Equals

Ang sarap bumiyahe sa EDSA nung Christmas, Walang traffic, walang kotongerong pulis na nagtatago sa gilig-gilid, madilim kaya hindi kita yung kulay pink na overpass. Ayos. 

Pagkatapos ng party office napagtripan naming ng ibang kaopisina ang maglakad. Wala masayadong tao sa lansangan. Kumpyansa din kami na pati mga holdaper ay nakapagfile ng leave of absence sa date na yun.  Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong umuwi at magpasko na lang sa bahay kasama ang pamilya. Sa kasamaang palad, dineclare na critical working day ang December 24 ng gabi sa office. Kaya tangena,by crook or by crook ay pumasok kami sa trabaho. Pasalamat na lang ako na by 11:15 pinayagan na kaming umuwi.  

Yung mga pagkain na inorder sa Max‚Äôs, and daming natira. Suspetsa ko pampalubag loob lang yun o di naman kaya ay part ng isang evil experiment ang lahat. Siguro naiisip nila ‚Äúyaman din lang na papapasukin natin sila sa pasko, subukan kaya nating impatsohin ang mga yan, tingnan natin kung ano ang magyayari‚ÄĚ. Sa awa ng diyos, wala namang namatay sa kabusugan.¬†

Umuwi kaming may kanya kanyang bitbit ng plastic ng pagkaiin. Naisip ko; Ayos! May almusal ako bukas. Pagdaan naming sa may flyover sa Ortigas, nilapitan kami sa isang bata sabay extend sa kamay, humihingi ng limos. Binigyan ko siya ng sampung pisong barya, pagkakuha ng pera tumakbong palayo yung bata, palapit sa ibang taong hihingan ng limos.

Nakakalungkot na may mga ganito pa rin sa pasko, Naisip ko maswerte talaga ako, kasi kahit hindi ako ganoong kayaman, At least nabibili ko yung basic na pangangailangan ko. ¬†May pabaong cash gifts ang kumpanya, meron din namang gift cards at iba pang perks and freebies.¬†Pagdaan daan namin sa may kariton, tinanong kami nung ale kung anong oras na, sumagot si Paul, ‚ÄúAlas dose pasado na po‚ÄĚ. Ngumiti siya sa amin sabay sabi ng ‚ÄúMerry Chistmas‚ÄĚ , tapos ay bigla niyang tinawag yung batang kanina lang ay binigyan ko ng sampung piso. Hindi naming maiwasan na sundan ng tingin yung ale. Paglapit nung bata, Bigla niya itong niyakap at hinalikan sa pisgi. Hindi naming marinig yung usapan nila pero nakita namain na pareho silang nakangiti na parang nagbibiruan. Hiningi ko yung supot ng pagkain ni Paul sabay lapit sa mag-ina at inabot yung mga supot. Nagpasalamat naman sila.¬†¬†

Habang papalayo ako sa mag-ina, naisip ko ‚ÄúGaano ba ako kasuwerte o malas ba talaga sila?‚ÄĚ Ako kumpleto nga ngayong pasko, regalo, bagong damit, pagkain pero malayo sa pamilya. Sila, walang ngang pera, hindi nakakain ng maayos pero may yakap at halik sa pisngi, isang bagay na hindi kelan man maipagpapalit sa anuman. Sinong maswerte sa gabing ito?

Napa-iling ako bigla. I finally understood why Christmas is usually defined with the word love. I am not a very religious person but I felt I understood the concept of equality that night. As we pass throught the EDSA shrine, I made a quick sign of the cross. Call it divine intervention, call it whatever you wish to call it, I made a quick prayer and said ‚Äútonight, the night of his birth, of all nights, we found ourselves equals. Thank you for the explanation‚ÄĚ

mantsa!

Baba ng tricycle, takbo… pagdating sa may overpass, ikot sa may hagdan. Kung bakit naman kasi sinira ng mga taga MMDA yung kanang hagdanan. Dati naman maayos ang daloy ng tao sa overpass na yun. Hindi katulad ngayon na halo-halo ang amoy dahil siksikan ang taong paakyat panaog sa iisang hagdan. Minsan tuloy naiisip ko na parang sinasadya lang ng mga taga MMDA na sirain yung mga inprastraktura na maayos para may mapaglibangan sila. Pagdating sa taas ng overpass. anak ng bibeng duling… siksikan pa rin sa dami ng nagtitinda. habang papalapit na papalapit ang kapaskuhan parang kabuteng nagsulputan ang mga nagtitinda ng kung ano ano. halos walang madaanan ang mga tao. ako naman parang¬†nagtitinikling sa mga panindang nakakalat.
Asa kalagitnaan na ako ng mahabaging overpass nang biglang may nagdatingang pulis. Medyo gumilid ako ng konti, alam kong habulan na ang kasunod nito. Ang mahuli, taya. pero ohmaygad, I was wrong. Tiningnan lang sila ng mga tindera, sabay tanong sa mga lalaking nagkumpulang parang bulbol sa isang banda, “asan si omar? tawagin mo,¬†sabihin mo andito na ang mga kubrador”. sigaw nito.¬†kubrador? parang hueteng lang ah. feeling ko¬†masaya ang kasunod na mga mangyayari kaya minarapat kong magstay por a wayl. Dumating yung Omar, nilapitan yung mga unipormadong pulis sa gilid, nagngitian, kamayay, bulungan. hinihintay ko kung may beso-besong kasunod, wala. maya-maya ay lumapit si omar sa isang babaeng tindera na may kalong kalong na bata. “O ikaw na lang ang di nagbibigay ng parte mo” bungad numg Omar, sumagot yung babae na wala daw siyang pera. “magbigay ka na kasi para makapagtinda na tayo ng maayos” sagot ulit nung Omar. tangena, kung ang binebenta mo lang ay mga gamit na sapatos at may pinapakain kang pamilya, isa lang ang isasagot mo dun sa Omar. “Wala akong pera”.
Lahat gustong kumita ngayong kapaskuhan, sadly, pati mga pulis kasali.  Hindi ko matake yung eksena, bumaba na ako.
nakasakay nako sa bus, di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung tindera. mali yung ginawa nilang pagtitinda ng wala sa lugar pero gusto lang nilang kumita kahit papaano. Biglang huminto ang bus, may sumakay, naknang…pulis nanaman. At sa kasamaang palad, tumabi pa sa akin ang hinayupak. Lumapit ang kunduktor para maningil ng pamasahe, Hindi tuminag ang gago, ni hindi man lang nagkunwaring bubunot ng pera ang walanghiya. Hindi nagbayad. Nasa kasarapan na ng biyahe nung bigla akong naramdaman na may sikong nagpapapansin sa taligiliran ko, tumingin ako sa katabi kong pulis, nakangiti ito sabay nguso sa babaeng naka mini skirt sa kabilang upuan, Ngiting aso ang hinayupak na pulis, bumulong ng “ang sarap niyan parekoy” sabay punas sa nguso. Gusto kong sumigaw ng “Manyakis!!!!”
Nakakalungkot isipin na may mga pulis na mas malakas ang loob gumawa ng kalokohan pag naka uniporme. Nakakawalang respeto. may mga kakilala akong pulis na ang tingin sa kanilang uniporme ay sagrado. Meron namang mga walanghiya talaga. walang galang sa sariling uniporme. nakakadiri, Madumi. 
Pagdating sa may Farmers Market, huminto ang bus, tumayo yung pulis sa upuan para bumaba, tumayo na din ako, habang sinusundan kong pababa yung pulis, hindi ko napigil, pinagpag ko yung bandang likuran ng uniporme niya, tinanong niya ako kung bakit; sumagot ako.
Ice: Ser, uniporme nyo, may dumi
Pulis: Sige nga parekoy, paki pagpag nga ng konti
Ice: Pinagpag ko na ser, ayaw matangal, mantsa.
Pulis: Tangina, di bale, thank you
Sa isip-isip ko, “tangina nga ser, tangina nga!”
————————————– P.S.—————————————
with that said, isn’t it nice if this happens once in a while?
Pulis

My first blog award. :)

Blog of the month
Blog of the Month Award courtesy ni mommy witchy, First blog award ko. Isang Pulitzer for blogging at isang Nobel Peace Price for literature na lang ang kulang at kumpleto at masasabi kong may blogging eerrr bragging rights na tong site ko. Thank you¬†mommy witchy. ūüôā¬† you’re the best.
I’m sharing this award to Abad. Nawa’y sa pamamagitan ng award na ito’y mapilitan kang magsulat ulit. nyahahaha.

Back to work

Kahapon habang nag-eempake ako ng gamit pabalik ng Manila, parang ang bigat na pakiramdam ko. Kung iisipin mo nga naman ang stress na daratnan mo dun, Santambak na paper works, Galit na boss, Mga taga MMDA na mukhang hindi naliligo… tipong mapapaluha ka talaga.
Sa ilang araw na nabakasyon ang katawan ko sa probinsya, parang nakapagrelax ako ng husto, ang masama parang ayoko nang magtrabaho, Asar. Kinausap ko ang sarili ko para kumbinsihing umayos na, kailangang bumalik sa manila para maghanap-buhay, sa maniwala ka’t sa hindi, nagdadahilan pa sa akin ang hinayupak. Kung tutuusin mo naman, para sa akin, medyo may¬†rason naman ang dahilan ng kausap ko sa salamin. kaso lang lang hindi sapat. Kesyo ayaw na daw niyang sumakay sa kalawanging bus, ayaw na daw, makaamoy ng¬†mabahong urinals sa side walk, Ayaw na daw ng lansangang amoy usok. Ang arte ng hayop.¬†
Okay lang naman ang manila, andito ang maayos na trabaho kahit medyo stressful ang buhay. kaya lang naman stress-packed ang metro kasi sa byahe pa lang pagod na ang mga mata mo sa nakikita mo. Ang pinaka-ayaw ko lang dito ay yung mga pulitikong show-off. Yun bang tipong campaign period araw-araw sa dami ng tarpauline sa nakasabit sa mga linya ng kuryente at telepono. yung mga tipong; Pakubetang handog ni Counselor XXX, or Paututan ni Meyor XYZ, Rolling office ni Vice Mayor. Congratulations kay Brgy Captain Juan Galing kay Konsehal Pedro. Lugawan ni Kaka, Happy Fiesta Next Year, en so on en so port.  Imbes na makatulong tong mga pulitikong ito na mapaganda ang manila, sila ang unang nakakasira. Eh kung siguro bibilangin natin ang accumulated cost ng mga tarpauline na yan pwede nang magpakain ng ilang pamilya sa isang buwan.
Idagdag mo pa sa listang yan yung mga kulay dead-pink (as in walang kabuhay-buhay) na overpass at ang hopeless na mga poste ng MRT na nilagyan ng chicken wire para subukang tamnan Cadena de Amor, Kung papansinin mo ngayon, yung mga chicken wire kulay itim na dahil sa usok, yung mga kadena de amor, malnourish. hindi makagapang dahil sa tamlay.
Magkagayon pa man, hindi yun rason para hindi ako bumalik sa trabaho. Kailangang makumbinsi ko ang sarili kong lumuwas ng manila, kundi tanggal ako sa trabaho. Pero lubhang matigas talaga ang ulo ng hinayupak. Nung hindi ko na mapigil, Tinitigan ko siya sabay sigaw ng “Pag hindi ka umayos, iiwanan kita dito.”
Sa awa ng Diyos, pumayag naman.

First Wave!

Today is my first month with wordpress. So allow me to give you my numbers, 34 Entries, 229 Comments, 1,934 Hits and a whole lotsafun. Not bad for the first month.

Honestly, madali akong magsawa, yung friendster account ko, close na yata, yung neopet kong si Azrium marahil ay patay na kasi hindi ko napapakain, yung Playstation sa bahay, malamang inaamag na sa gilid kasi ilang beses ko lang ginamit. Sa Blogging… Andito pa din ako. This must be love. nyahahaha.

I’m not new with writing. I’ve been writing since God knows when. But blogging is something on the personal side for me. No pressure, no editors to dictate what I needed to write, No deadlines at higit sa lahat… Pwedeng magmura. ūüôā , ang sarap.

I use to have a blog when I am still using friendster. kaso lang it doesnt have the “It” kaya tinigilan ko, then a friend introduced me to wordpress and here I am, 31 days later, parang kinakamot pa rin ang talampakan. may kiliti pa.

Sabi ng ni baddodles sa first comment ko sa blogsite niya, “tagay muna fpj” hummm, bakit nga ba hinde, sige nonoy, i set mo, mamam tayo. 1 month nako dito, yeheyyy!!!`