Bookolsiklo

Adik ako sa libro. Hindi ako mabubuhay ng walang libro. Pero bago ako magpatuloy, nais kong ilagay sa tamang konteksto ang lahat. Hindi ako sumisinghot ng usok galing sa pinilas at sinunog na pahina ng libro. Hindi rin ako nanginginig pag lumipas ang isang araw na hindi ako nakahawak ng libro. Sa madaling sabi, Hindi ako nagdudurog. Bwahahahahahaha.

Mayroon akong anim na balikbayan box sa bahay na puno ng libro. minsan naisip ng nanay ko na ibenta yung libro o di naman kaya ay idonate sa charity dahil pinamamahayan daw ng ipis. nagulantang ako. hindi niya naisip yung hardwork ko na kulektahin ang mga librong yun. Mabuti na lang at nadaan sa paglilinis ng kuwarto ang lahat.

Nagsimula akong mangolekta ng libro first year high school. Masuwerte ang newbies sa novel reading na may Harry Potter sa kanilang formative years (hikbi!). Nung naguumpisa akong mahilig sa libro, Hardy Boys ang pinagtiyagaan kong basahin. Yung librong kulay blue ang cover na may dalawang teenager na iba-iba ang pagkakadrowing ng mukha sa bawat cover. May Lord of the Rings na nung panahong iyon, pero pohtek kung yun ang babasahin ko. Eh di dinugo naman ang ilong ko nun. Heavy reading ang LOR, not your normal fantasy novel. Kung beginner ka at LOR ang inaambisyon mo goodluck sa hemorrhage. Pero kung tutuusin mo, ‘di rin naman imposible.

Noong minsan na dumaan ako sa aking suking 2nd hand bookstore, nahanap ko yung matagal ko nang hinahanap hanap na libro. Bukod sa P120.00 lang ang presyo, maganda pa yung sales lady. Kaya okay lang kahit walang resibo at di na ipinlastik yung libro. Ang pangit lang sa 2nd hand book ay may nauna nang nagmay-ari sa libro (pohtek naman, kaya nga 2nd hand eh), Huwag kang magtaka kung may sulat na ang first page. Katulad na lang yung librong nabili ko. May date na 12/17/85, may dedication pa. sabi “Laura, This is one of the best, read on ang keep reading! love, jim” yan ang isa sa mga drama ng 2nd hand na libro. May history.

Last time na bumalik ako sa 2nd hand bookstore nakita ko yung book na “Memories of Ice” ang pamagat. Maganda yung cover ng libro. Mukhang tunay din yung mga reviews kaya medyo naengganyo akong bilhin. P140.00 ang presyo pero okay lang, mukhang sulit naman. bago pa yung libro, Parang hindi pa nabubuklat. Mahigit dalawang libong pages. Hanep! akala ko kakayanin ko. pohtek, nosebleed ang pakingsyet. Isipin mo naman ang mga pangalan ng Karakter: T’lam Imass, Ilamn Krull, It’bodlan, at kung ano ano pang hindi ko kayang basahin. Para akong nagta-toungue twister habang nagbabasa. Ito na siguro yung sinasabi ni Annie na parang chinuchurva. Hanggang ngayon di ko din naiintindihan yung chinuchurva pero ito na siguro ‘yon.

Di ko na natiis, Tinigilan ko basahin yung libro. Malapit na ang Birthday ni Tintoy, New Year’s wish niya last year na makahiligan din niya ang magbasa. naghahanap lang daw siya ng magandang book para simulan. Kumuha ako ng ballpen, nilagyan ko ng date at nagsulat ng “Tintoy, This is one of the best, read on ang keep reading! your friend, Yelo”. Cheap lang talaga akong kaibigan minsan.

16 thoughts on “Bookolsiklo

  1. ako na yata ang kontradiksiyon
    sa lahat ng lathalista na makikilala mo
    HINDI AKO MAHILIG MAGBASA NG LIBRO

    visual at tactile learner kasi ako
    minsan kapag natutulog ako
    inuunan ko yung libro
    baka sakaling gumana ang osmosis
    pero
    sangayon ako sa nanay mo
    na ipamigay na lang sa charity
    ang mga balikbayan box
    na may laman na libro
    wengk
    haha

    yung LOTR
    unang page pa lang
    binalik ko na sa may-ari

    humahanga ako sa mga booklovers
    humahanga ako sa iyo.🙂

  2. Wala akong hilig magbasa. Last sem ko lang napagisipang magbasabasa ng libro dahil sa matinding pagkabagot. Impak ay may post pa nga ako tungkol dito. Kaya hindi rin ako masyadong nagsusulat, nagugulat nga ako kung bakit may nagtitiyagang magbasa sa blog ko na walang disiplina at istilo ang pagkasulat. Malakas nga ang duda ko na binabasa lang ng pahapyaw yun ng iba saka magcocomment para lang magcomment din ako sa blog nila. Haha. Masuwerte ka at nakahiligan mo ang pagbabasa. Keep it up!

    Saan mo nga pala nakuha ang pagkahilig mo sa yelo? may kaibigan akong hayop kung lumantak ng yelo, ginagawa niyang popcorn pag nanonood kami ng pelikula.

  3. @Xienahgirl… Osmosis? ako din dati, pag cramming na sa reveiw. alam mo yung style na habang magkakabisado ka ng mga phrases ipinupukpok pukpok pa yung libro sa ulo na para bang malalaglag yung content ng libro sa utak mo pag ginawa mo yun? hehehe.
    Pinagiisipan ko nga din ang charity na yan eh, kaso ayaw talagang pumasok sa sa listahan ko ng mga posibleng mangyari.

    Salamat sa pagdaan.

  4. @Parisukat… Hehe. pagnabasa nito ni tintoy siguradong ibabalibag nun yung libro sa mukha ko. hehehe. walang kwentang libro. kaya siguro mukhang bago kasi di rin binasa nung unang may-ari. I shoud have read the signs. hehehe

  5. @Abad…Salamat salamat. hanap ka ng maayos na libro, masarap magbasa. parang nakakabaliw minsan hehehe.

    Hilig sa yelo? secret to ha? wala masyadong nakakaalam, yung baranggay lang namin at saka boung st. louis tugue. Ice kasi palayaw ko eh. hehehe. yan ang sikreto ng mundo.

  6. ako labs ko din libro😀 nagsimula ako sa sweet dreams, waahhh, tapos sa nancy drew at hardy boys… sempre buhay pa rin yung mga librong yon ano pero daming humihiram kasi na hindi nagsosoli e😦 ngayon dami ko pa ring collection pero yung iba binenta ko na sa ebay kasi naman amoy libro na itong bahay e. ako naman gusto ko ang second hand books, aside sa mura e dahil may history sya… yung mga love notes, minsan may ipit pang resibo at pictures… teka pala, ti-nag kita dun sa tripol trit post ko..

  7. @Kengkay. Pareho pala tayong mahilig sa 2nd hand books. diguro nga ipamigay ko na lang yung ibang libro ko. ebay. di ko naisip yun ah. hum..teka lang.

    Tag? there you go. hehehe. sige…

  8. tulad naman ng nasabi ko, pareho tayong mahilig sa libro. nagsisisi nga ako kse laging may book review eklat requirement kami nung hs. our teacher gave us a list of books to read. kami na bahala pumili. the one i chose (metamorphosis), mejo di ko carry noon. dapat pala, nagsipag ako noon. kse the books in the list are magaganda talaga. college ko na sinimulan. nagbayad pa tuloy ako (binili ko e). eh nung hs libre. tsk tsk. i wanted to read the lotr trilogy. kaya lang sa the hobbit pa lang, windang na ako sa dami ng characters. dinugo ako. di ko na tuloy nagawa.
    i enjoyed ludlum’s bourne trilogy also (college pa to, so mga tipong antagal na nun). kaso mo kelangan ng matinding imagination to visualize the fight scenes. saken mo na lang ibigay books mo. hehe.

  9. @antuken…Di ko ma convice yung other side ng pagkatao ko na ipamigay yung mga libro ko waaaa… kaso pag naisipan kong ipamigay. isa ka sa beneficiary hehehe.

    Bourne Trilogy! Yep. The Best series ever created by Ludlum. Forget the covert one series. Bourne is the Best. Ayoko lang yung mga bagong books ng Jason Bourne by Eric van Lustbader. Masyadong Trying hard hehehe.

  10. napadaan lang po.. at kung kaadikan pala sa libro wala yata akong panama sa yo.. 2nd hand din ung tinitira ko kasi masyadong mabigat sa bulsa ung bago.. eh madami dami pa naman akong di nababasa na mga books so madami pang choices sa 2nd hand store ng books..
    at naalala ko may tatapusin pa pala akong libro.. mag iisang buwan na pala…

  11. pareho tayo, yelo, adik din ako sa libro. minsan nga, pag naaalala ko kung gaano kamahal yung ibang librong nabili ko e napapangiwi na lang ako. 2,500 Pesos yata ang highest amount i ever paid for a single book (leather bound na The Hobbit. LOTR fanatic kasi ako). i wanted to buy sana the collectors edition of The Lord of the Rings (3 book set) pero umabot 6,000 plus ang presyo. di na kinaya ng powers at pawis ko. hehehe… nice blog🙂

  12. hay naku…. count me in. bah , naloko yata ako ng harry potter. kinumpleto ko nga. nakakaenjoy din naman tapos ngayun yung ke paulo coelho naman malapit ng makumpleto. Picky ako sa mga authors. gusto ko yung simple lang tumira kung sumulat. Kaya paboritong tambayan ko itong si ice ice baby este ice yelo pala kasali na rin si parisukay hehehe parisukat… aba ang gagaling nyo yata. kayang kaya nyo ring gumawa ng libro ala-mitch albom hehehe..madrama yata yun…. basta ako mga tsong hanggang reading lang… i also love it. nung nag law skul nga ako eh di ko kinaya ang reading ng 15 cases everyday per subject…. kanya itinigil ko na…ganyan ako kabook reader… gets?

    — hindi ko kaya ang magsulat ng madrama🙂 kasi pag madrama ang sinusulat ko parang naiiyak ako… (pohtek, kaya nga madrama eh) 🙂

  13. uuuyyy…alam mo bang Harry Potter ang pinaka the best na series sa akin? Naku, pang limang beses ko nang binasa ang series na yan and still counting. pero 1 to 6 lang ang nababasa ko so far eh. akalain mo ba namang wala na akong mabiling book 7?????!!!! imposible talaga pero totoo!!!! buti na lang may mga ibang bagay pa akong pinagkakaabalahan dahil kung wala, baka nasa mental na ako ngayon.

    Doktor: Anong nangyari ma’am at naging baliw ang anak nyo?
    Nanay ko: Eh kasi di pa nababasa ang harry potter book 7 dok, kaya ganyan yan!
    Ako: Waaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!! ipasok nyo na lang ako sa azkaban!!!!!!

  14. adik din ako sa libro. hindi yata lilipas ang isang araw na di ako pwedeng humawak ng kahit anong babasahin. i even made archie pages my restroom wallpaper. i’ve been collecting books since my gradeschool days. mula academic books hanggang novels, pati na rin pambalot ng tinapa(joke lang! hehe!). pero kung gaano ako kaadik magbasa, ganun ako katamad magsulat. wg mong ibenta ung mga books. sayang naman. tsaka malay mo someday eh ma-declare sila na antique, eh di yayayaman ung papamanahan mo. hehe!

  15. Hello, napadaan lang sa page mo kasi nasa possibly related blog posts ‘to ng isang blog post ko. Gets mo ba? hehe.

    Ako din mahilig sa libro pero konti pa lang nababasa ko.

    Tip nga pala bago ka bumili ng libro. Alamin mo muna kung sang lugar nanggaling yung author. Kung galing sa UK, wag mo na bilhin. (pwera na lang kung may English version talaga). Kasi mahirap intindihin english ng mga taga UK. Iba english nila sa American English.

    Yun lang.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s