Bagsakan na!

Medyo maganda ang gising ko kanina. Bumangon ako mag-aalas singko na ng madaling araw. Himalang hindi ako inaantok. Nag-almusal, naligo, nagsepilyo, nagbihis at lumayas ng bahay na hindi nadidisgrasya. Ayos, so far so good.

Pagsakay ko sa bus, medyo nagsimulang umasim ang tono ng araw. Masuwerte lang at madali akong nakasampa. At least nakaupo pa ako. apat na tao na ang nakatayo sa isles ng bus. Panay pa ang sigaw ng kundoktor ng “Sakay lang! maluwag yan. araw araw ginagamit yan!” naknampucha. Maluwag nga, wala namang maupuan. at isa pa hindi ko naintindihan yung part na araw-araw ginagamit😆 ano kaya yun. (Bwahahahaha).

Pagdating sa cubao, nagkakaamuyan ng ng kilikili yung mga nakatayo sa isle ng bus. Siksikan, halo halo, mayroon nang tsumatsansing, mayroon ding natsatsansingan, at may may mga nagpapatsansing, Humm. sa dami ng tao hindi na maiwasang magkatulakan. along the way tatlong tao ang nabilang kong medyo minalas malas. Dito nagsimula yung trend ng bagsakan sa araw na ito.

  • Una, yung kunduktor ng bus, nalaglag sa pagkakakapit sa estribo nung umabante ang bus. (tatang tanga kasi eh)
  • pangalawa, Yung mamang nagtitinda ng sampaguita sa timog, bumagsak nang matisod sa sidewalk, yung paninda niyang sampaguita, nalaglag sa estero. (kawawa naman)
  • pangatlo. yung trafic enforcer ng MMDA, bumagsak sa motorsiklo nung nagmamadaling sumampa sa motor dahil gustong hulihin yung bus na dumaan sa crossing ilalim. 5:30 ng umaga, ang tawag sa huling ganoon ay hulidap. Kotong to the max. Gumewang yung motor, nalaglag yung mama. (Yehheeyy).

Pagdating to sa labas ng opisina, panay ang dasal kong huwag sanamng bumagsak yung elevator na sasakyan ko. sa 4oth floor ang training room namin, kung nagkataon na bumagsak yung elevator, hindi sapat yung taas na 4oth floor, Siguradong bago ko pa matapos yung dasal na our father ay paktay na ako. sa awa ng diyos nakarating naman ako sa training room ng maayos.

nagsimula ang qualifying exam ng alas nueve, natapos ng alas dose.  Pagka announce ng scores, dalawa daw sa klase ang bagsak. Nak ng bibeng duling, Bagsak na naman. before lunch. dalawang kasama sa training ang nawalan ng trabaho.

Hindi ko lubos maisip kung paano sila bumagsak gayong ipinagmamalaki pa ng isa sa kanila na naperfect niya yung isang unit ng hindi nagrereview. Tinanong ko kung anong items ba yung naperfect niya. ang sagot niya “yung sexual harrassment section”. Paksyet. Sa damin ng pwedeng maperfect, yun pang freebie questions ang naperfect ng hinayupak.

May mga katanungan na hindi ko mahanapan ng sagot.

  • Hindi ko alam kung bakit kahit may nalalalag na sa bus, mayroon pa ring mga gagong nananatsing.
  • May qualifying exam, yung may kaugnayan pa sa sex ang hindi makalimutan.
  • Likas ba talagang malibog ang mga lalake at nauuna pa ang sex minsan kesa sa ano pa man?

Paulit ko man tanungin ang mga bagay na yan, hindi ko kayang tanggapin na ganun nga. hindi naman ganoon. nagresearch ako sa internet, naghanap ng kasagutan sa aking mga tanong.  Kung paano gumagana ang utak ng lalake. Eto ang aking natuklasan.

Brain

23 thoughts on “Bagsakan na!

  1. Ganda ng flow ng thought a… kahit anong toic ang simulan… sa sex pa din talaga ang bagsak! hehehe (mukhang nasagot na ang tanong mo, ice)🙂

    — Nahalata mo yung train of thought, nyahaha.

  2. “Sakay lang! maluwag yan. araw araw ginagamit yan!” <<<<— since mga ilang taon na rin akong hindi nasasakyan at nagagamit, ibig ba sabihin nun masikip na? nyahaha!

    sabi dun sa nabasa ko sa magazine, hindi lang sampung beses kung mag isip ang lalaki ng may ugnay sa sex — ARAW-ARAW! lufet noh?

    — Maaring ganoon na nga mamaru. hehehehe

  3. i wonder..ang sa babae kaya? hehee wala kasi akong isip kaya di ko mavisualize. Happy Heart’s day iceyyy!!! Sana umandar ang utak mo at that time hehehe

    — Medyo umaayos na ang andar ng utak ko mommy witchy. bagong overhaul eh. hehehe

  4. ang galing ng entry na to! hehe! at nakakaaliw tingnan kung panu gumalaw ang utak ng mga lalake.. hahaha!

    — Anong galaw ang sinasabi mo? hehehe

  5. hehe ang likot….. kasi ata ng kundoktor kaya sya nalaglag.

    “…Likas ba talagang malibog ang mga lalake at nauuna pa ang sex minsan kesa sa ano pa man?..”

    *napatingin ulit dun nahanap mong kasagutan* 😉

    — oy, bata ka pa. wag masyong tingin ng tingin.

  6. Bihira lang kasi ang katulad kong malinis ang hangarin at pagiisip, yung mga tipo mo kasi sex lang talaga ang laman ng utak. Wahahahaha.

    —Asus… Nagsalita nyahahaha

  7. hey bro, greetings from nz. may napanood ako kelan lang na dvd, kaya daw mahilig sa sex ang mga lalaki ay dahil ang dugo daw sa utak ng isang lalaki ay bumababa pag nakakakita ng seksing bebot. at saan pa napupunta yung dugo mula ulo kundi sa kundi sa ‘ehem’ (alam mo na).

    add ng pala kita sa links ko ha.

    — Oo nga ano. hehehe. Sure, x link. 🙂

  8. sabi nga ni mamaru hindi lang sampung beses sa isang araw…lalo na kapag walang magawa at nakatunganga lang. hmmm pero mas madalas naman eh babaeng iniirog lang ang iniisip at walang halong sex…konti lang.

    — Sige na nga. 😆

  9. hmnn, napa isip tuloy ako, di kaya lalaki taalga ako! Lols😆 ganda ganda nman nyang utak na yan, sarap iulam sa lugaw este gawing screensaver !!! Lols😆

    — Ginawa mo pang sahog. hehehe

  10. I like this entry, nakaka aliw basahin na naiimagine ko ung mga scenes sa kwento mo. Yun nga lang sa sex bumaksak… oh well lalake ka nga wahahahahahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s