Kataxilan

May allergy ako sa salitang tax. Pagnakikita ko ang salitang ito sa aking sa dyaryo or sa tv at lalong lalo na sa aking payslip parang di ako makahinga, naninikip ang dibdib na para bang pinipiga unti-unti ang kaluluwa palabas sa aking magandang katawan. (Emphasis on Magandang Katawan) Libre po ang mangarap, at habang walang patong na tax ang pangangarap, nilulubos lubos ko na.

Kanina napabalita na itatax na daw ang government contributions katulad ng SSS, anak ng bibeng duling, muli akong inatake ng aking allergy. Biglang nangati ang aking lalamunan na para bang gustong sumigaw, biglang nanakit ang aking mata na parang naluluha. Tax nanaman, lahat na yata ng bagay ay tinatax ng mga taga BIR ngayon.  Kulang na lang pati yung kakarampot na kita ng mga nangangalakal ng basura ay bubuwisan pa nila.

Gusto kong linawin na walang mali sa pagbubuwis, obligasyon yun ng kahit sinong mamamayan para tulungang umangat ang ekonomiya ng bansa, at para pondohan ang mga proyektong pang  imprastraktura  na kailangan ng bayan ( nalulunod ako sa aking tagalog, dinudugo ako) ang siste lang eh sa kaninong bulsa ba aabot ang buwis ko?

Ang pagbubuwis ba sa lahat ng kinikita at ipon ng taumbayan ang solusyon sa problemang pinansyal ng bansa o ang korapsyon sa gobyerno. Ang BIR na nagpapaukala ng bagong buwis ngayon ang isa sa pinaka korap na ahensya ng gobyerno. Ang dapat po sigurong gawin ay linisin muna nila ang kanilang bakuran bago magisip ng panibagong pasanin para sa taumbayan. Or kung di pwedeng tigilan ang korapsyon eh baka pwedeng Itax na din ang mga kinukurakot ng mga mapagsamantala, mas malaking tax ang katumbas niyan kasi malakihan din naman ang ninanakaw ng mga yan eh.  Ang akin as suggestion lang. Kung ayaw, okay lang naman.

3 thoughts on “Kataxilan

  1. Wala na yatang magagawa sa ganitong sitwasyon, Icey. Sadyang ganun ang mga taga gobyerno. Ako, taga gobyerno rin at alam na alam ko ang mga kataksilan ng iba diyan. Ang masaklap, halos lahat ng nagtataksil eh yung mga nasa mataas na posisyon.

    Leche, inuman na lang tayo! Tara!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s