit sinong doktor na mahina ang mata pa ang susuri, walang maga sa lalamunan ko. Lagnat kaya? pero mas malamig pa ako kesa sa ice plant. hindi rin pwede.  Sakit ng ulo kaya? pagnakita ng nurse naman yung medical certificate ko at Head Ache lang nakalagay, bibigyan lang ako nun ng kapirasong ponstan tapos tatatakan na yung med cert ng “fit to work, rest for an hour then report back to work.: ayoko nga. Cancer kaya. exagerated masyado. Kailangan ko ng sakit na puwedeng I bed rest na hindi detectable. ano kaya? isip…isip… aha! Diarrhea…tama…Diarrhea nga.

6:05 PM- Pa-register sa nurse station, swipe ang card. walang babayaran, sagot lahat ng Medicard. Ayos. upo sa waiting section hintay ng doctor. 7:00 pa daw ang shift niya. Isip…lumabas, Ikot-ikot muna sa mall.

7:00 PM- Bumalik sa clinic, dumating na daw si doktora. Hintayin ko na lang daw tawagin ang pangalan ko.

8:00 PM- Pagkatapos ng pagkatagal tagal na paghihintay,tinawag din pangalan ko.  Pasok sa cubicle. Tinanong ng Duktor kung anong problema ko. sabi ko Diarrhea. Tinanong kung kelan nagsimula. Nagisip ako, sabi ko magdadalawang araw na, sabay konting arte na parang nanghihina. maling desisyon. Sabi ng doctor “Baka amoebiasis na yan” kailangan daw itest ang jebs ko. Fecalysis daw. Naletse na. Hingi daw ako ng test form sa secretary niya. Paglabas ko ng cubicle. dirediretso nako labas ng clinic. Di nako humingi ng Test Form.

8:30 PM- Lumabas ako ng Megamall. Nagvibrate ang CP ko. nagtext yung head namin “Just a heads up, Your shift will be 9:00 PM, C ya” may smiley pang kasama.

Walang excuse, pohtek.. malapit na ang 9:00 PM. Anong gagawin ko? Paksyet… Sige na. Pasok na lang ako.

5 thoughts on “Thursday Sickness

  1. Hello! Ginoogle pa kita para makarating dito, di mo kasi iniwan ang url mo. Hehe. Add din kita sa links ko. Tatlo? Ikaw, si badoodles sino pa? Tiga Isabela ako sa Tuguegarao lang ako nagaaral ngayon.

    Ayos, ganyang ganyan din ako pag nagiisip ng rason para maka-absent sa school.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s