Boksing!

Mahilig akong manood ng boksing, kahit hindi si Pacquiao ang lumalaban basta alam kong match ang bugbugan, pasok ako diyan. Last sunday nung laban mi Hatton at Mayweather, kahit puyat pa ako sa trabaho, pumunta pa rin ako sa Megamall para panoorin ng live ang laban. Hindi ako sosyal, Wala rin akong galit sa pera, kaya ko pinanonood ng live yung laban dahil gustong kong matulog ng maaga-aga. Pagka kasi sa telebisyon mo pinanood laban,libre nga pero aabutin ka ng pasko bago ka makatulog sa dami ng komersyal.

Nung nakaraang linggo, 9:00 AM, kahit mga sales clerk pa lang ng Megamall ang pinapapasok, kumpyansa ako dumeretso sa pinto. Tinanong ako ng guwardiyang mukhang bulldog kung saan daw ako pupunta. Sabi ko “Nood ng boksing” sabay turo sa direksyon ng sinehan. Tinitigan niya ako, Para akong hinuhubaran ng kanyang mga tingin. ‘Di ko na hinintay na umabot ba sa hinlalaki ko sa paa ang tingin niya. Tinanong ko na siya:

Ice: Bakit? ‘di ba may boksing ngayon?
Bulldog: Alas Otso ang umpisa, Bakit ngayon ka lang?
Ice: Bakit bawal bang pumasok ng nag-umpisa na ang palabas?
Bulldog: Hindi naman ser. asan ho ang ticket ninyo?
Ice: Hindi ba may nagtitinda ng ticket sa taas?
Bulldog: Bibili pa lang kayo?
Ice: Bakit bawal ba? teka…teka nga muna? bakit ba ang dami mong tanong?
Bulldog: Ginagawa ko lang trabaho ko ser?
Ice: Ano ka ba dito? Guwardiya o Guidance counselor? Bakit mukha ba akong holdaper?
Bulldog: Hindi ho ser (tapos dinugtungan ng pabulong na) mukha lang kayong walang pambili ng ticket.

Anak ng bibeng duling. Ang laking insulto yon sa pagkatao ko. Tatanggapin kong tawagin niya akong mukhang holdaper, kasi alam kong walang katotohanan yon. Pero ang sabihin niya wala akong pera, tangena naman! Hindi yun kayang tanggapin ng pride ko. Ika nga ng mga Kano; “You don’t have to rub it in” Masakit ang totoo eh.

Bago pa ako tuluyang mapundi, dumeretso na ako sa loob. Bumili ng ticket at pumasok sa sinehan. nagulat ako sa palabas. paksyet… CARTOONS!!!! Nilapitan ko yung babaeng nag-aasist sa loob ng sine, tinanong ko kung tama ba ang sineng pinasukan ko. Sabi niya “Tama po, Mayweather at Hatton po ang palabas” sumagot ako, “Pasensya ka na ha? di ko alam kung dala lang ito ng antok ko, pero bakit mukhang sina Wiley Coyote at si Road Runner ang nakikita kong naglalaban” Tumawa siya, Wala pa daw feed. boksing daw ang ipapalabas talaga. para lang daw hindi maiinip ang mga tao. Nakahinga ako ng maluwag, Akala ko Road Runner na ang tingin ko kay Mayweather.

Umupo ako malapit sa isang matanda na mukhang mahilig mamikon (My kind of guy, nyahahaha). Ang lakas makasigaw ni lolo, “Hoy mga hudiyo. akala ko alas otso ito magsisimula? bakit cartoons ang pinapalabas ninyo?  hindi yan ang binayaran ko. Boksing na!!!”. Napangiti ako. Mukhang narinig siya ng Operator, biglang nawala yung palabas na cartoons. tapos lumabas yung station ID ng ABS-CBN, Sa background may naririnig kang sound, Parang dalawang taong nag susuntukan. naririnig mo yung gloves na tumatama. Boksing!! kaso walang nakikita sa screen. Sumigaw na ulit si lolo. “Hoy mga animal!! Nag-umpisa na, asan ang picture? #@%&@$#*^%$#!!!!!!”  Yung background ng boksing lalong lumalakas, Para kang nakikinig ng radio, Puro sound lang. Mabuti pa nga yung drama sa radio, at least alam mo ang nangyayari kasi sasabihin ng bida ang kanyang ginagawa, Parang ganito

Bida: Susuntukin kita sa mukha, Eto ang sa’yo, huh naka-ilag ang hayop
Kontrabida: Hahaha, Nakaiwas ako, ako naman ngayon ang susuntok, eto ang sa’yo,
Bida: Tinamaan ako sa mukha. hidi ako naka-ilag.
Kontrabida: Hindi ka nga naka-ilag!

Sa sineng puro sound, walang ganoon, hindi mo alam kung sino ang tinamaan at kung saan tinamaan. makakafrustrate. Yung lolong katabi ko. pikon na pikon na. Bigla itong tumayo, tumingin sa projection booth sabay sigaw ng “Hoy animal ka, Ibalik mo na lang ulit sa cartoons kung yun ang gusto mo! wag mo lang pahirapan ang kalooban ko ng ganito” Nyahaha. kung sa bahay ako nanood, walang dramang ganito.

9 thoughts on “Boksing!

  1. hahaha.. idagdag mo pa sa voice drama yung “sasaksakin kita sa tagiliran mo ng kutsilyo na hawak ng kanang kamay ko habang sakal kita sa leeg ng kaliwang kamay ko!”

    hehehe.. ang kulet!

  2. Haha, bad trip. naalala ko tuloy noong nanood ako dito sa brickstone. Nagsisigawan at nagmumura yung mga tao dahil sa daming bulilyaso ng rolyong gamit nung sinehan, parang napuno yung sinehan ng mga kamaganak ng katabi mong lolo. Ayoko ng bumalik dun.

    Sinabi mo talaga yun sa gwardiya? Mabait ako sa mga gwardya eh. Maasahan yung mga yun sa school. Dalawang sem na akong walang id, wala silang pakialam.

  3. may libreng lolo show pa pala.. wahahaha..may cartoons pa.

    baka naman si lolo ay isang panaginip mo habang natutulog sa sinehan at di mo namalayan na nag-uumpisa na pala ang boksing – ni lolo at nung mamang operator sa taas.

  4. wahaha..siguro andaming comments ni lolo sa laban no? at buti na lang hindi gaanong napikon si lolo sa operator, baka sila pa ang napanood mong magboksing.

  5. super lolo yan! hehe! di ko pa nasubukan manood ng boksing sa sinehan eh pero malamang manood ako sa laban ni Pacquiao at Marquez sa March.

    sana naman wag cartoons abutan ko.

  6. hi yelo..i was just blog hoppin’ here from witchyboop’s.

    nice viewing experience, huh..we did watch too, sa bahay nga lang kami. Medyo nainis ako kay Hatton. (wink)

    anyway, u have nice page here. Seems u love music. You can visit my musicblog. The link is in my site. See you there.Thanks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s