Streets of Manila Chronicles: Bus Hikers

Enjoy na enyoy ako sa pagtulog sa bus pauwi nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Dahil nga sa ilang beses na din akong nadukutan sa bus bigla kong ipinasok ang kamay sa bulsa sabay hanap sa cellphone. Nasa bulsa ko ang cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag. Hinanap ko ang pinanggalingan ng tapik. May isang aleng nakatayo sa may isle ng bus. May iniaabot na kapirasong papel. Nakalagay sa papel- Please help me yada yada yada. I’m a widow with four kids yada yada, buy dried mangoes yada yada. “Widow ka diyan” bulong ko sa sarili. Bigla ko tuloy naisip na mahirap na talaga ang buhay ngayon. 

kagabi habang papasok ako sa trabaho may sumampang mama sa bus sabay hugot sa bibliya at biglang nagbasa ng “Word of God” Panay ang bulyaw ng “Amen!” pero walang nakikinig. Hinugot ko ang Mp3 player sa bulsa ng bag, sinalaksak ang earbuds sa tenga sabay todo ng volume. Bahala na si batman! Hindi sa ayaw kong makinig, ang ayaw ko lang ay yung recycled na envelop na inaabot sayo pagkatapos ng basa. Gusto kong magtanong ng “magkano ang kailangan kong ibigay para assured na ng pagpasok ko sa langit?”

Noong isang araw naman may mamang naglilitanya sa kawalan ng hustisya. Dati daw silang nagtatrabaho sa isang Bus Company, pero nagwelga sila kahil sa hindi makatao ang pamamalakad ng kumpanya. Magtatatlong taon na daw nakabinbin ang kaso nila sa Department of Labor. Hanggang ngayon ay hindi pa raw naaaksyonan ang kanilang hinaing. Humihingi lang daw sila ng konting tulong para may pambili ng pagkain sa piket line. Paksyet!!! Parang gustong sumigaw ng “Tatlong taon na kayo sa piket line??!! bakit hindi pa kayo humanap ng ibang trabaho? tangena!” Ibig sabihin nun tatlong taon na ding umaasa ang mga hinayupak sa limos. Tinitiis magutom ang pamilya dahil sa prinsipyo kuno. A lousy excuse for indolence.

Kinapa ko ang bulsa ko kung may pera pa ako. Di naman siguro masamang bumili ng dried mangoes. Umupo yun ale sa tabi ko habang inaayos ang paninda. bigla ko siyang tinanong “Saan ho nagtatrabaho ang asawa niyo?” sumagot siya ng “Walang trabaho eh!” Inabot ko sa kanya ang bayad ng dried mangoes sabay bulong sa kanya ng “Oo nga. Widow ka nga!”

10 thoughts on “Streets of Manila Chronicles: Bus Hikers

  1. Ayos si manang, pinapatay ang asawa sa sulat para makapagbenta ng dried mangoes. bago sakin yung stle nya ah, madalas mga working student na hindi na mukhang student ang nakikita ko. Nakaaasar yung mga tumatabi sa yo sa restaurant saka ka bebentahan ng dried mangoes. ayoko naman ng binebenta nila.

    mahirap na talaga ang buhay. binigyan mo ako ng ideya kung sakaling hindi ako makagraduate, gigimik na lang ako sa bus.

    —Oo nga eh. Ang hirap humanap ng pagkakakitaan. Di ko kasi kaya yung pahabol habol sa bus sabay sampa. hehe

  2. ikaw sa bus mo nae-experience yan. isipin mo ako, sa jeep. may mga batang akala mo’y pinabayaan ng mga magulang nila sa kalsada, biglang maglalagay ng envelop sa lap mo. sabay uupo sa may pinto ng jeep habang nagta-tambol. ni hindi ko nga ma-identify kung anong klaseng tugtugin ginagawa nila. dine-dedma ko lang sila, kse feeling ko ibibili lang nila ng rugby.
    at pareho tayong malimit madukutan. meron yatang neon flashing sign sa noo ko na: madali ako manakawan! kaya nga hindi na ako nagwa-wallet eh. sus.

    Dalawang cellphone na nawala ko. Malas ako pagdating sa ganyan. Malas din yung mandurukot kasi cheap ako pagdating sa cellphone. Di rin ako nagwawallet, Coin purse lang na puno ng tigpipisos. Tapos yung mga patambol tambol, nakakita na din ako nun, may kasama pa yun na ala hula dancers di ba? yung mga batang lalake na naka tapis ng kurtina. hehehe.

  3. Minsan di ko rin maintindihan kung bakit kelangan pa nila gumawa ng kwento kesyo ganito daw sila,member daw sila ng ganito para ipatronize yung product na binebenta nila o mangarolling sa loob ng sasakyan.pwede naman ng diretso di ba?

    kunsabagay minsan kelangan nila gumimik para makahingi kasi dala na rin karamihan ng pilipino sa modos operandi nila.hayyy hirap nga naman ng buhay.

    ——–
    ading agyamanak ti panagbisitam ti blog ko ken ti pag add mo kanyak.Add ka met😉

    —-Agyaman nak met. Oo nga eh. Okay lang yung nagbebenta. pinakaayaw ko yung mga preacher sa bus. parang pinapre-pray over ka na sana tamaan ka ng pagiging generous para maging masaya ang buhay. hehehe

  4. Tatlong taon na kayo sa piket line??!! bakit hindi pa kayo humanap ng ibang trabaho?

    – wala ka daw kasing mahahanap na work na may classificatio na:
    1. Widow
    2. Must have at least 3 years experience in piket line

    hehehe. saka steeg yan ah..english pa ang medium nya hehe.

    …napadaan. salamat sa pagbisita rin sa bahay-bahayan ko

    —Amen! hehehe

  5. Ice…. wer yu na? Ang hirap mu naman hanapin pare! Last time na nakita kita naka black and white checkered with matching long slibs pa ako na uniform….

    Anyway… buti na lang masarap ang dried mangoes kesa naman yung mga nagtitinda ng macapuno na kasing liit lang ng kulangot!

    —Jude, sowi biglaan ang balik dito sa manila, I just got the promotion I’ve been waiting for. Baka sa Baguio mako susunod na pupulutin neto. I’ll be at the wedding. pramis! tell badoodles I wont miss it. hehehe

  6. May kilala akong ganyan makahingi lang ng pera pati pamilya niya idadamay sa kalokohan. Minsan gusto mong tumulong pero dapat magsimula muna sila sa sarili nila. Hayyy, mga tao nga naman!

    —Oo nga eh. ang kulit nga, minsan medyo nakakainis na. hehehe

  7. magandang umaga po sa inyong lahat at sanay ipagpaumanhin nyo ang aking sandaling pag abala sa inyong payapang paglalakbay.. kami po ay drayber, kunduktor, empleyado ng Y transit.. blah blah’
    magbenta naman sila ng kahit na ano hindi yung puro hingi na lang’ tulungan nila sarili nila..

    — Oo nga eh. hindot tlaga. nakakaburat minsan makinig sa mga litanya nila. Salamat po sa pagdaan

  8. ang galing mo talagang mag narrate ice yelo. feeling ko tuloy habang binabasa ko ang journal mo eh nanonood ako ng tv. Naiimagine ko kung papano mo hinuhuli ang mga ipis na namamasyal dyan sa “my precious nating aklat”.

    — wahahaha. isipin mo may dala-dalang smasher tapos ang mukha galit na galit. wahahah. psycho ang dating

  9. hainaku. bat ganun yung ale. kala ko ba widow. widow nga ata kasi la work yung asawa la wenta. dami sa lugar namin ng ganyan. ilan pa ang mga anak nila pero kadalasan yung babae ang nagtatrabaho. ang iba naman umaasa sa magulang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s