Streets of Manila Chronicles: MMDA Urinals

Posted on

Hindi ko alam kung tama ang pananaw ko sa buhay o talagang ipinaglihi lang ako sa sama ng loob. Kasi ang dami ko daw napapansin na hindi na dapat pinapansin. Ang problema naman kasi. Parang Palaging kontra-pelo ang mga pinaggagawa ng mga taong dapat sana ay gumagawa ng paraan para gumanda ang mga lansangan dito sa Metro Manila.

Una sa listahan ko mga MMDA Street Urinals, Tama ang Ideya, mali ang application. Naranasan mo na bang dumaan sa tabi ng public urinal? kung hindi pa, subukan mo minsan, babaliktad ang sikmura mo sa panghi. naknamputsa naman kase, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos, daan -daang kalalakihan ang nagbubuhos ng sama ng loob sa urinal na yan pero once in a blue moon kung malinisan (kung nalilinisan pa). Kaya tuloy sa tuwing dumadaan ako tabi ng mga urinal, sinasabihan ko ang sarili ko ng paulit-ulit “Wag hihinga, mabaho ang kubeta, wag hihinga baka ka masuka!”

Isa pa, Nagiging paboritong tambayan ang Urinals na yan ng mga hinayupak na perverts.  Ang aking peyborit bespren na si Annie nabiktima ng pervert sa urinals na yan.  E paano ba naman, may sapat silang rason para ilabas sa kanilang mga pototoy sa kinalalagyan. (alangan naman umihi sila na hindi inilalabas yun) ang problem asa gitna ng mataong lugar ang urinal na yan at walang sarado ang pinto. Dumaan si Annie sa tapat ng pinto ng biglang may sumitsit sa kanya, paglingon niya “SURPRISE!”, tangena.  Sabi ni Annie “It felt like I was devirginized all ober agen” Sagot ko naman “Away mo nun, You get deveriginized like once in every week?”  Pero regardless sa feelings ni Annie. Maling mali talagang maglagay ng ganyang urinal sa mataong lugar. 

Wala ring namang pinagkaiba, Ang tao kung talagang bastos, Iihi na lang sa pader yan kahit saan. Ang tao pag may breeding, Maghahanap yan ng palikuran para makaihi. Ang daming CR sa metro. Meron sa mga bus terminal, sa mga food chains, sa mga resto, sa mga malls. hindi naman bawal makiihi sa mga yan. Sa paglalagay ng urinals sa kalagitnaan ng pampublikong lugar  ay masakit sa mata, bukod sa kulay pink ang hinayupak, para nageencourage pa ito ng masamang ugali sa pag-ihi kung saan saan.

About these ads

12 thoughts on “Streets of Manila Chronicles: MMDA Urinals

    thrisha said:
    December 8, 2007 at 10:31 am

    dagdag project, dagdag budget, dagdag kupit. simple. para may “kunyaring napupuntahan” ang pera na sa bulsa naman nila napupunta. mabaho talaga ung mga ganun. mag tayo na lang sila ng mga pader..tutal mas madami pa rin ang umiihi sa pader. mas tipid pa!

    ~added ka na rin pala sa list ko.. sa dailies :D napapdalas na kase ko dito. astig! :)

    :) salamat sa add

    Kiko Matsing said:
    December 9, 2007 at 12:28 am

    Nasubukan ko minsan dyuminggel sa ganyan, kasi sobrang naiihi na ako nun eh! Pero pagkatapos nun pinangako ko sa sarili ko na yun na ang huli, sobrang panghi na kasi saka katulad nga ng sinabi mo nasa pampublikong lugar.

    — Mabuti hindi umurong ihi mo sa panghi? sinubukan ko minsan, Di ko kinaya :)

    vanny said:
    December 9, 2007 at 2:25 am

    deveriginized like once in every week?? hahaha. =)

    :)

    Fau Rafili said:
    December 9, 2007 at 3:59 am

    talaga nga naman. mali kasi talaga yun. kahit kelan nga ayoko umihi sa putakteng urinals na yun. kakahiya kaya. sa gitna ng daan iihi ka bwa hahahaha. la pa pintuan. sana ginawa na lang nilang closed yung kapag me event diba.

    — Hehe. Para kang nakahubad sa gitna ng syudad tuwing umiihi ka dun

    cdy173 said:
    December 10, 2007 at 3:26 am

    bakit naman kasi sa dinadaanan pa nilagay yang mga urinals na yan.parang wala na ring pinagkaiba yan sa pagihi sa pader o sa puno pinasosyal lang ng kunti…

    pano kaya naaatim ng mga boylets na jumingle sa ganyang mga places?hmmp

    — pano kaya naaatim ng mga boylets na jumingle sa ganyang mga places? Ang sagot ay di ko din alam. :)

    taroogs said:
    December 10, 2007 at 5:00 am

    hehe… bumalik yung memory ng amoy ng mga urinals na ito habang binabasa ko post mo… pero minsan napapaisip din ako — ang pag-ihi ba ng pinoy kung saan-saan e pwedeng mahalintulad sa pag-dura ng mga tsino kung saan-saan? cultural quirk ba ito?

    — Malamang tama ka, parang ganoon na nga :)

    MARU said:
    December 10, 2007 at 7:47 am

    buti nga kayo meron ganun … kaming mga babae wala. hmp!

    —Bakit mamaru, gusto mo din ba ng urinal na pambabae sa gitna ng lansangan na walang takip ang pinto? ;)

    YouAreYou said:
    December 10, 2007 at 10:18 am

    i agree dapat hindi nila nilalagay yung mga urinals sa mga daanan ng tao.. pang pasikip na,, di pa kanais nais yung amoy pag dumaan ka malapit dun.. haays..

    anyway napadaan lang po sa blog mo..
    pa link na din.. :D

    — Salamat sa pagdaan balik ka ulit :) sure, link you up.

    I was trying to open your link. I cant be opened. just give me your url (Demanding :) ) tenshu!

    kengkay said:
    December 10, 2007 at 12:23 pm

    hmm, di ko yata napansin na meron nang ganyan. tama si maru, at least ang mga boys may ganyan, hehe

    — Pansinin mo minsan, yung masakit sa matang kulay pink na parang kulugong sumulpot sa gitna ng sidewalk. :)

    iceyelo said:
    December 10, 2007 at 1:27 pm

    Salamat po sa inyong pagdaan. :)

    antuken said:
    December 10, 2007 at 8:08 pm

    when i was working in manila, sus, hindi talaga ako humihinga pagdaan sa mga urinals na yan. ang hindi ko maintindihan, baket naman kse kelangan pa nyan? o baket ang mga lalaki, umiihi sa tabi/harap ng pader? meron ako friend, sabi nya, pag nasa ibang bansa, makikita mo ang mga pinoy, hindi ginagawa yan. pero pag-apak ulet sa pinas, back to the old habit.
    kahit nga minsan, pag kasama ko maginom mga kuya ko at mga barkada nila, lagi ko sila pinapagalitan pag magwi-wiwi sila. kse naman, may banyo. bat kelangang sa may puno pa di ba? sus.

    — kasi sa ibang bansa, marunong mahiya ang mga pinoy. pag-uwi dito sa atin, parang nawawalan ng respeto sa sarili, nakakalungkot :(

    Culture Shiok! Singapore OFW said:
    December 16, 2007 at 9:11 am

    Makukunsumi at sasakit lang ang ulo mo kung iisipin mong lahat ng pagkukulang at kamaliang hindi maisaayos ng ating gobyerno. Bago ako nagtrabaho dito sa Singapore ay kasagsagan ng paggawa ng MMDA ng overpass, bus stops at urinals (baby pink and baby blue motif). Kasabay na rin nito ang mga U-turn slots at clearing ng mga sidewalks. Maraming mang umangal, hindimaitatangi na may maganda namang naidulot ang mga ito. Konting planning pa at syempre dapat maayos ang execution. Importante and disiplina ng bawat isang Pilipino (hay…..)

    Sa ibang bansa, marunong ngang mahiya at sumunod. Naiuuwi naman naming mga OFW ang disiplinang nalinang sa ibayong dagat. Problema minsan, iba ang tingin sa balikbayan. May masama ka pang maririnig na kesyo nanggaling sa ibang bansa ay nagmamalinis na. (hay…..)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s