Back to Basic

I resigned from may last Job. Wahoooo!!!! I will start working with a new company next monday. Wahooo ulet. Ang sarap magbakasyon, kaso lang napabayaan ko ang mahal kong blog ng ilang dekada. Kaya after the longgggggg hibernation. start na ulet.

Hindi ko lam kung paano magsimula. nakalimutan ko na yata magsulat. Ito ang masamang dulot ng bakasyon, inaagiw lahat pati utak. naalala ko tuloy yung kwento ng pinsan ko dati. kasi daw nakalimutan nung BF ng bestfriend niya yung bestfriend (yung gf ng bf..Malabo ba? yaan mo na.) niya after ng mahabang bakasyon. Nak ng bibeng duling, hindi yun dahil sa bakasyon. malamang dahil yun sa monay na iba ang timpla. pag nakalimutan ka ng BF mo, ibig sabihin nun malapit na matapos ang show. Okay?!!!  Kasi kung iisipin mo ng mabuti, Para mo na ring sinabing tinanggihan ng askal yung hopyang tinapon mo sa kanya, di ba? unless nakatikim ang hinayupak na askal ng Alpo.

Ang hirap mag-isip pag ganito. parang kang lasing na hindi mo maintindihan. Alam mo ang ginagawa mo pero di ka makapag-isip ng matino. Ilang oras kang nakatitig sa monitor pero. Ang mga kasambahay mo nakatingin na sayo, nagaalala na. Siguro naiisip nila nasisiraan ka na ng bait, nakatitig sa blankong screen na parang nagbabasa pero walang nakasulat. Mapagbibintangan ka pang sira-ulo ng di oras. Parang yung lalakeng may problema sa pag-iisip sa probinsya dati. Walang direksyon ang lakad, walang tino and ginagawa. Minsan nabuhusan yun ng beer dahil bumangga sa mesa ng Ihaw-ihaw, basang basa ang pobre. Sa kamalas malasan hinuli siya nung baguhang pulis sa pag-aakalang lasing lang hinayupak dahil hindi deretso ang lakad at sa pagaakalang nagwala ito sa ihaw ihaw at amoy alak. Kinulong hanggang mawala daw ang kalasingan. dalawang araw ang pobre sa kulungan, tinatanong na nung pulis kung ano ang ininom niya kasi dalawang araw na hindi pa rin sober ang hinayupak. Saka lang siya pinalabas nung nalaman niyang baliw yung ikinulong. Bobo.

Tangena, wala talaga akong maiisip isulat. Kailangan yata ng utak ko ang isang matinding overhaul. Maraming Ideya ang naglalaro sa utak pero walang lumalabas. Parang yung gulong ng tricycle ni Maryong Pururut na kapitbahay namin nung maliit pa ako. Tatlong gabi ko din pinagtangkaang pasingawin ang hangin sa pito ng hinayupak na tricycle. Ang Dahilan? Dahil sa pagpapahabol niya sa amin sa aso niyang galing sa impyerno pa ang breed kasi nalaman niyang kami pala ang umuubos sa bunga ng tanim niyang makopa.  Muntik makagat si Kokoy.  Tatlong gabi ko pinagpuyatan ang maghintay na makatulog sila para matanggalan ko ng hangin ang gulong ng demonyong tricycle. Pero tatlong gabi ko nang pinag-aaralan ayaw talagang sumingaw. frustrated talaga ako. Puno ng hangin pero ayaw sumingaw. Sa ikaapat na gabi, di ko na pinagaksayahang paglaruan pa ang pito ng gulong. Tinusok ko na ng kutsilyo. Mas madali.

Ang ganda ng komparison pero ayaw kong gawin yun sa utak ko, hayaan ko na lang ang ideya sa loob lalabas din yan sa tamang panahon. Ayokong madaliin.

Wala talaga akong maiisip isulat. Di bale, bukas susubukan ko ulit.

15 thoughts on “Back to Basic

  1. sarap mo rin pagkukurutin sa singit! kung hindi ka pa kalampagin eh hindi ka pa mag a-update! kitams! pati yata yung isip mo eh inagiw. habang binabasa ko entry mo parang gusto ko maghanap ng bonamine. nways, welcome back pareng ice.

  2. ui.. same here.. hahaha.. new work.. new environment.. new officemates.. new boss.. sarap ng feeling! at napabayaan ko din ang blog ko.. hahaha.. pero now, start na ulet.. naku, ginaya ko na lahat ng sinabi mo..😀

  3. ano nga ulit yung entry mo? lols. nakakaloka. wala ka nga talagang maisip. di mo nga naisip ung kapitbahay nyo.. bohaha. ayan new work.,. gudlak..baka sakaling jan manggaling ang mga future entries mo.. yung mga makikilala mong mga tao sa bagong papasukan mo..

    hayaan mo lang yan,, lalabas din yan.. pag ayaw lumabas, gamitan mo ng pam purga.. bwahaha,,

  4. walang naisulat ha? eh ang taas kaya ng sinulat mo! hi ice! astig naman ng kanta mo dude! oi, ako rin, ang tagal ko na rin di nagblo-blog. nabuntis kasi ako eh. nabuntis ng asawa ko. medyo maselan ngayon kaya bed rest ang sabi ng doctor. ‘lam mo, may tama ka! sa tagal ng hibernation ko, parang di ko na din alam ang mag sulat. pero anyway, welcome back. sulat ka lang ng sulat. nakakatuwa kasi. pinapatawa mo ‘ko. congrats din sa bagong job mo. sana naman, yumaman ka pa ‘jan.

  5. ngee… NAMISS KA NI BRUHANG WITCHY!!!! MALIGAYANG BATI… EHEKK…PAGBABALIK PALA. AKO DIN BAKASYUN MUNA. DALAW DALAW LANG SA MGA FAVE BLOGS ANG DRAMA. SARAP KAYA DITO DI KASI HEAVY PERO ASTIG. TEKA, SALI KA KAYA SA pbb NG ABS? mE TALENT KA TSONG…. TRY MO DUN, SISIKAT KANG LALO.

  6. umabsent ka rin pala sa blog world.ako nga tuluyan ng nag AWOL at nadismiss he..he.. kaya gawa na lang uli me ng bagog blog.paki-update na lang po ung link ty.

    btw,baka haan na kon nga maremember siak ni cdy173 ti dati nga einnocistic🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s