Kunsumisyon!

Last na message sa akin ni azeh ay – cge tulog na, wag ka sama sa coupdetat. hahaha!- Napataas ang kadalasang nakababang kilay ko. Wat? ‘di ko makuha ang joke. Naisip ko, siguro inaantok na talaga ako. Pumasok ako sa opisina ng maaga para makatulog. At least sa ofis may aircon at walang mga batang naglalaro sa labas.

Alas tres na ng hapon ng makarating ako. Parang bahagya lang sumara ang mata ko ng magising ako sa ingay. Parang may nagpaparty sa baba. Hinawi ko ang blinds ng sleeping quarter. Binulaga ako ng beer ni goliath. Paksyet, Party nga. Madilim na. Maraming tao sa baba. Sa tapat ng floor namin nakatutok ang spotlight. Sinilip ko ang orasan. alas otso na ng gabi.

Bumaba ako para kumain. Maraming tao sa labas. May higanteng beer na nakatayo sa gitna ng Ortigas Ave. Dinatnan kong nanonood sa labas ang mga officemates ko. Kasalukuyang tumutugtog ang Sugarfree. Yung nga security guards na ginawang props, nakatayo sa likod ng barikadang asa tapat ng stage, inuulan. Ang nakakatawa, walang tao sa kabila ng barikada, asa silong lahat ang mga tao. Lumapit ako sa mga sabay tanong ng “anong balita?” sumagot si Vhong, “Hinuli na si Trillanes” Napakamot ako ng ulo. Pag medyo hindi maganda ang gising ko, madali akong maburat. Hindi ako napapangiti sa korning joke. Biglang may mga pulis na nagdatingan, tapos balitang matatapos agad ang party dahil sa curfew. Curfew?!?

Tangena martial law na ba? Ilang oras lang ang tulog ko, nagbago na ang ikot ng mundo. Di ako makapaniwala. Tinanong ko ulit, bakit ang daming pulis. Tinanong ako “sang lupalop ng mundo ka ba galing?” sinagot ko siya ng, “Sa sleeping quarters”. Si Trillianes daw, kasama si general Lim nag walk out sa hearing, hinuli sa Manil Pen. Ang hirap dito kay Trillianes masyadong matigas ang ulo, eh kung hindi sana nagbida bidahan ang tukmol na ito e di hindi sana nagkagulo-gulo. Ito namang military ang lupet ng exageration sa buhay. Kudeta daw. Pohtek. Yun lang kudeta na? Nag CR lang sa Trillianes sa Manila Pen nagpadala na sila ng tangke. Ang OA ng dating. Naalala ko yung joke ni azeh. yun pala yun.

Ang Hirap sa pinas, yung mga maliliit na bagay pinapalaki. Eh sa dami ba naman ng mga sundalong gustong maging action star, siguradong mas lalala ang problema. Ang pulitika talaga dito sa pinas nakakakunsumi

10 thoughts on “Kunsumisyon!

  1. Nagulat nga ako sa balitang yan, ano ba yan mga pasaway na pinoy!

    —walang bago. nagbabaril lang ng sariling paa ang pinoy, tapos pag sumakit magrereklamo.

  2. Hindi ko masyado pinapanood yan kagabi, sakit lang sa ulo. Pero medyo natuwa ako sa curfew. Hindi ako makaluwas this week eh, next week pa. party ng kaibigan ko sa makati, hindi natuloy. haha, napakamakasarili ko.

    — Okay lang yan, lahat naman tayo minsan naghahanap ng rason hehehe

  3. korak, sobra OA ng militar.. eh haller, lima lang ata kalaban nila.. haay naku, gusto lang nila makarating ang news sa CNN, mga KSP! pare-pareho sila lahat! wahaha.. ni-add na din pala kita, tenks ulit sa pagdaan😀

  4. duwag si trillanes
    pangalawang attempt na niya yun.
    sa pangatlo dapat totoo na.

    martial law.
    kaso
    baka wala ng blogging kapag ganun
    patay🙂

    paborito ko si guingona
    lagi siyang kalma
    lagi siyang nakangiti
    nung nagbabasa nga ng statement
    si gen lim sa manila pen
    katabi niya si guingona.
    nakabarong
    steady lang
    parang clinically dead
    cadaver
    ganun.

    aylabguingona.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s