Kataxilan

May allergy ako sa salitang tax. Pagnakikita ko ang salitang ito sa aking sa dyaryo or sa tv at lalong lalo na sa aking payslip parang di ako makahinga, naninikip ang dibdib na para bang pinipiga unti-unti ang kaluluwa palabas sa aking magandang katawan. (Emphasis on Magandang Katawan) Libre po ang mangarap, at habang walang patong na tax ang pangangarap, nilulubos lubos ko na.

Kanina napabalita na itatax na daw ang government contributions katulad ng SSS, anak ng bibeng duling, muli akong inatake ng aking allergy. Biglang nangati ang aking lalamunan na para bang gustong sumigaw, biglang nanakit ang aking mata na parang naluluha. Tax nanaman, lahat na yata ng bagay ay tinatax ng mga taga BIR ngayon.  Kulang na lang pati yung kakarampot na kita ng mga nangangalakal ng basura ay bubuwisan pa nila.

Gusto kong linawin na walang mali sa pagbubuwis, obligasyon yun ng kahit sinong mamamayan para tulungang umangat ang ekonomiya ng bansa, at para pondohan ang mga proyektong pang  imprastraktura  na kailangan ng bayan ( nalulunod ako sa aking tagalog, dinudugo ako) ang siste lang eh sa kaninong bulsa ba aabot ang buwis ko?

Ang pagbubuwis ba sa lahat ng kinikita at ipon ng taumbayan ang solusyon sa problemang pinansyal ng bansa o ang korapsyon sa gobyerno. Ang BIR na nagpapaukala ng bagong buwis ngayon ang isa sa pinaka korap na ahensya ng gobyerno. Ang dapat po sigurong gawin ay linisin muna nila ang kanilang bakuran bago magisip ng panibagong pasanin para sa taumbayan. Or kung di pwedeng tigilan ang korapsyon eh baka pwedeng Itax na din ang mga kinukurakot ng mga mapagsamantala, mas malaking tax ang katumbas niyan kasi malakihan din naman ang ninanakaw ng mga yan eh.  Ang akin as suggestion lang. Kung ayaw, okay lang naman.

A Question Of Morality

Thomas Jefferson once said; Whenever you are to do a thing, though it can never be known but to yourself, ask yourself how you would act were all the world looking at you, and act accordingly.

The concept of morality is always clouded, as it is the case of a lots of things. Debate on morality have been raging since the day of creation. we ask questions about Eve taking the apple as a moral question. We ask if intemarriages between their children could be asked within the parameters of morality? The fact to the matter is that, We will never know.

Morality affects us in every way,  Our idea for doing what is right and avoiding what is wrong became the basic dos and don’ts of our everyday life. we base our actions on concept of right and just. The same norm our ancestors based their daily life, It may have evolved through time but the basics are still the same.

The dabate on morality will rage forever but the bigger question lies on our idea on what is right and wrong.
Let’s take for example a culture in a village in Congo where a husband would offer his wife to a visitor to keep the visitor entertained. our Christian morals would tell us that the practice of sharing your wife to a visitor is immoral. But to them it is not, it’s their culture, its what they believe. Offering their wives to their visitor is the same as our way of offering coffee to our visitors. and how about the legalization of drugs and prostitution in amsterdam? is it immoral? certainly not to them, thir government legalized. it’s their culture. Could we judge them as immoral when their culture don’t? I think not.

Our religion preaches on morality as much as they preach about gods. are they of the same weight?   Psychologist Matt J. Rossano argues that religion emerged after morality and built upon morality by expanding the social scrutiny of individual behavior to include supernatural agents. By including ever watchful ancestors, spirits and gods in the social realm, humans discovered an effective strategy for restraining selfishness and building more cooperative groups.

In parting, let me quote George Bernard Shaw, he said “The more things a man is ashamed of, the more respectable he is”. Let me then say that Morality is as vague as it is limited. Morality is not always right and wrong but conforming to accepted standards of conduct.

hangman

Walang magawa sa bahay. Dinampot ko yung inaamag nang diyaryo sa ilalim ng lamesita. Pinagpag ang alikabok sa papel. sumandal sa sofa sabay tingin sa front page. Pohta…mukha ni Gloria. Umayos ng upo. Binuklat and diyaryo sa bandang gitna. Holdapan dito, patayan doon. tarages iba na talaga and past time ng mga tao ngayon. Nakakasulasok, nakakainis ang mga balita. Perepareho ang tema ng balita araw-araw iba-iba lang ang pangalan. kaya tuloy nakukuntento na lang ako sa inaamag kong diyaryo. kahit ilang siglo na ang nakalipas mula nung bilhin ko ito, okay pa rin. palitan mo lang ang pangalan ng mga pinatay at pumatay, ang nagnakaw at ninakawan. ang mga pulis na holdaper…eerrr.. ang mga pulis at mga holdaper pala, current events na ulit ang laman ng diyaryo ko. 
  
 Sa may kalagitnaan ng diyaryo, may balita tungkol sa panukalang ipatupad ulit ang Death Penalty dito sa Pinas. Ayos, kahit papaano may gud news sa diyaryo. dapat nang matagal ibinalik ang death penalty na yan eh. para medyo nakapag-umpisa na tayong magbawas ng ilang demonyo dito sa lupa. pero siyempre hindi rin maalis ang mga pro-life movement na humaharang sa panukala. Hindi mo rin sila masisisi, may rason din sila kahit hindi ako sangayon minsan. Sabi nga ng hinayupak na si Annie, kaya daw may kulungan para mabigyan ng chance na magbago ang mga nakagawa ng krimen. minsan baluktot na katuwiran yun. hindi lahat ng kaso eh, shoplifting lang o di naman kaya eh jaywalking lang. kung ganyan lang ang mga kaso okay lang ang preso. Pero kung ang kaso eh, murder o mas masahol… rape o di naman ay pedopilya, hindi na makukuha sa preso yan. hindi ako sangayon, kahit isumbong mo pa ako kay father. 
 
Kaya dumadami ang krimen kasi parang sobrang linient ng batas. Sabihan mo ang rapist ng “hoy pohtanamoka… 30 years ka sa preso ngayon with hard work” siguro ang isisagot niya sayo eh “carry lang” tarages. Sabi nga ni Ra’s Al Ghul; Crime cannot be tolerated. Criminals thrive on the indulgence of society’s understanding. 
  
Kung tutuusin mas maayos-ayos na ngayon kesa sa dati. Lethal Injection na ang ginagamit. Hindi tulad dati na electric chair o firing squad. Kung ako lang ang masusunod, and dapat sa mga pedopayl eh ihawin ng buhay tapos ipakain sa buwaya.walang kapatawaran bwahahahaha.
 Minsan parang ang rason pa ng iba para harangin ang pagbabalik ng death penalty eh dahil hindi daw makatao. paksyet. hindi makatao?!!!! tangenang yan. ang kaso eh gang rape, pagkatapos pagpasapasahan yung babae, pinagsasaksak pa. tapos pag hahatulan sila na tutusukan ng karayom na may lason ang tawag ng mga ultra rightist eh “hindi makatao” naknang bibeng duling.  
 
 Anyway…have you heard of Autoerotic asphyxia? ito yung orgasm habang sinasakal ang tao. habang humihigpit ang pagkakasakal nagkakaroon ng oxygen deprivation sa utak causing hypoxic euphoria resulting to sexual gratification. una itong nadiscover nung usong uso pa ang lynching. napansin na yung ibang binibigti ng dahan dahan eh nagkakaroon ng erection o kadalasan ay orgasm. tanungin moko? ano naman ang kinalaman nito sa death penalty? ang sagot? bakit hindi na lang death penalty by strangulation ang isabatas dito sa pinas para sa nga nagkasala ng rape at pedopilya. Naliban sa mura ng gastos dito compared sa lethal injection (na gumagamit ng chemical) or electic chair (gumagamit ng kuryente… natural, electric chair nga eh! bobo!). dito tali lang ang katapat. Hindi na siguro magrereklamo ang mga ultra right civil right groups. biruin mo, isa sa mga rason kaya nagawa nila ng krimen ay sexual gratification tapos mamamatay sila na sexually gratified. di ba?
  
nuff said.

Naknang…

Kulang ako sa tulog palagi. sobrang daming ginagawa. walang time para mag wordpress kadalasan, wala ding sex (pohta…) ang tindi tuloy ng stress. Wala namang magawa kasi kailangang gawin ang kung anong responsibilidad na nakatoka sa’yo. Ang hinihingi ko lang sana ay konting konsiderasyon sa ilang mga bagay-bagay na nakakadagdag sa ikakasira ng araw mo. Hindi naman siguro masamang makiusap.

Ang Daming problema dito sa manila. Mga bagay na sana ay hindi na pinuproblema. Lumipat kami ng opis. Ganda ng building, hay tets ang pasilitis pero hindi ganoon kagaan ang trabaho at sobrang init paglabas ng building. Parang sinusunog ang bumbunan mo paglabas, mamamawis lahat pati jetlogs mo. paksyet. Pagdating sa kalsada ang hirap pumara ng sasakyan. Nasanay na kasi ang mga mamang drayber na paharurotin ang kanilang mga mean machine pagdating sa parteng yun ng commonwealth kasi dati rati ang mga pumapara lang sa mga sasakyan dun ay white lady.  Kahit hindi ka relihiyoso ang mapapadasal ka na sana ay may safety conscious driver na alalay kung magpatakbo para makahinto pag pinara mo o di naman kaya ay may pupugak-pugak na sasakyan na tumirik bago makalagpas sayo.

Pagkasakay mo (after 10 years) medyo maganda ang biyahe sa upmisa. mula commonwealth hanggang makarating ka sa LTO opis okay ang biyahe. Pero pagpasok mo ng EDSA umpisa nanaman ang “Aba ginoong marya”. Patayan ang trafic, mabuburat ka talaga, pero ang masahol ay kung natraffic ka sa tabi ng poste ng MRT, Nakooowww!!! Pagkalaki laking tarpauline ng mukha ni pareng Bayani ang babati sayo.  Kaayusan… Metro gwapito… etc. Ang kapal ng kumag. after nagdeclare na tatakbong presidente sa 2010 biglang nagsilabasan ang poster. Obvious na pamumulitika. Misan tuloy naiisip kong bumili ng kamatis bago ako pumasok para pag natraffic ako sa tabi ng poste ng MRT babatuhin ko ng kamatis yung poster pay at least may magawa akong productive. kaso lang mahal ang kamatis ngayon.

Pinipilit kong huwag matulog sa bus kasi hindi daw safe. sa dami ng pasaway sa mundo. kahit hindi safe, matutulog na lang ako.

Disturbed Slumber

For the likes of me who toil the midnight oil, literally, rest (a.k.a. sleep) is sacred. Call it blasphemy all you want but I care a rat’s ass about it. These days, I would stay in my bed until my back blisters and my behind feels really sore. And honestly? I feel fine. I only have few regrets in becoming a self proclaimed weekend bum; I miss writing. Yet most of the time I still feel that I am blameless. If you stare at a 24 inch LCD monitor, 8 hours a day , 5 days a week for a job, you wouldn’t want to see a screen glow for the next two days. But, Today is an exemption.
 
I started my Sunday (my Sunday clock starts at 9:00 am) with the usual trip to nanay Carmen’s turo-turo. A nilagang baka breakfast (Nanay Carmen’s especialty) every Sunday has become part of my routine. upon entering the carinderia, I waved at Nanay Carmen and give her the cutest school boy smile I could muster. She waved back at me but I noticed that the smile is not like what it used to be. Nanay Carmen is at her early 60’s. But despite the age, she still keeps a lively disposition in life. She loves to joke around, and calls me anak (like she does with almost everyone she likes).
 
It’s almost 3 years now that I frequent Nanay’s turo-turo. during those days when I was thinking that Manila is to congested for me and it’s nights are to gloomy, Nanay is one of those few people who showed me otherwise. Part of the few people is Tuying, a 7 years old son of a drunkard. I met Tuying one rainy September afternoon of 2005. It was must be a Sunday then because I’m at nanay’s place. I was at the middle of my steamy nilaga when a boy approached my as he did with everyone else in the place. he stood in front of my table and said “Kuya penge ng pera,” the tone is courteous. It must be a day after payday then that I felt generous. Most of the time, I would just say “wala akong pera, sorry”. That time I reached inside my pocket and gave him a five peso coin. After the boy left Nanay approached and sat at the available chair beside me. She told me the boy’s story. I learned that the boy is using the money for “baon” in school, that nanay let him eat the turo-turo everyday, That the boy’s mother is gone and his good for nothing father, as nanay would call him, is going. I don’t know but I feel impressed with the kid. With a life like that, ordinary kids should have given up schooling a long time, but not Tuying. He would go to school even if it means he have to beg his way to it. That was the beginning. I usually join the boy on his table when I come to the place and find him eating there as well (if he is not out begging for some money anywhere else). He talks a lot, but he also takes time to listen. A good sign of intelligence. He loves to joke around. He told me a lot of corny joke that you could only expect from a kid. The jokes eased the loneliness in me somehow. He is street smart, with the kind of life he has, he needed to be.
 
Today, In the middle of consuming my steamy nilaga, as I’ve done a hundred times before, I can’t help but to glanced at every table. Nanay approached my table and sat beside me, like she did a hundred times. She put her gentle hand over my arms and said “kailangan mo na ulit masanay kumain mag-isa tuwing linggo”, I looked at her face puzzled, she have this pained look painted on her usually smiling eyes. She told me that Tuying passed away last thursday, I was in shock. Other datails about Tuying’s passing escaped my understanding. I did not ask any question. All I understood is that he came to Nanay’s place after school with a fever. That Nanay took him to the hospital, That Nanay was there with him during those critical times and his turo-turo was closed. That some of the medicine that Tuying needed is so expensive and the Government hospital doesn’t have it available. It happened so fast, Tuying left this world a little after 4:00 AM last Thursday.
 
The nilagang baka all of the sudden tastes so bland. but what left bad taste to the mouth is that fact that a hundred of Tuyings are lying in government hospitals right now. With no medicines for them in the hospital pharmacy and with no money to buy it with outside. They will go back to search for answer in the only place in the hospital where service is for free, the chapel. Yet even that place won’t provide answers, it provides only hope. And hope is not something you could always hold on to. In Tuying’s case, Nanay could only do so much.
It is depressing to think that while our senate continuously talk about corruption in public television, we still can’t do anything about it. Hundreds of Tuyings are dying everyday because the money that should go to the coffers of the hospitals to buy equipment and medicines went to the pockets of officials who is worthy of public execution. We all know that a crime of corruption has been committed but what other things have we done so far aside from senate inquiry in aid of legislation? None! Our call for change has fallen on deaf ears. Senator’s who have expressed their willingness to run for the Presidency on 2010 is cautious in a making a stand on this issue. Is it to early to Sirs? What hope does the weak and underprivileged of this country have when the good people they believe in has lost their courage to fight for the right cause.
 
What do we have left? what do we have left but ourselves. Let this be an appeal, a call to arms. A call to arm ourselves with enough tenacity to keep fighting for justice when it seem lost. A call to arm ourselves with enough vigilance to keep us grounded from what is right and wrong. A call to arm ourselves with enough prayer to keep us guided. and a call to arm ourselves with enough hope that our heart will stand his ground. A time might come when our patriotism will waiver and our courage will fail, but it it will not be in this time. Not in our generation. A call to arm ourselves with enough fortitude to respond just in case history summon us to come together again.
 
Wake up from this deep slumber, I will…

Bagsakan na!

Medyo maganda ang gising ko kanina. Bumangon ako mag-aalas singko na ng madaling araw. Himalang hindi ako inaantok. Nag-almusal, naligo, nagsepilyo, nagbihis at lumayas ng bahay na hindi nadidisgrasya. Ayos, so far so good.

Pagsakay ko sa bus, medyo nagsimulang umasim ang tono ng araw. Masuwerte lang at madali akong nakasampa. At least nakaupo pa ako. apat na tao na ang nakatayo sa isles ng bus. Panay pa ang sigaw ng kundoktor ng “Sakay lang! maluwag yan. araw araw ginagamit yan!” naknampucha. Maluwag nga, wala namang maupuan. at isa pa hindi ko naintindihan yung part na araw-araw ginagamit 😆 ano kaya yun. (Bwahahahaha).

Pagdating sa cubao, nagkakaamuyan ng ng kilikili yung mga nakatayo sa isle ng bus. Siksikan, halo halo, mayroon nang tsumatsansing, mayroon ding natsatsansingan, at may may mga nagpapatsansing, Humm. sa dami ng tao hindi na maiwasang magkatulakan. along the way tatlong tao ang nabilang kong medyo minalas malas. Dito nagsimula yung trend ng bagsakan sa araw na ito.

  • Una, yung kunduktor ng bus, nalaglag sa pagkakakapit sa estribo nung umabante ang bus. (tatang tanga kasi eh)
  • pangalawa, Yung mamang nagtitinda ng sampaguita sa timog, bumagsak nang matisod sa sidewalk, yung paninda niyang sampaguita, nalaglag sa estero. (kawawa naman)
  • pangatlo. yung trafic enforcer ng MMDA, bumagsak sa motorsiklo nung nagmamadaling sumampa sa motor dahil gustong hulihin yung bus na dumaan sa crossing ilalim. 5:30 ng umaga, ang tawag sa huling ganoon ay hulidap. Kotong to the max. Gumewang yung motor, nalaglag yung mama. (Yehheeyy).

Pagdating to sa labas ng opisina, panay ang dasal kong huwag sanamng bumagsak yung elevator na sasakyan ko. sa 4oth floor ang training room namin, kung nagkataon na bumagsak yung elevator, hindi sapat yung taas na 4oth floor, Siguradong bago ko pa matapos yung dasal na our father ay paktay na ako. sa awa ng diyos nakarating naman ako sa training room ng maayos.

nagsimula ang qualifying exam ng alas nueve, natapos ng alas dose.  Pagka announce ng scores, dalawa daw sa klase ang bagsak. Nak ng bibeng duling, Bagsak na naman. before lunch. dalawang kasama sa training ang nawalan ng trabaho.

Hindi ko lubos maisip kung paano sila bumagsak gayong ipinagmamalaki pa ng isa sa kanila na naperfect niya yung isang unit ng hindi nagrereview. Tinanong ko kung anong items ba yung naperfect niya. ang sagot niya “yung sexual harrassment section”. Paksyet. Sa damin ng pwedeng maperfect, yun pang freebie questions ang naperfect ng hinayupak.

May mga katanungan na hindi ko mahanapan ng sagot.

  • Hindi ko alam kung bakit kahit may nalalalag na sa bus, mayroon pa ring mga gagong nananatsing.
  • May qualifying exam, yung may kaugnayan pa sa sex ang hindi makalimutan.
  • Likas ba talagang malibog ang mga lalake at nauuna pa ang sex minsan kesa sa ano pa man?

Paulit ko man tanungin ang mga bagay na yan, hindi ko kayang tanggapin na ganun nga. hindi naman ganoon. nagresearch ako sa internet, naghanap ng kasagutan sa aking mga tanong.  Kung paano gumagana ang utak ng lalake. Eto ang aking natuklasan.

Brain

Virus!

Nagumpisa na ako sa bago kong work. Maganda naman ang mga benepisyo kaya kahit medyo malayo ang site ng unang linggo ng training hindi ako nagrereklamo. Ang hindi lang naging maganda ay ang simula ng aking linggo.

Lunes, pag gising ko sa umaga parang may nakabara sa aking sisinghutan. Hindi normal sa panahong mainit ang sipunin.  Napilitan akong dumaan sa drugstore para bumili ng pagtunaw ng bara. Mahal na ngayon ang decongestant, naisip ko, bakit di na lang buhusan ang ilong ng liquid sosa? mas mura, at sa palagay ko ay mas epektib, kasi yung bara nga sa tubo kayang tunawin, yun pa kayang sipon. di ba? Pero dahil sa may duda pa din ako, kahit mahal ang gamot, sumige na lang ako.

Pagdating ng tanghali, nawala naman ang bara. at least umepekto yung gamot. so kahit papaano medyo umayos ang pakiramdam ko sa training. kinagabihan, pagsapit ng alas diyes, bigla nanaman bumara ang hinayupak na ilong. nagtake naman ako ng gamot. marahil may ibang dahilan. Marahil ay;

  • May iskedyul ang oras ng aking sipon
  • May appointment lang ang virus sa loob ng aking sisinghutan kaninang tanghali kaya hindi niya naasikasong barahan ang ilong ko.
  • Hindi pumasok ang karelyebo niya sa pwesto kaninang hapon
  • May lahing call center agent ang hayop na virus, graveyard shift ang pakingshet.
  • Hindi mo rin masisisi may additional percentage pag may kasamang night differential eh.

Sana lang ay matapos na ang cycle ng sipon na to. Hindi na nakakatuwa. Ayoko namang dumalaw sa doktor. May phobia yata ako sa amoy ng clinic.  hindi ako makatagal sa loob. Bukas ay sabado, kukunin ko na lang sa pahinga.