Sleep Talk

Let’s talk about the all sacred sleep. How long can you sleep during day time? How long will it take until you totally get adjusted with graveyard shifts and day sleep?

Naalala ko, bago ako pumasok sa trabahong ito, tinanong ako ng nanay kung kaya ko daw bang magtrabaho sa gabi. Dahil sa may katiting naman  akong tiwala sa sarili, sabi ko naman, “kayang kaya, ako pa”. dahil nga napasubo na sa kayabangan, pinilit kong pumasa sa interview, ginalingan kong mag-ingles dahil cute yung nag-iinterbyu, awa ng Diyos, ayun pumasa naman. Nag umpisa ang training, madali lang ang consonant at vowels, sinabihan na kasi ako dati sa kung anong dapat kong ieexpect, pero ampohta, walang nagsabi sa akin na mahirap matulog sa araw.

Ilang araw akong apat na oras lang ang tulog, pumapasok ako sa trabahong namumungay ang mata, parang bisugong lasing ang hilatsa ng mukha. Ang hirap matulog, ang nakakatawa pa, pag tinanong ka kung bakit parang inaantok ka, ang sagot mo; “di ako nakatulog buong araw eh?” Ayan,  diyan mo marerealize na baliktad na mundo mo. Napupuyat ka na sa araw, kaya inaantok ka na sa gabi.

Kinakabahan na ako sa kulang kong tulog, nag research ako sa internet about sleep deprivation para naman medyo mafamiliarize ko ang sarili ko sa kawalan ng tulog at para mawala na din kaba ko sa kalusugan ko. Pero naknanggalunggong, alam mo ba kung anong nahanap kong topic? Eto- How lack of sleep could shorten your life. Diyos na mahabagin, sino naming Poncio Pilato  ang makakatulog sa topic na yan. Parang nananakot.

Eto ang listahang ng mga topics and facts na hindi nagpatulog sa akin ng ilang araw. Pagpalain nawa ang mga author na nagsulat nito, asshole.

How lack of sleep affects your memory. Ito ay tungkol sa study sa US na nagdidetalye kung paano bumababa ang activity ng the temporal lobe sa brain pag may sleep deprivation. Ang temporal lobe ay ang parte ng utak ng tao na namamahala sa language processing. Isipin mo, kung ilang oras ang dapat mong ipuyat sa call center bago mo tuluyang makalimutan mag English.

Sleep deprivation and life span (sabay sign of the cross). Ito naman yung study na nagpapatunay daw na mas mahaba ang buhay ng mga taong nakakatulog ng seven hours pataas kesa sa mga taong natutulog lang ng anim na oras pababa. Ayon kasi sa pag-aaral na ginawa, kailanngan daw ng isang adult ng  pito hanggang walong oras na tulog para hindi maging lapitin ng sakit. Nyahaha. Nakakatawa, sa call center kasi, yung mga agents minsan, gustong magkasakit, yung iba naman nagsasakit-sakitan talaga para lang makapagabsent. O di ba? Aminin mo pare. Seven to 8 hours na tulog? Letse, paano ka pa naman makakagimik nyan?

Pero ito ang nakakabuwang sa topic na ito. May isang research na ginawa din sa US about the effects of sleep na ang mga respondent or test subjects ay mga cancer patients. Mahigit isang milyong pasyente and naging bahagi ng research na ito at napag-alaman na ang mga pasyenteng natutulog lang ng apat na oras pababa ay mas mahaba ang buhay kesa sa mga pasyenteng natutulog ng mahigit sa pitong oras. Naknggalunggong. Ano ba talaga ang totoo at dapat paniwalaan? Kanina lang mas maigsi and buhay ng sleep deprived, ngayon naman mas mahaba. Naisip ko tuloy, siguro depende na and sagot sa psychological set-up ng tao. Ito na siguro yung sinasabi ng professor ko dati na half empty or half full. Pag pessimist ka daw, ang baso na may laman na kalahating tubig ang tingin daw niya dito ay half empty, pero pag optimist ka, ang tingin mo daw sa basong kalahati ang laman ay half full. Ampohta. Kung buhay ko ang pinag-uusapan, lagi akong half-full.

Tapos eto pa; Effects of sleep deprivation to the human behavior. May lumang kasabihan na, “Magbiro daw sa lasing huwag lang sa bagong gising”. Tama naman, pero kulang, dapat ”Magbiro ka sa lasing huwag lang sa bagong gising na kulang sa tulog” o mas masahol ang “magbiro ka sa lasing wag lang sa bagong gising na lasing na kulang sa tulog” Sabi kasi sa topic na ito, Mas madali daw mag-init ang ulo ng mga taong kulang ang oras ng tulog lagi. Yun din siguro ang dahilan kaya bumili ako ng pellet gun para dun sa pusa ng kapit bahay naming na kahit tanghaling tapat ay nag-iingay na parang batang umiiyak. Ang ingay sa lovemaking ang hinayupak na pusa. Parang nang iinggit. Sa susunod titirahin ko na ng pellet gun ang hinayupak na pusang yon.

Ano pa bang topic ang meron? Ah, di bale saka na lang, tulog muna ako.

 

7 thoughts on “Sleep Talk

  1. para po di gasino rinig ingay magpasak ng konting bulak sa kabilaang tenga, wag todo kase baka kahit nagkakagulo na eh di pa marinig.

    iwasan mga bagay na aagaw ng atensyon tulad ng pyuter, tv, psp o selepono.
    yon eh kung matitiis nyo mga yan.

    importante kumain ng sapat.

  2. di ba sinabi kung ano lifespan nung konti lang ung tulog? heheheh grabe naman…

    eh baka naman applicable lang sa cancer patients ung hahaba buhay pag konti lang ung tulog ano? hehehe….

    dati may hiningan ako ng tips para makatulog: uminom ng gatas at wag mag isip. and it works! try mo. lol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s