An 11 Peso Christmas Magic

Medyo frantic nanaman ako. Alas nueve ang pasok pero 8:30 na asa megamall pa rin ako para bumili ng regalo para sa aming Project; Christmas Smile. Asa climax na ako ng tulog ko ng bigla akong bulabugin ng tatlong sunod-sunod na txt message galing sa aking mahal na manager. Parepareho ang messages, tatlong beses lang isinend para wala akong excuse na hindi ko natanggap ang text message – Plis don’t forget to bring your gift for our gift giving at the orphanage. Ohmaygad,ย  nakalimutan ko totally. Hindi tuloy naisama sa budget ko. Nagtext back ako, sinabing wala na akong pera. ang text back niya sa akin “‘lul mo, kahapon mo lang nakuha ang 13th month pay mo ah, basta bumili ka๐Ÿ™‚ ”

Ang mamahal ng mga toys sa toy kingdom. Pero dahil sa wala na ngang ibang choice, late na ako, walang ibang mabilhan na malapit, sumige na ako. P399.99 ang worth ng toy. Medyo umaray ang bulsa ko. Hindi ganoon kalaki ang halaga kaso wala lang talaga sa budget. Siguradong pansit canton ang lunch ko ng mga ilang araw nito.

Hingal Kabayo ako dumating sa ofis. Late pa din ako ng 5 minutes. Pohtek. Pagdaan ko sa cubicle ni Mommy Thelma, bigla itong pumito sabay sabi ng “Wow, sarap mong maging ninong, Toy Kingdom. Ako sa bangketa ko lang binili ito. siksti-payb pesos lang” Natigilan ako. P65.00, naknang bibeng duling akala ko ba…?. Sabi ng iba, binibiro lang daw ako nung sinabing P300 up ang worth. Ako naman itong si tanga, naniwala naman. Ang sama sa pakiramdan ng pinapasakay na sa kasamaang palad ay sumakay naman.

Tinanong ako ni manager kung bakit daw hindi ko binalot ang regalo ko. sabi ko “Gusto mo balik ako sa mega, ipabalot ko” tapos sabi ni Mommy Thelma wag na daw kasi medyo napamahal na ako sa presyo. Pumayag naman si manager. Ibibigay na lang daw na ganoon.

Naisip ko tuloy nung bata ako, wala akong laruang mamahalin. Kadalasan bigay lang ng mga tita. kung bilhan man ako ni mama, yung siguradong may sobrang pera talaga. sa tuwing pasko lang ako madalas nagkakaroon ng bagong laruan. Naalala ko yung excited na bata sa tabi ng Christmas tree na halos hindi mahintay ang christmas para buksan ang regalo. Binibigyan ako ng pera dati pero iba ang feeling ng magbukas ng regalo.

Bigla ako tinamaan ng kung ano. alam kong hindi yun konsensya kasi wala ako nun. pero tinamaan ako. Bigla akong bumaba. Bumili ako ng gift wrapper at scotch tape sa Mini Stop,ย  additional 11 pesos ang nabawas sa pancit canton money ko. pero hayaan mo na, alam ko kung anong magic ang kapalit ng 11 pesos ko. Tumingin ako sa langit habang bumubulong ng “Lord, additional pogi points ‘to ha?”

21 thoughts on “An 11 Peso Christmas Magic

  1. since i started working, i’ve always enjoyed the christmas season. it’s really a different feeling when you give your nephews & nieces gifts, and when they open it, you really see the joy & excitement in their eyes. sometimes you get a bonus when they say ‘wow’ or ‘anganda nito’. sobrang kakataba ng puso. di bale nang gumastos. nakapagpasaya ka naman ng bata. sabi nga nila, christmas really is for kids. this christmas nga, i told my family pass muna sa gift giving dahil nga may pagkakagastusan ako sa enero. i told them, kids lang muna ang bibigyan ko this year. next year na lang kami babawi.
    wag ka mag-alala, yung 399 at 11 petotet mo, malaki kapalit. sabi nila.๐Ÿ™‚

    — sana nga po. matagal ko na din kasing gustong manalo ng lotto. di pa nangyayari. siguro dapat na akong mag-umpisang tumaya no? ๐Ÿ™‚

  2. Kapag nagbigay ka mula sa puso sobrang laking palit nun mula sa taas, yung blessing ba na tinatawag๐Ÿ™‚

    Lucky nga ang mga bata ngayon kasi sila sagana sa mga gift, di tulad noon. Hayyy sarap maging bata ulit.

    — oo nga, sana bata na lang ulit ๐Ÿ™‚

  3. hahahaha! 10,000 pogi points yan panigurado..hehehe..ambait mo kuya! ๐Ÿ˜†

    ๐Ÿ™‚ Sana nga. hehehe. nagiipon ng puhunan

  4. Ok lang mag-pancit canton ng ilang araw, masarap naman yun eh! Hehe! At least yung pagbibigyan mo ng laruan siguradong sobrang saya yun. Siguradong malaking pogi points mo niyan kay Lord!๐Ÿ™‚

    — Oo nga, bili na lang ako ng iba’t ibang flavor๐Ÿ˜†

  5. sana bta pa rin ako para makatanggap ng gift galing sa mga godparents ko.. mula kase nung lumaki na ako nakalimutan na nila ako.. huhuhu.. Di na nila ako lab.. haha

    Salamat nga pala sa dalaw sa site ko repah!
    daan ka ulet sa susunod ha.. (x_X)

    — oki lang, salamat din sa dalaw, wahaha, parang dalawang presong naguusap kasi wala nang dumadalaw sa kanila. hehehe.๐Ÿ˜†

  6. yan ang tunay na diwa ng pasko
    hindi ang maghbigay ng regalo–
    ang magbigay ng pagmamahal
    at iparamdam ang kahalagahan
    ng isang tao sa buhay mo

    — Amen๐Ÿ™‚

  7. may pogi points ka sakin..๐Ÿ˜€ haha! bait mo naman.. ang dami talagang mabait pag pasko.. weeeeh!

    — Mabait talaga ako. wahahaha.

  8. mahirap na binabali yung batas ng “napagkaisahang presyo ng exchange gifts” – sabi ng tiyo Gurnakh ko, malupit pa sa 6 years na kamalasan daw ang katapat nito๐Ÿ˜ฆ (pero hindi naman tragic kasi kamalasan lang sa anim na exchange gifts yung tama niya) hehehe

    — Oo nga tama ka diyan. dapat walang bawian sa nakaset na price. kaya lang in this case ako ang pinasakay ng mga hinayupak. hehehe. ๐Ÿ™‚

  9. haha! ayos ah..ako rin sa toy kingdom namimili ng laruan..may mga mura naman dun sana naghanap ka ng sale…

    sa kawanggawa naman mapupunta yan eh..wag ka na manghinayang.

    — Hindi ako nanghihinayang. huhuhu. pansit kanton nananam. syet๐Ÿ™‚

  10. hahahahaha! kakatuwa ka ha. uy, napadalaw lang. kaibigan ako ni witchy, sabi niya, maganda daw ang blog mo. maganda nga pero di niya sinabing nakakatawa. tawa ako ng tawa na parang tanga at nasa office pa ako huh! anyway, i-add kita ha. sarap basahin mga posts mo. tingnan mo at nanagalog pa ako! effort to ha.

    — Salamat sa pagdaan. sabihin mo kay Witchy, salamat sa endorsement. nyahahahaha. sige link din kita.๐Ÿ˜†

  11. pre malapit na kasal ko. wag mo akong dramahan ng ‘i won’t miss it for d world’ kung wala ka namang balak pumunta. haha. wag ka ding magrerequest ng stag party, kung meron man, e bring ur own. saka pag nagregalo ka, ibalot mo din tulad ng sa christmas program nyo.

    — pupunta ako. naknang bibeng duling, ‘i won’t miss it for d world’ nyahaha. basta darating ako. Alam ko ang daan papuntang Hotel Roma bro. hehehe. Wag ka mag-alala, babalutin ko regalo. may alam akong bilihan ng siksti-payb pesos na pangreagalo. walang nang nakaset na price this time.๐Ÿ˜†

  12. naks ambait-bait naman talaga๐Ÿ˜€ ganyan dapat hehe, di bale na magpancit canton basta makapagpasaya lang ng mga bata kahit saglit lang๐Ÿ™‚ for sure, pagpapalain ka weee ahehe meri krismas! (advanced)๐Ÿ˜€

    — Merry Xmas di po. oo nga, at least may iba-ibang flavor naman. hehehe

  13. Ang mahalaga ay nakapagpasaya ka ng isang bata ngayong pasko. Merry Christmas!

    —Merry Xmas Abad. san ang regalo ko? puntahan kita sa brewyread para magmano sa xmas.๐Ÿ™‚

  14. waw. galante naman.
    haaayyyy nagpapahiwatig na ang pasko.. *plus the music in this site* awww.. wala pa kong trabaho at isang hamak na estujante lamang. hindi na rin ako kikita nitong pasko at akoy 18 na. baka batukan pa ko ng ninang&ninong ko pag namasko pa ko.. bwahaha..

    sana ninong kita. para may 399.99 gift ako galing sayo. plus 11.00 wahahaha,,

    advance meri krismas.

    — Pasalamat ka. hindi ako naging ninong mo. barat akong ninong hehehe

  15. ninong..ako to..inaanak mo..ahehhe…owo nga…masarp ang magbigay kahit masakit sa bulsa…ako ubos ang 13th month para lang sa gifts,..pwero ok lang..atleast lahat happy dis xmas…ako nung una indi pwde laruan kasi parents ko practical.damit lang takaga always o libro..putakte..kaya ngaun isip bata parin…nangonglect ng toys..ahehee/.

    — Nagcocollect ka din? hiling ko nga kay santa ngayon, yung blue na spawn hehehe

  16. comment lang bro…balik mo nalang ang dating template mo..maskit sa mata…indi ko masaydong mabasa…..kung ok lang….kung indi, cge indi na ko babalik..ahaha..joke

    —sige, tingnan natin, xmas naman eh. hehehe

  17. you will be blessed a thousand-fold!๐Ÿ™‚

    sometimes, you know, marerealize natin na it is still better to give than to receive๐Ÿ™‚

    and yung mga ganyang bagay ang di pinapalampas ni Lord๐Ÿ™‚ hindi lang additional pogi points yan, for sure meron kang limited edition badge from Him eventually for being a good guy this year:) (parang starbucks ba, me limited edition ng 2008 planner when you get all 24 stickies๐Ÿ™‚ hehhehe )

    Yung sa yo, you didn’t need to drink coffee or gumastos ng 100++ per cup of coffee, it’s your generosity and the thought that really count๐Ÿ™‚

    Cheers, bro! Merry Christmas and a Prosperous 2008 to you and your family:

    PS. Hmmm….di ko pa rin nakikita ano yun sinasabi mo why my entry My Grown up Christmas Wish List caught your attention๐Ÿ™‚ hehhehe sorry slow lang ako ngayon hehehhehe

    — Maybe you need to have a speaker or a sound blaster to know๐Ÿ™‚ salamat po sa pagdaan

  18. ganyan talaga ang mga lalaki pag nagsa-shopping. hindi marunonggggg! kung ano ang mahawakan yun na ang babayaran. ni hindi marunong tumawad. wahaha! kaya malaki ang kaibahan ng mga lulurki sa mga belats. sa susunod isama mo ko sa pagsa-shopping mo. pramis..hindi ako magtuturo. lols.

    — Alam ko. mas marami kang pera kesa sa akin eh. mamaru, pwedeng ako ang magtuturo? ๐Ÿ˜†

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s