hangman

Walang magawa sa bahay. Dinampot ko yung inaamag nang diyaryo sa ilalim ng lamesita. Pinagpag ang alikabok sa papel. sumandal sa sofa sabay tingin sa front page. Pohta…mukha ni Gloria. Umayos ng upo. Binuklat and diyaryo sa bandang gitna. Holdapan dito, patayan doon. tarages iba na talaga and past time ng mga tao ngayon. Nakakasulasok, nakakainis ang mga balita. Perepareho ang tema ng balita araw-araw iba-iba lang ang pangalan. kaya tuloy nakukuntento na lang ako sa inaamag kong diyaryo. kahit ilang siglo na ang nakalipas mula nung bilhin ko ito, okay pa rin. palitan mo lang ang pangalan ng mga pinatay at pumatay, ang nagnakaw at ninakawan. ang mga pulis na holdaper…eerrr.. ang mga pulis at mga holdaper pala, current events na ulit ang laman ng diyaryo ko. 
  
 Sa may kalagitnaan ng diyaryo, may balita tungkol sa panukalang ipatupad ulit ang Death Penalty dito sa Pinas. Ayos, kahit papaano may gud news sa diyaryo. dapat nang matagal ibinalik ang death penalty na yan eh. para medyo nakapag-umpisa na tayong magbawas ng ilang demonyo dito sa lupa. pero siyempre hindi rin maalis ang mga pro-life movement na humaharang sa panukala. Hindi mo rin sila masisisi, may rason din sila kahit hindi ako sangayon minsan. Sabi nga ng hinayupak na si Annie, kaya daw may kulungan para mabigyan ng chance na magbago ang mga nakagawa ng krimen. minsan baluktot na katuwiran yun. hindi lahat ng kaso eh, shoplifting lang o di naman kaya eh jaywalking lang. kung ganyan lang ang mga kaso okay lang ang preso. Pero kung ang kaso eh, murder o mas masahol… rape o di naman ay pedopilya, hindi na makukuha sa preso yan. hindi ako sangayon, kahit isumbong mo pa ako kay father. 
 
Kaya dumadami ang krimen kasi parang sobrang linient ng batas. Sabihan mo ang rapist ng “hoy pohtanamoka… 30 years ka sa preso ngayon with hard work” siguro ang isisagot niya sayo eh “carry lang” tarages. Sabi nga ni Ra’s Al Ghul; Crime cannot be tolerated. Criminals thrive on the indulgence of society’s understanding. 
  
Kung tutuusin mas maayos-ayos na ngayon kesa sa dati. Lethal Injection na ang ginagamit. Hindi tulad dati na electric chair o firing squad. Kung ako lang ang masusunod, and dapat sa mga pedopayl eh ihawin ng buhay tapos ipakain sa buwaya.walang kapatawaran bwahahahaha.
 Minsan parang ang rason pa ng iba para harangin ang pagbabalik ng death penalty eh dahil hindi daw makatao. paksyet. hindi makatao?!!!! tangenang yan. ang kaso eh gang rape, pagkatapos pagpasapasahan yung babae, pinagsasaksak pa. tapos pag hahatulan sila na tutusukan ng karayom na may lason ang tawag ng mga ultra rightist eh “hindi makatao” naknang bibeng duling.  
 
 Anyway…have you heard of Autoerotic asphyxia? ito yung orgasm habang sinasakal ang tao. habang humihigpit ang pagkakasakal nagkakaroon ng oxygen deprivation sa utak causing hypoxic euphoria resulting to sexual gratification. una itong nadiscover nung usong uso pa ang lynching. napansin na yung ibang binibigti ng dahan dahan eh nagkakaroon ng erection o kadalasan ay orgasm. tanungin moko? ano naman ang kinalaman nito sa death penalty? ang sagot? bakit hindi na lang death penalty by strangulation ang isabatas dito sa pinas para sa nga nagkasala ng rape at pedopilya. Naliban sa mura ng gastos dito compared sa lethal injection (na gumagamit ng chemical) or electic chair (gumagamit ng kuryente… natural, electric chair nga eh! bobo!). dito tali lang ang katapat. Hindi na siguro magrereklamo ang mga ultra right civil right groups. biruin mo, isa sa mga rason kaya nagawa nila ng krimen ay sexual gratification tapos mamamatay sila na sexually gratified. di ba?
  
nuff said.

9 thoughts on “hangman

  1. haha!! approve din ako dyan..hmmm..mas makakamura nga tayo.. kung pagbibigti gagawin..tsaka yung mga organs nila na gumagana pa, pwede i-donate..diba?hehehe

    — Ah. akala ko kung anong organ tinutukoy mo pare koy. hehehe

  2. Autoerotic asphyxia <<<< parang gusto kong subukan ‘to. ta-try ko kung epektib. taena, parang ayos to a! mamamatay ka sa sarap! tama ba ako? bwahaha!

    — Parang ganoon na nga mamaru. going out in a blaze of glory kung baga. hehehe

  3. medyo conflicted din ako sa issue na ito. naniniwala ako sa reforming the criminal PERO naniniwala din ako na may exceptions dapat. kapag talagang karumal-dumal na ang ginawang krimen ay dapat tapatan din ng karumal-dumal na parusa!

    — tama boss taroogs. reforms para sa pwedeng ireform. may exceptions ang lahat ng bagay.

  4. bro, parati na lang urong-sulong tayo pagdating sa batas. tulad ng death penalty na yan, bakit hindi nagprotesta ang mga pro-life nung bill palang siya. tapos nung batas na saka babawiin. tapos eto na naman.

    musta ka na bro?

  5. autoerotic asphyxia or more commonly known as sexual asphyxia. ok nga kung hindi lang rape yung ikakaso sa ganun kasi mag-branch out pa into other cases pag death by strangulation. mas mabigat ang magiging parusa. ang problema kasi sa judicial system ng pinas, hindi sila strikto at yung death penalty eh hino-hold ng simbahan. masyadong nako-complicate ang batas dahil maraming nakikialam.

  6. kakaboring. Trabahong boring. Ma-impluwensyahan pa ako ng manunulat e ng katamaran. lagay mo kaya sa libro ung pinag-gagawa mo kikita k pa.

  7. napa-isip yata ako ah…sexual gratification? paano ka magkakaroon nun kung alam mong ibibitay ka na ilang segundo na lang. parang, malabo ah. kung ako bibitayin na, manginginig ako sa takot hindi sa sexual gratification. posible pala yun? mamaru, try mo nga!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s