mantsa!

Baba ng tricycle, takbo… pagdating sa may overpass, ikot sa may hagdan. Kung bakit naman kasi sinira ng mga taga MMDA yung kanang hagdanan. Dati naman maayos ang daloy ng tao sa overpass na yun. Hindi katulad ngayon na halo-halo ang amoy dahil siksikan ang taong paakyat panaog sa iisang hagdan. Minsan tuloy naiisip ko na parang sinasadya lang ng mga taga MMDA na sirain yung mga inprastraktura na maayos para may mapaglibangan sila. Pagdating sa taas ng overpass. anak ng bibeng duling… siksikan pa rin sa dami ng nagtitinda. habang papalapit na papalapit ang kapaskuhan parang kabuteng nagsulputan ang mga nagtitinda ng kung ano ano. halos walang madaanan ang mga tao. ako naman parang nagtitinikling sa mga panindang nakakalat.
Asa kalagitnaan na ako ng mahabaging overpass nang biglang may nagdatingang pulis. Medyo gumilid ako ng konti, alam kong habulan na ang kasunod nito. Ang mahuli, taya. pero ohmaygad, I was wrong. Tiningnan lang sila ng mga tindera, sabay tanong sa mga lalaking nagkumpulang parang bulbol sa isang banda, “asan si omar? tawagin mo, sabihin mo andito na ang mga kubrador”. sigaw nito. kubrador? parang hueteng lang ah. feeling ko masaya ang kasunod na mga mangyayari kaya minarapat kong magstay por a wayl. Dumating yung Omar, nilapitan yung mga unipormadong pulis sa gilid, nagngitian, kamayay, bulungan. hinihintay ko kung may beso-besong kasunod, wala. maya-maya ay lumapit si omar sa isang babaeng tindera na may kalong kalong na bata. “O ikaw na lang ang di nagbibigay ng parte mo” bungad numg Omar, sumagot yung babae na wala daw siyang pera. “magbigay ka na kasi para makapagtinda na tayo ng maayos” sagot ulit nung Omar. tangena, kung ang binebenta mo lang ay mga gamit na sapatos at may pinapakain kang pamilya, isa lang ang isasagot mo dun sa Omar. “Wala akong pera”.
Lahat gustong kumita ngayong kapaskuhan, sadly, pati mga pulis kasali.  Hindi ko matake yung eksena, bumaba na ako.
nakasakay nako sa bus, di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung tindera. mali yung ginawa nilang pagtitinda ng wala sa lugar pero gusto lang nilang kumita kahit papaano. Biglang huminto ang bus, may sumakay, naknang…pulis nanaman. At sa kasamaang palad, tumabi pa sa akin ang hinayupak. Lumapit ang kunduktor para maningil ng pamasahe, Hindi tuminag ang gago, ni hindi man lang nagkunwaring bubunot ng pera ang walanghiya. Hindi nagbayad. Nasa kasarapan na ng biyahe nung bigla akong naramdaman na may sikong nagpapapansin sa taligiliran ko, tumingin ako sa katabi kong pulis, nakangiti ito sabay nguso sa babaeng naka mini skirt sa kabilang upuan, Ngiting aso ang hinayupak na pulis, bumulong ng “ang sarap niyan parekoy” sabay punas sa nguso. Gusto kong sumigaw ng “Manyakis!!!!”
Nakakalungkot isipin na may mga pulis na mas malakas ang loob gumawa ng kalokohan pag naka uniporme. Nakakawalang respeto. may mga kakilala akong pulis na ang tingin sa kanilang uniporme ay sagrado. Meron namang mga walanghiya talaga. walang galang sa sariling uniporme. nakakadiri, Madumi. 
Pagdating sa may Farmers Market, huminto ang bus, tumayo yung pulis sa upuan para bumaba, tumayo na din ako, habang sinusundan kong pababa yung pulis, hindi ko napigil, pinagpag ko yung bandang likuran ng uniporme niya, tinanong niya ako kung bakit; sumagot ako.
Ice: Ser, uniporme nyo, may dumi
Pulis: Sige nga parekoy, paki pagpag nga ng konti
Ice: Pinagpag ko na ser, ayaw matangal, mantsa.
Pulis: Tangina, di bale, thank you
Sa isip-isip ko, “tangina nga ser, tangina nga!”
————————————– P.S.—————————————
with that said, isn’t it nice if this happens once in a while?
Pulis

10 thoughts on “mantsa!

  1. Nakakalungkot isipin na may mga ganyan pa ding mga pulis sa atin na dapat sila ang maging mabuting halimbawa sa lipunan pero sila pa mismo ang nangunguna sa kolokohan… Ang manyak naman ng pulis na yun! hmp!

    —Tama ka miss misyel, manyakis nga.😆

  2. hay ano ba yan, meri krismas talaga no. kaya naman walang respeto na ang mga tao sa kanila e. gamit lang nila uniporme nila para ipakitang mga hinayupak sila. ito namang si kengkoy ko, pag andyan kami sa pinas, sempre kapag tumatawid kami, kami ang number one na pinapauna ng mga trapik pulis, kasi naman itong asawa ko, pati sila binibigyan ng tip, wahahahaha.

    — hehe. dapat pala ganoon, konting padulas. Kaso poor lang ako kaya minsan talaga inaabutan ng malas sa mga pulis. 😆

  3. hay naku…nakakawalang respeto naman yan, buti pa dito sa probinsya matino tino pa ang mga pulis dito. B-lated happy b-day pala, di mo naman sinabi nung pumunta ka dito na birthday mo pala loko ka

    — Nyahaha. di na dapat sinasabi yon merls. dapat dun, naaalala😆

  4. haha! kapag nagagawi ka talagta sa edsa hindi maiwasang hindi ka mapamura…nagkalat kasi mga tarantado sa daan..grabe naman yung manyak na pulis na yun masyadong vocal sa libog nya…kala naman nya nakakapogi yun.

  5. Ha ha ha nakalimutan ko nga, tsaka ko nalang naalala nung gabi na. Kaya pala iba yung ngiti mo nun. Hapy new dear este hapy new year. kala ko dimo alam na ako 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s