Huwag na lang!

Sobrang tipid ko ngayon. Bihira na akong kumain sa fastfood chain na may pangalan. Kanina, niyayaya akong maglunch sa mcdo. dahil nagkahiyaan na, sumama na din ako.  habang nagkakasarapan ng kwentuhan, kung saan saan na napunta ang usapan.

Nagsimula ang usapan sa trabaho, tapos napunta sa sahod, tapos dumiretso sa usapang aso.  Dahil nga interesado din ako sa hayop, natanong ko kung magkano ba ang isang shitzhu. Ang sagot sa akin ni Eric, “Depende, minsan it ranges from 8 thou to 21 thou”. Mas mahal daw  kasi pag may papel ang aso at kumpleto na ang vaccination.  halos mabilaukan ako sa presyo. Naknangtinapa. Yung kapitbahay ko sa probinsya na nasagasaan ng bus, P14,000 lang ang binigay ng bus company sa asawa niya. E siguro naman kumpleto ang bakuna nung minalas kong kapitbahay nung pagkabata niya at siguradong authentic ang birth certificate nun. Ibig sabihin pala nun, mas mahal pa ang buhay ng  aso kesa sa tao.

Eto pa ang mas matindi. Pwede palang ipangalan sayo ang isang star, as in butuin sa langit, sa tamang halaga. ‘di ko alam kung totoo o pinapaikot lang ako ng Cha nung sinabi niya yun. Ang sabi daw ng proffessor niya,  may kumpanya daw na nagbibigay ng ganoong services. Kasi daw yung girlfriend ng prof niya e ganoon daw ang gustong regalo, ang ipangalan ang isunod sa pangalan niya ang isang star. paksyet. Kung ako ang may girlfriend na ganun, isusunod ko ang pangalan niya sa dulo ng listahan ng ex-girlfriends ko. Sa dami ng pwedeng pagkagastusan sa mundo, star pa ang napiling pagtripan ng hinayupak. At saka isipin mo. Pag may school reunion kayo, tapos nagpapayabangan ng properties, anong sasabihin mo? Ituturo mo yung star sabay sabihin na “Akin yang star na yan o, nakapangalan yan sa akin!” tingnan ko lang kung hindi ka pagkakamalang durugista.

8 thoughts on “Huwag na lang!

  1. nabasa ko dati yan na pede talaga ipangalan ang star sa isang tao. pero bakit pa? hehe..

    tenk yu sa pagdaan sa blag ko. balik ka ulit! ^^

    — No probs.

  2. Mas mahal na nga talaga ang buhay ng hayop sa tao, tsk tsk! Yung tungkol naman sa pagpapangalan ng star sa name mo, maganda yan huh.. Kapag sinabi na sayo ung name ng company bulungan mo ako ha may irerekomend ako, nyahaha! thanks sa visit nga pala, add din kita🙂

    — Pag nalaman ko yung name ng company, ikaw ang unang makakaalam. hehe

  3. Sobrang mahal pala nung mga asong sosyal! Ibabayad ko na lang dun sa star para masunod sa pangalan ko para showbiz na rin ako. Ay iba palang star yun. Korni ko! hehe!🙂

    —Okay lang maging korni, Lahat tayo guilty diyan, hehehe. Salamat sa pagdaan. Balik ka ulit.

  4. grabe? ba’t star pa, pwede namang pieces of peanut crumbs ahh.hehe

    — Oo nga, O di kaya Ipis dung. hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s