Tripol Trit

Image

Natripol trit si kengkay kaya trinipol trit din ako wahahaha…Pohtek, parang ang pangit pakinggan. Anyway. Tatlong bagay kung saan ako bangag lagi. Pagkatapos ng aking meditation at seryosohang pagninilay-nilay. Eto na ang resulta…Hand written.

1) Libro- Amoy libro ang kwarto ko. Siguro ganoon ang amoy ng warehouse ng Powerbooks. Pinaghalong amoy ng tinta at newsprint o di naman kaya pag medyo class ang libro bookpaper. Ang maganda sa libro. Always reliable. Unlike Internet, walang down system ang libro at wala ring brown out. Ang history ko sa libro ay nagsimula nung Hay skul (Check Bookolsiklo for more info). So far maayos naman ang tripings ng durugista.

2) Internet- Nakakaadik. Ang Maganda sa internet, may search engine. Pwedeng iwasan ang manual browsing. May friendster. May Email, May Jokes, May Porn (Pohtek, sumbong sa nanay, bad yan!). May Libreng Mp3 files, Movie downloads, Lahat ng klase ng kabarubalan. Higit sa lahat, May blog.

3) Ipis Hunting- Galit ako sa ipis. Ginagawang boarding house ng mga hinayupak yung mga libro ko. Board and lodging pa. paksyet talaga. Di ko maiwasang mapamura. Ang sasarap tirisin. Speaking of Ipis, Naalala ko tuloy yung dating officemate mo. Ang laki ng katawan pero pag nadapuan ng ipis, tumitili ang pohtek, Hysterical ang iyak, may kasama pang panginginig. Anyway. Magkre-cremate ako ng ipis sa makalawa, sinong gustong mag attend?

‘Yan! Natapos din ang tag. Time for tagging someone. I’m Tagging Azeh, (Chance mo na para simulan ang turtlebites mo hehehe. Buena manong malutong na tag!)

4 thoughts on “Tripol Trit

  1. talaga?
    ipis hunter ha?
    punta ka nga dito sa bahay

    anakngpitumputpitongputingtupa
    nagliliparan sila
    waaaah

    — I iskedyul natin mareng xienah, maraming nakapila hahahah

  2. Yung tag mo pala sa akin inamag na. Pinagiisipan ko pa. Hayup ka naman magtrip, pati ipis pinapatulan mo. haha.

    — okay lang ipis pro. di kaya ng dibdib ko ang dagang maynila hehehe

  3. ay ako na-tag din nito. di ko pa nagagawa. pareho tayong adik sa books! (as ive said lotsa times. hehe)

    —hahaha. Oo nga. salamat sa dalaw (parang preso lang eh)

  4. oist minsan punta ka sa bahay namin dami rin kasing boarders na ipis lalo na pag umuulan..sabay mo sila sa cremation na gagawin mo😆

    — sige ang iskedyul mo, after xienah. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s