Horror Bus

“pre malapit na kasal ko. wag mo akong dramahan ng ‘i won’t miss it for d world’ kung wala ka namang balak pumunta. haha. wag ka ding magrerequest ng stag party, kung meron man, e bring ur own. saka pag nagregalo ka, ibalot mo din tulad ng sa christmas program nyo

Ito ang simpleng message ni badoodles na kunyari ay comment. Sabi ko naman ulit ‘i won’t miss it for d world’. Kaya kahit halos hindi pwedeng umuwi, pinilit ko talagang umuwi. Honestly, hindi ako nahihiya kay badoodles, sa dami ng katarantaduhang pinagdaanan namin niyan, nawala na ang hiya ko sa kanya. Nahihiya ako sa bebe niya na naging kaklase at prend nung college. Kaya nagkumahog akong umuwi. Napilitan tuloy akong magsakit-sakitan nanaman para sa D-Day nila.  Tawag sa offis at sinabing may sakit ako. Nagtext si Manager, “Okay, basta dalhan mo’ko ng pasalubong na Medical certificate pagbalik mo ha?”. Ayos na! ‘di lang ako sigurado kung san pwedeng bumili ng medical certificate pagbalik ko.

Alas Siyete ng gabi ng makarating ako sa terminal. Wala masyadong tao kaya okay lang. pagkasakay ko ng bus, binuksan ko ang bag ko para kunin ang aking mp3 player. Isinasalaksak ko na ang mga earbuds ng player nang mapansin kong parang may mali sa bag ko. Paksyet…Nakalimutan ko ang aking jacket. Takbo ako sa konduktor ng bus, Tinanong ko kung malamig ba ang aircon dito kasi wala akong jacket, Sumagot siya, “Hindi, parang hindi nga airconditioned bus to eh” ayos, bulong ko sa sarili, At least okay lang.

Palabas na ang bus sa NLEX nung medyo nakakaramdam ako ng ginaw. Parang nagkakaroon ng moist ang mga bintana. Masamang senyales. Pagkarating namin sa Nueva Ecija parang umuusok na ang bibig ko tuwing humihinga ako. Tangena, Tama yung hinayupak na konduktor, Hindi nga airconditioned bus ang nasakyan ko, Walk-in freezer ang hayop! Di nako mapakali. Naisip ko, siguro kung maitutulog ko hindi ko masyadong mararamdaman and ginaw. Mahirap makatulog pero unti-unti din ako napapaidlip. Okay na sana ang lahat nang biglang may kumalabit sa siko ko, yung matandang asa kabilang upuan, tinatanong niya ako “Iho, malapit na ba tayo sa Santiago?  Huwaaaa!!! Sabi ko “Nay, asa Nueva Ecija pa lang po tayo. Sa kabilang panig ng mundo pa po ang Santiago.

Pagkarating namin ng Aritao, Nueva Vizcaya, bumaba ako para kumain, Sa pagkakataong yun ko lang nalaman ang kahalagahan ng stopover. Nakita kong may ibinebenta silang kumot. Light brown ang kulay. Kahit duda ako sa kulay nung kumot, binili ko na din. Pagbalik ko sa bus, binuklat ko yung kumot, tinabihan ako nung isang lalake sabay sabi ng, “Bro pwedeng pa-share ng kumot, mukhang malaki naman”. Anaknang… Malaki!!! Isang dipa kwadrado lang yung kumot, malaki??  Naisip ko na lang “Siguro pag frozen na ang kalahati ng utak mo, lahat ng bagay malaki”  Pagkaupo namin, sabi ng kumag “Ang lambot nitong kumot pre, sarap haplusin saka cute ng kulay, Light Brown” Sabi ko, “Puti dati yan!”, nagbabakasakaling mandiri ang hinayupak, walang reaksyon. pagminamalas ka nga naman.

Pagdating namin ng santiago, laking pasasalamat ko nang bumaba yung lalake. At least solo ko na finally yung kumot. Pero kahit mag-isa na ako, di pa rin maawat ang lamig ng bus. Pinatong ko ang paa ko sa upuan, niyakap ko ang aking back pack sabay namaluktot sa upuan, sabay takip ng kumot. Medyo maganda ang resulta. nakaramdam ako ng konting init. Ang sarap na ng tulog ko ng biglang pumreno ang bus. Napansin ko na lamang na asa sahig na ako ng bus. Bumagok ang siko kong nadislocate dati sa kaharap na upuan. Napaluha ako sa sakit. Sumigaw yung driver “Ano yung bumagsak?” Sumagot ako. “Yung pack pack ko!”Pagdating namin ng Tuguegarao, bumaba akong hawak-hawak ang siko ko. Tinanong nung konduktor, “Ano yan rayuma!” Sumagot ako “‘lul, rayuma? sa siko. rayuma? Bumagsak ako kanina” Natawa siya, “Akala ko ba, back pack yung bumagsak?” Oo nga, back pack nga! bumagsak, kasama ako! Pasakay na ako ng tricycle nung humabol yung konduktor, hawak niya yung kumot. naiwan ko sa loob, nagpasalamat ako sabay bulong ng, “pre’ dapat siguro, ipabless nyo na yang bus nyo. nuknukan ng malas eh” tumawa lang ang hinayupak.

—————— P.S.

Dear Badoodles,

Reregaluhan sana kita ng pridyider kaso lang mahirap balutin yon. Masyadong malaki. Yaman din lang ng gusto mo ng may balot, reregaluhan na lang kita ng baso bukas (yun, kaya kong balutin).

Ice 

10 thoughts on “Horror Bus

  1. uyyy! bukas na nga ang kasal ni pareng badoods at mareng bebe! MABUHAY ang BAGONG KASAL!

    wawa ka naman… at namaluktot ka sa lamig. sana isinama mo ko para may human blanket ka.😀 di ka kasi nagpasabi. ako rin mahina sa lamig. tumitigas agad ang ut*ng ko. bwahahaa!

    — Naisip ko nga yun eh, kaso asa byahe nako nang maala kita.🙂 Talaga? Bakit ba kasi yung mga parte ng katawan na nagsisimula sa UT ay madaling tumigas, noh?😆

  2. ang lakas naman ng loob ng nakihati sa kumot mo. lahat naman ng bus pauwi sa atin malamig ah. ilang beses na rin ako nakalimot magdala ng jacket.victory ba yung nasakyan mo? Asa Tuguegarao pala kayo ni Badoodles, mag-ge-gatecrash sana ako kaya lang andito ako sa roxas.

    — Oo nga, bagsik ng mukha sa kapal, hehehe. Yep, home swit home. Napauwi ng di oras. Okay lang masarap umuwi. hehe

  3. Uy nasa kasalan ka pala ngayon nila badoodles, ikain mo na lang kami dun sa reception!🙂
    Huwag mo nang kalimutang magdala ng jacket pauwi, o kung wala ka ulit dala siguraduhin mo lang na magandang tsik ang katabi mo sa bus. Share a hug!🙂

  4. wow nsa wedding of the century ka pala ahehe. dami mo pinagdaanan bago makarating sa destinasyon mo so dapat lang kumain ka madami sa kasal haha tsaka magpost ka ng picz ng kasal!😛

  5. uy kawawa ka naman pala. ako nangyari din yan.. dun sa papuntang bikol sa may bituka ng manok.. muntik na akong mahulog kasi naman paliko liko yung takbo ng bus, buti na lang hinawakan ako nung kasama ko, weeee… hope ur okay, at least nakasali ka sa wedding of the blogging century, hehe

  6. Hahahaha…. prenz nga tayo kasi may pinag manahan ka. Nahulog din ako sa upuan ng bus nun lang November. Sa sobrang pagpa pa cute kay Badoodles ayun ang lola mo nag tumbling sa sahig. 2 weeks din yata na ayaw mawala nung pasa ko nuon. Hahahaha.

    — hahaha. prenz nga tayo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s