Naknang…

Kulang ako sa tulog palagi. sobrang daming ginagawa. walang time para mag wordpress kadalasan, wala ding sex (pohta…) ang tindi tuloy ng stress. Wala namang magawa kasi kailangang gawin ang kung anong responsibilidad na nakatoka sa’yo. Ang hinihingi ko lang sana ay konting konsiderasyon sa ilang mga bagay-bagay na nakakadagdag sa ikakasira ng araw mo. Hindi naman siguro masamang makiusap.

Ang Daming problema dito sa manila. Mga bagay na sana ay hindi na pinuproblema. Lumipat kami ng opis. Ganda ng building, hay tets ang pasilitis pero hindi ganoon kagaan ang trabaho at sobrang init paglabas ng building. Parang sinusunog ang bumbunan mo paglabas, mamamawis lahat pati jetlogs mo. paksyet. Pagdating sa kalsada ang hirap pumara ng sasakyan. Nasanay na kasi ang mga mamang drayber na paharurotin ang kanilang mga mean machine pagdating sa parteng yun ng commonwealth kasi dati rati ang mga pumapara lang sa mga sasakyan dun ay white lady.  Kahit hindi ka relihiyoso ang mapapadasal ka na sana ay may safety conscious driver na alalay kung magpatakbo para makahinto pag pinara mo o di naman kaya ay may pupugak-pugak na sasakyan na tumirik bago makalagpas sayo.

Pagkasakay mo (after 10 years) medyo maganda ang biyahe sa upmisa. mula commonwealth hanggang makarating ka sa LTO opis okay ang biyahe. Pero pagpasok mo ng EDSA umpisa nanaman ang “Aba ginoong marya”. Patayan ang trafic, mabuburat ka talaga, pero ang masahol ay kung natraffic ka sa tabi ng poste ng MRT, Nakooowww!!! Pagkalaki laking tarpauline ng mukha ni pareng Bayani ang babati sayo.  Kaayusan… Metro gwapito… etc. Ang kapal ng kumag. after nagdeclare na tatakbong presidente sa 2010 biglang nagsilabasan ang poster. Obvious na pamumulitika. Misan tuloy naiisip kong bumili ng kamatis bago ako pumasok para pag natraffic ako sa tabi ng poste ng MRT babatuhin ko ng kamatis yung poster pay at least may magawa akong productive. kaso lang mahal ang kamatis ngayon.

Pinipilit kong huwag matulog sa bus kasi hindi daw safe. sa dami ng pasaway sa mundo. kahit hindi safe, matutulog na lang ako.

11 thoughts on “Naknang…

  1. Eeerrr bz ka nga ‘antagal mong nag haitus!
    I’m glad to see you back here bro.
    I honestly miss your thought!
    Bakit hindi~ hay kaliber ka nga eh~
    That traffic thing? Never kong naexperience yan her in GENSAN.
    I love this place, tahimik at mura lang lahat pati libro me tag pa-five at ten pesos lang (used books) pero maganda pa rin. Kaya lang addict ako sa buks na me tatak ng National bukstur! Ewan ko ba~ me OCdisorder yata ako.
    Pasensya na… mahabang comment ng witch~ na-miss ka nga eh!

  2. hehe mejo mas madali sumakay jan sa inyo, 10 yrs. lang, usually, madidinig mo sa ibang lugar eh 48 yrs di ba? nkka save ka ng 38 yrs, evrytym! Lols😆

  3. oo nga, nakakadagdag ng init ng ulo yang mga tarpaulin ng mukha nya hahaha dala ka na lang ng libro or magazine para may mabasa ka habang trapik😉

  4. “wala ding sex (pohta…) ang tindi tuloy ng stress. ” — ewan ko pero parang nakaka-relate ako dito. lols.

  5. mahirap matulog habang nasa byahe, pag may mga bad guys dyan sa sasakyan, baka hindi na magising ang mga pasahero…mga bad guys pa naman ngayon mas malalakas ang loob gumawa ng kasalanan…hay naku…

  6. Ang dami nga pong problema rito sa Maynila.Hay. Di tulad sa probinsya na ang sarap tumira dun.haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s