Kwentong Binyag

Binyag ng anak ni Joboy sa isang linggo. Kinukuha akong ninong. Hindi ko alam kung dapat akong maflatter o dapat kong batukan ang hinayupak na ito. Hindi ko alam kung kinukuha akong ninong dahil sa responsable, guwapo at mabait ako, at alam niyang may maituturo akong maganda sa kanyang unico hijo o dahil alam niya kung saan ako naglulungga tuwing pasko pag hinahanting ako ng mga inaanak. Information and accessibility is power ika nga, paksyet.

Ilang beses na din naming napagusapan sa inuman at sa banyo sa opisina ang pagnininong ko. Akala ko kwento lang yun ng naiihi o dinaman kaya ay deliryo ng lasing. seryoso pala ang bogaloid. Hindi ko tuloy alam kung san ako kukuha ng pondo para pambili ng baptismal accessories daw, Hindi ko maisip kung saan pinagkukuha ng bogaloid na ito ang mga terms niya. ang masama pa nun, habang dumadami ang terms na binabangit ng hinayupak na si Joboy para akong unti-unting lumulutang sa limbo. light headed at gustong mahimatay. parami ng parami ang bibilhin, parami ng parami ang gastos. paksyet, naisip ko, ganito din ba nag pakiramdam ng mga ninong ko noong binyag ko? ito na siguro yung tinatawag na karma.

Tinext ko si Joboy. “Kailangan ba ng muffler? leather seats, anong size ang customize na steering wheel, anong tatak ng sound system ang gusto mo? ”

nagtext back si gago “Pakyu anong tingin mo sa anak ko, volkswagen? Damit, full set, rosaryo at kaw na din bumili ng kandila. p.s. wag mo hawakan yung rosaryo, baka magliyab ka bigla, bwahaha”

nagtext back ako “Sige, bibilhan na din kita ng kandila, ipagtitirik na din kita. wag ka na magtext back papatayin ko na ang cp ko, asshole”

pagdating sa bogaloid na si Joboy. Gusto kong ako palagi ang huling magsalita. Kasi pag hindi mo siya pinigilan, hindi titigil sa kasasalita ang hayop. Ang daming kwento sa bulsa ang hinayupak, hindi nauubusan. Minsang nagkalasingan, naglitanya ang hinayupak about how proud he is sa pangalan ng anak niya. Three letters lang daw “Eon”. cool daw pakinggan at higit sa lahat, hindi daw mahihirapan magsulat ang anak niya. Gusto siyang batukan,  gusto kong sabihin bobo, tinuturuan mong maging tamad ang anak mo, kung pasusulat lang ng pangalan niya eh ineexpect mong tatamarin siya eh pano na sa ibang bagay? pero yun ang cool sa kanya, anong magagawa ko, di ko naman anak yun.

Pero naisip ko din naman na maayos na tatay din tong si Joboy kahit sa tuwing lasing lang siya normal kausap.Niisip din niya ang consequence ng mabahong pangalan. I know how it feels how to have that kind of name, Madalas kong isipin kung punong-puno ba ng sama ng loob ang tatay ko nung nag-iisip siya ng pangalan ko.

Speaking of pangalan, ang theme ng mga pangalan ngayon ay yung cool. yung mga pangalan na; Kajo o Dhenzho, cool ang tawag sa mga ganyang panagalan, pero kung iisipin mo, matagal na ang mga pangalan na yan, Yung Kajo ay Kadyo, Yung Dhenzho ay Dencio. Nagbago lang ang ispeling pero pareho pa din ang tunog. Teka nga… Palitan ko na din kaya ang ispeling ng pangalan ko?

12 thoughts on “Kwentong Binyag

  1. eon? aba, kapangalan niya ang anak ni ely buendia ah! salamat icey. napatawa mo na naman ako ngayong umaga. at least natawa ako bago ko na naman masilayan ang mukha ng boss ko ngayong araw, grrrr…

    O puso mo.😆

  2. so, kailangan maghigpit ka ng sinturon kase mag-aanak ka pala sa binyag..kasabihan yan ng matatanda, kumbaga e magtipid daw muna kapag ganyan..

    napadaan at nag-iwan ng bakas

    Salamat sa pagdaan at pagiwan ng bakas 🙂

  3. ako naman. i got an invitation to a baptism. laking gulat ko na lang when i saw my name as one of the ninangs. nasambit ko tuloy ng di oras: ganito na ba ngayon pag ninang, di muna sinasabihan? sus.

  4. kung ano anong nauusong pangalan…

    ayan nadagdagan na naman ang list mo ng bibigyan ng gift hehe!!!

    yung sa officemate ko eonas naman tapos ang nickneym eh yung pasosyal na pagbigkas sa yoyo (yow-yo) o diba… hehe😉

    —Heheheh, Tunog laruan.

  5. Nakakatuwa naman! As in until now I’m still smiling!

    Wag ka ngingiti-ngiti mag-isa baka pagkamalan kang ano… hehehe

  6. aba… aba.. humor blogger ka na din? haha. nice one. eto na siguro pinakapaborito kong post mo.

    Hindi ako humor blogger. Sarcastic lang. hehehe

  7. woi..sensya na… di nako nakakapagblog hop.. ngaun ko lang na edit comments niyo..hihi…

    oo nga eh.. pinapahaba lang nila name nila sa z and h pero ganun pa rin diba?

    MAligayang pagbabalik brotha!!

  8. kung palagi kayo me post ganito tema malamang manominate kayo sa lafftrip.

    Salamat sa pagdaan, Add sana kita kaso hindi ko mahanap ang link mo. hanapin ko ha?😆

  9. parekoy, tagal kong di nadalaw tong site mo. ako din nagkaroon ng experience na di ko malaman kung matututawa ako o sasapakin ko yung kumukuha sa akin bilang ninong. sabihin ba naman sa akin na “hinde kasi pwede yung yung isang kinukuha ko, pwede ikaw na lang?” tang na, last resort lang pala ako, hmmp napa tactless na tao.

    hahaha, Ano yun, proxy. yaan mo na, bawian mo na lang sa pagkain.

  10. reader lang po ako, napilitan ako gumawa ng gravatar para nde na kinekwestyon ang gender.
    pasensya na pakialamera lang talaga ako mgkoment.

    — Ganon? hehehe masaya nga yun eh. Salamat sa pagdaan at pagbalik-balik. 🙂

  11. hmm umpisa pa lang yan, paglaki eh may constant regalo kada pasko, birthday, isali mo 3 kings, at sa twing magkikita kayo ng inaanak mo.

    Oo nga, hayup pa man din yung tatay. hehehe

  12. ayos usapan nyo sa text ah, parang magkaaway lang ah.. kulet mo! hahaha.. NINONG KA NA! pamasko ko ah..

    — Hehehe. Sige magsabit ka ng medyas sa pasko, hanapin ko bahay nyo. salamat sa pagdaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s