Castañas atbp.

Napagkasunduang mag-inuman. walang problema, okay lang sa akin. Ang problema lang naman eh yung pagiging mahina ko sa inuman. tatlong bote ng red horse at siguradong tahimik na ako at ngingiti-ngiti na lang pag kinakausap. 

Maagang dumating ang mga hinayupak. dinatnan ko sila sa bahay nina Annie na nakaupo sa sofa na parang binayaran nila yung renta ng appartment buong taon. mga walanghiya. Hindi ko maisip kung bakit nung napagkasunduang magsimba ng maaga nung pasko, communion na ang inabutan namin dahil sa kung ano-anong dahilan, ngayong inuman ang pinag-usapan, 1 hour before time dumating sila sa lugar.

Pagkaupo ko, binulungan ako ni paul “Ice, pabili ka na ng pulutan” Anak ng bibeng duling, “bakit ako?” tanong ko. kala ko ba ambag-ambag. medyo kinapos daw ang budget. tangena. “wag ka mag-alala, dalawang beses kang pwedeng mamulutan sa bawat lagok mo ng beer” nakangiting dagdag ni Doris. langya, pag minamalas ka nga naman.

Pumasok si Annie sa sala na mag dala-dalang bowl. “kain muna kayo ng castañas, ako nagluto niyan” bungad ni annie sabay lapag ng bowl sa mesa, sabay smile. hindi pa totally nakababa yung bowl sa mesa, ang kamay ni paul nasa castañas na. Kinagat, hinati, nguya pag katapos ay dinura sa palad. “Annie castañas ba talaga to? bakit ganun ang lasa? di ko maintindihan” angal ni Paul. 

Annie: Bakit ano ba ang lasa?

Paul: Masama

Annie: Eh ano ba dapat ang lasa niyan?

Paul: Masarap! teka bakit may sabaw to? at bakit amoy sampalok?

Annie: Natural kasi sinigang ko yan. yun ang sabi nung tindera, isigang daw. 

Paul: Tanga, iginigisa lang yan sa mantika!

Tangena. Di pa ako nakakatikim ng sinigang na castanas, ayokong makatikim, ni ayokong isipin. Napatingin ako kay annie, nangingilid ang luha sa mata, namumula ang mukha. Masamang pangitain to. Dumating sina Dae may dala dalang tilapia. Iniaabot ka kay Annie sabay sabi ng “O eto na, lutuin mo na”. “Lutuin nyo na, tutal kayo naman ang magagaling magluto di ba?” ika nito sabay takbo sa kwarto. Nagkatinginan kaming lahat. Inabot ko kay Paul yung tilapia, “Ikaw na bahala diyan, kaw naman ang dahilan kung bakit nag walk-out yung cook” nakangiti kong sabi. Napilitan itong tumungo sa kusina. Maya maya lang ay narinig ko siyang sumigaw. sabay tawag sa pangalan ko.

Paul: Ice, tangena, buhay pa tong isda.

Ice: Eh di patayin mo

Paul: Paano?

Ice: Dukutin mo yung hasang

Pual: tangena, gumagalaw, di ko kayang dukutin yung hasang. wala na bang ibang paraan para patayin to?

Ice: Lunurin mo na lang?

Paul? Lunurin? paano?

Ice: Ilublob mo sa tubig.

Paul: Tangena, isda to, hindi to mamamatay sa lunod,

Ice: Anong kulay ng mata ng isda, mapula ba?

Paul: Hindi, puti!

Ice: Tama ang hinala ko, malulunod yan, hindi yan marungong lumagoy.

Paul: Pakyu! tatagain ko na lang.

Bumaba si Dae galing sa kwarto ni Annie, umupo sa tabi ko sabay bulong ng, “umiiyak si Annie, hindi lang daw natin naappreciate yung effort niya”. Naisip ko, kung mauubos yung hinayupak na sinabawang castanas, magiging okay ang lahat. kaya naman kahit masuka suka na ako sa lasa, pinilit kong lunukin.  Tatlong piraso na lang siguro ang natitira sa bowl nung bumaba sa annie. Tinanong kung sinong umubos ng castanas, Itinaas ko ang kamay ko, pakiramdam ko pag nagsalita ako, ibubuga ko lahat ng castanas na nakain ko. Tumingin si Annie sa akin sabay sabi ng ‘bakit naman hindi mo na ipinagtira yung ibang hindi pa dumarating?” sabay talikod ulit nito papunta sa kusina. Naiwan akong nakatanga.

Tangena, ang hirap magpasaya ng kaibigan.

25 thoughts on “Castañas atbp.

  1. kinabagan ako dito ah… pero nawindang ako ky annie.. kc ang kulit nya pulis pangkalawakan lng xa.. hindi kusinera.. pero mas kawaawa pla ang lgay mo napapligiran ka ng mga taong my saltik.. hehehe..happy new year.. pagtyagaan mo na lng ung cnigang na castana’s mgandang irecipe ata yan ah…

  2. wahehe, pasenxa na at tinawanan kita, di ko mapigil eh.
    pero hmmnn, inubos ang sinigang na kastanyas para di magdamdam c annie..
    hmmnnn i smell samting fishy😀 cguro yung tilapiang puti ang mata😛
    nyahaha

  3. kung lumabas sana sa ilong mo yung castañas, eh baka napangiti mo pa si Annie.😀

    huhulaan ko, may natira pang tilapia para sa ibang darating pa anu?😉

  4. sabi ko na nga ba you’re one heck of a good friend eh. mantakin mong halos maubos mo yung castañas. hehe. pwede bang friends din tayo?

    mahirap nga magpasaya ng kaibigan. pero ibang klaseng saya rin ang naibibigay ng kaibigan di ba?

    ako, isang boteng red horse lang lungangi na. bagsak lagi ang beauty ko sa redhorse. pero sa san mig light, kahit ata 7 kaya ko. hehe. (minsan lang yun)

  5. ahehhee..ang kulit ni annie ah…sarap sabunutan,,ahahhaha….ayush din mga frends mo….parang isang sakong shabu ang ininum na hinalo sa juice..ahhee….pero atleast nag SACRIFICE kA>..na touch yun si annie sa ginawa mo..akalain mo ang indi makain, kinain mo…pang guiness.

  6. bohehe,..ampopo.. hangbaet mong kaibigan. idol. pero, mejo sumobra ata.. bohehe. di mo tinirahan.. nga naman..

    kamusta naman ung isda? nalunod ba? wohehe..

    hapi 3 kings!

  7. Siguro hindi naintindihan ni annie yung sinabi ng tindera, kaya nagawa niyang sinigang.. hehe!😀 Sana naman ay naging maayos ang inuman niyo kahit na medyo disaster yung umpisa.😀

  8. haha! ngyon lang ako nakarinig ng sinigang na castanyas..potek parang sumali ka sa fear factor habang kinakain mo yan.

    bakit ganun mga kaibigan mo? hindi pa nakakainom ng alak pero parang lasing na kung magsalita.

  9. hahahahahaha, naaliw naman ako dun. ganon talaga ang buhay hindi mo kaya please lahat ng tao, peo ha bilb ako sau sinigang na castanas… hehehehehe

  10. di mo na kailangang isigang ang castañas para umasim…. ibilad mo lang sa bubong ng mga isang linggo aasim na yan. pag kukunin mo na, may libre pang kagat (oha! Quality control) at may libre pang espasol na matigas courtesy of miyaw-miyaw

  11. WAHAHAHA. Paborito pa naman ng tatay ko ang castañas kaya madalas may ganyan sa bahay. Hindi ko maisip ang lasa pag sinigang. Ang bait mong kaibigan!

  12. OMG!!!! Ang sarap ng barkadahan nyo ah, sarap jumuyn… (hekhekhek…syensya na..talagang joiners lang ako in nature..)

  13. ambait mo na kaibigan, ice. pagpapalain ka ni lord — pwera lang sa mga napipili mong kaibigan. hehehe… sinigang na castanas ba kamo? asteeg. pero buti na rin at kayo na ang tumira dun sa tilapia… baka kasi sahugan ng inihaw na ampalaya at budburan ng maskobadong asukal🙂 (joke lang po, friend ni ice)

  14. Naloka naman ako sa post mo, ang bait mong kaibigan mantakin mong sinigang na castañas halos maubos mo wehehe!!! Pwede ba kitang maging friend din? Pagluluto kita ng adobong tilapia pero ikaw papatay nung isda😀

  15. ahaha! kakatuwa naman ang tropa nyo. yan ang tinatawag na pagkakaibigan! sala sa beer, sala sa pulutan. hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s