Category Archives: Pilipin Palitix

Kataxilan

May allergy ako sa salitang tax. Pagnakikita ko ang salitang ito sa aking sa dyaryo or sa tv at lalong lalo na sa aking payslip parang di ako makahinga, naninikip ang dibdib na para bang pinipiga unti-unti ang kaluluwa palabas sa aking magandang katawan. (Emphasis on Magandang Katawan) Libre po ang mangarap, at habang walang patong na tax ang pangangarap, nilulubos lubos ko na.

Kanina napabalita na itatax na daw ang government contributions katulad ng SSS, anak ng bibeng duling, muli akong inatake ng aking allergy. Biglang nangati ang aking lalamunan na para bang gustong sumigaw, biglang nanakit ang aking mata na parang naluluha. Tax nanaman, lahat na yata ng bagay ay tinatax ng mga taga BIR ngayon.  Kulang na lang pati yung kakarampot na kita ng mga nangangalakal ng basura ay bubuwisan pa nila.

Gusto kong linawin na walang mali sa pagbubuwis, obligasyon yun ng kahit sinong mamamayan para tulungang umangat ang ekonomiya ng bansa, at para pondohan ang mga proyektong pang  imprastraktura  na kailangan ng bayan ( nalulunod ako sa aking tagalog, dinudugo ako) ang siste lang eh sa kaninong bulsa ba aabot ang buwis ko?

Ang pagbubuwis ba sa lahat ng kinikita at ipon ng taumbayan ang solusyon sa problemang pinansyal ng bansa o ang korapsyon sa gobyerno. Ang BIR na nagpapaukala ng bagong buwis ngayon ang isa sa pinaka korap na ahensya ng gobyerno. Ang dapat po sigurong gawin ay linisin muna nila ang kanilang bakuran bago magisip ng panibagong pasanin para sa taumbayan. Or kung di pwedeng tigilan ang korapsyon eh baka pwedeng Itax na din ang mga kinukurakot ng mga mapagsamantala, mas malaking tax ang katumbas niyan kasi malakihan din naman ang ninanakaw ng mga yan eh.  Ang akin as suggestion lang. Kung ayaw, okay lang naman.

Advertisements

Awt Op Konteks

Walang magawa, nagboblog hopping ako sa mga paborito kong links nang napadaan ako sa blog ni Witchy. click dito, basa doon nang nagawi ako sa comment section ng latest entry niya. Sinagot niya yung isang comment ko sa dialect niya. Ang nakakalungkot, hindi ako marunong magbisaya. Masarap basahing yung nakasulat, may rhythm yung dialect, di ko lang talaga maintindihan. Pinilit kong intindihin, nilapit ko ang mukha ko sa monitor sabay bunot ng tissue sa container, pamunas ng dugo na unti-unti nang umaagos palabas ng ilong ko. Ayaw talaga.

Naalala ko tuloy ang sarili naming dialect sa Cagayan. Marunong ako ng tatlong dialect; Ilokano. Itawes at Ibanag. Kaya minsan napapaghalo-halo ko na ang mga words. Minsan may kausap akong Ilokano, asa kasarapan na ako sa pagkukuwento nang mapansin kong parang lumalangoy sa bagoong ang mukha ng kausap ko. Saka ko lang na realize na nasisingitan na pala ng Itawes at Ibanag words ang ilokano ko. Ang masama pa doon ay ilang beses ko nang nasasabi ang salitang “takki” na ang ibig sabihin sa Ibanag ay “Paa” ngunit sa ilokano ang ibig sabihin noon ay “tae”. Isipin mo to; Ang gusto kong sabihin ay “Naapakan ko ang paa nung chicks” ang pagkakaintindi ng kausap ko eh “Naapakan ko ang tae nung chicks” pohta, isipin mo, out of context na nga, mapagkakamalan ka pang abnormal.

Ang daming bagay-bagay sa native dialect ang inosente kung tutuusin. Pero dahil nga diverse ang culture ng pinoy, and each culture comes with its own set of dialect, nagkakaroon ito ng nuisance pag naghalo.

Meron pang minsan, pumunta ako sa maintenance department para maghanap ng washer. Yung bilog na metal na may butas sa gitna na kadalasan ay pinaglulusutan ng pako pagnagkakabit ng yero sa bubong. Ang tawag nun sa Itawes ay “huli” and tawag nun sa ibanag ay “Vuli” at sa ilokano ay “Buli”. Ang nadatnan kong  tao sa maintenance ay si Miss(pronouced as missed dahil tumanda nang dalaga) Melda na mas kilala sa opis sa tawag na Liz, short for Elizabeth (Ramsey).

 Ngumiti ako ng malaki sabay sabi ng “Miss Melds meron ka ba ditong… ah… yung bilog na… yung…” hindi ko mahagilap sa utak ko kung anong tagalog ng washer “…yung ano… yung…Buli”. Sa di ko malamang dahilan parang nabigla ang ale tapos biglang namungay ang mata.

“Ano ulit ang hanap mo?” tanong nito sa akin na parang may landi ang boses.

“yung ano…” sabi ko sabay pinagdikit ang thumb at pointer finger pabilog. “Buli… yung ano… hindi ko kasi alam sa tagalog e”

Biglang dumating yung isang ale sa maintenance, tinanong kung anong kailangan ko. Sinagot siya ni Miss Melda ng Dialect. nagusap sila ng medyo makagal. wala akong naintindihan. pagkaraan ng ilang minuto tinanong ulit ako nung ale kung anong kailangan ko. Lumapit ako sa mesa at idinrowing ang itsura ng washer sabay explain ng gamit nito.

“ahhh…” sabi ni ate “yung parang sa bubong?” tanong nito.

“Yun nga!” sagot ko.

Tumawa pa ito ng malakas bago sumagot ng “Wala kami nun dito eh.”
Tinanong ko sa kanya kung anong nakakatawa. binulungan niya ako “Alam mo bang ang ibig sabihin ng buli sa Bicol ay pekpek?”

Nagulat ako, lumaki ang mata, namula ang mukha sabay lingon kay Miss Meldang namumungay pa rin ang mata.

Sumagot ako “hindi po” sabay talikod at nagmamadaling lumabas ng pinto. Habang nagmamadali kong binabagtas ang parang sumisikip na corridor, Panay ang bulong ko sa sarili ng “Okay lang yan, di mo alam, Okay lang yan, di mo alam”

hangman

Walang magawa sa bahay. Dinampot ko yung inaamag nang diyaryo sa ilalim ng lamesita. Pinagpag ang alikabok sa papel. sumandal sa sofa sabay tingin sa front page. Pohta…mukha ni Gloria. Umayos ng upo. Binuklat and diyaryo sa bandang gitna. Holdapan dito, patayan doon. tarages iba na talaga and past time ng mga tao ngayon. Nakakasulasok, nakakainis ang mga balita. Perepareho ang tema ng balita araw-araw iba-iba lang ang pangalan. kaya tuloy nakukuntento na lang ako sa inaamag kong diyaryo. kahit ilang siglo na ang nakalipas mula nung bilhin ko ito, okay pa rin. palitan mo lang ang pangalan ng mga pinatay at pumatay, ang nagnakaw at ninakawan. ang mga pulis na holdaper…eerrr.. ang mga pulis at mga holdaper pala, current events na ulit ang laman ng diyaryo ko. 
  
 Sa may kalagitnaan ng diyaryo, may balita tungkol sa panukalang ipatupad ulit ang Death Penalty dito sa Pinas. Ayos, kahit papaano may gud news sa diyaryo. dapat nang matagal ibinalik ang death penalty na yan eh. para medyo nakapag-umpisa na tayong magbawas ng ilang demonyo dito sa lupa. pero siyempre hindi rin maalis ang mga pro-life movement na humaharang sa panukala. Hindi mo rin sila masisisi, may rason din sila kahit hindi ako sangayon minsan. Sabi nga ng hinayupak na si Annie, kaya daw may kulungan para mabigyan ng chance na magbago ang mga nakagawa ng krimen. minsan baluktot na katuwiran yun. hindi lahat ng kaso eh, shoplifting lang o di naman kaya eh jaywalking lang. kung ganyan lang ang mga kaso okay lang ang preso. Pero kung ang kaso eh, murder o mas masahol… rape o di naman ay pedopilya, hindi na makukuha sa preso yan. hindi ako sangayon, kahit isumbong mo pa ako kay father. 
 
Kaya dumadami ang krimen kasi parang sobrang linient ng batas. Sabihan mo ang rapist ng “hoy pohtanamoka… 30 years ka sa preso ngayon with hard work” siguro ang isisagot niya sayo eh “carry lang” tarages. Sabi nga ni Ra’s Al Ghul; Crime cannot be tolerated. Criminals thrive on the indulgence of society’s understanding. 
  
Kung tutuusin mas maayos-ayos na ngayon kesa sa dati. Lethal Injection na ang ginagamit. Hindi tulad dati na electric chair o firing squad. Kung ako lang ang masusunod, and dapat sa mga pedopayl eh ihawin ng buhay tapos ipakain sa buwaya.walang kapatawaran bwahahahaha.
 Minsan parang ang rason pa ng iba para harangin ang pagbabalik ng death penalty eh dahil hindi daw makatao. paksyet. hindi makatao?!!!! tangenang yan. ang kaso eh gang rape, pagkatapos pagpasapasahan yung babae, pinagsasaksak pa. tapos pag hahatulan sila na tutusukan ng karayom na may lason ang tawag ng mga ultra rightist eh “hindi makatao” naknang bibeng duling.  
 
 Anyway…have you heard of Autoerotic asphyxia? ito yung orgasm habang sinasakal ang tao. habang humihigpit ang pagkakasakal nagkakaroon ng oxygen deprivation sa utak causing hypoxic euphoria resulting to sexual gratification. una itong nadiscover nung usong uso pa ang lynching. napansin na yung ibang binibigti ng dahan dahan eh nagkakaroon ng erection o kadalasan ay orgasm. tanungin moko? ano naman ang kinalaman nito sa death penalty? ang sagot? bakit hindi na lang death penalty by strangulation ang isabatas dito sa pinas para sa nga nagkasala ng rape at pedopilya. Naliban sa mura ng gastos dito compared sa lethal injection (na gumagamit ng chemical) or electic chair (gumagamit ng kuryente… natural, electric chair nga eh! bobo!). dito tali lang ang katapat. Hindi na siguro magrereklamo ang mga ultra right civil right groups. biruin mo, isa sa mga rason kaya nagawa nila ng krimen ay sexual gratification tapos mamamatay sila na sexually gratified. di ba?
  
nuff said.

Disturbed Slumber

For the likes of me who toil the midnight oil, literally, rest (a.k.a. sleep) is sacred. Call it blasphemy all you want but I care a rat’s ass about it. These days, I would stay in my bed until my back blisters and my behind feels really sore. And honestly? I feel fine. I only have few regrets in becoming a self proclaimed weekend bum; I miss writing. Yet most of the time I still feel that I am blameless. If you stare at a 24 inch LCD monitor, 8 hours a day , 5 days a week for a job, you wouldn’t want to see a screen glow for the next two days. But, Today is an exemption.
 
I started my Sunday (my Sunday clock starts at 9:00 am) with the usual trip to nanay Carmen’s turo-turo. A nilagang baka breakfast (Nanay Carmen’s especialty) every Sunday has become part of my routine. upon entering the carinderia, I waved at Nanay Carmen and give her the cutest school boy smile I could muster. She waved back at me but I noticed that the smile is not like what it used to be. Nanay Carmen is at her early 60’s. But despite the age, she still keeps a lively disposition in life. She loves to joke around, and calls me anak (like she does with almost everyone she likes).
 
It’s almost 3 years now that I frequent Nanay’s turo-turo. during those days when I was thinking that Manila is to congested for me and it’s nights are to gloomy, Nanay is one of those few people who showed me otherwise. Part of the few people is Tuying, a 7 years old son of a drunkard. I met Tuying one rainy September afternoon of 2005. It was must be a Sunday then because I’m at nanay’s place. I was at the middle of my steamy nilaga when a boy approached my as he did with everyone else in the place. he stood in front of my table and said “Kuya penge ng pera,” the tone is courteous. It must be a day after payday then that I felt generous. Most of the time, I would just say “wala akong pera, sorry”. That time I reached inside my pocket and gave him a five peso coin. After the boy left Nanay approached and sat at the available chair beside me. She told me the boy’s story. I learned that the boy is using the money for “baon” in school, that nanay let him eat the turo-turo everyday, That the boy’s mother is gone and his good for nothing father, as nanay would call him, is going. I don’t know but I feel impressed with the kid. With a life like that, ordinary kids should have given up schooling a long time, but not Tuying. He would go to school even if it means he have to beg his way to it. That was the beginning. I usually join the boy on his table when I come to the place and find him eating there as well (if he is not out begging for some money anywhere else). He talks a lot, but he also takes time to listen. A good sign of intelligence. He loves to joke around. He told me a lot of corny joke that you could only expect from a kid. The jokes eased the loneliness in me somehow. He is street smart, with the kind of life he has, he needed to be.
 
Today, In the middle of consuming my steamy nilaga, as I’ve done a hundred times before, I can’t help but to glanced at every table. Nanay approached my table and sat beside me, like she did a hundred times. She put her gentle hand over my arms and said “kailangan mo na ulit masanay kumain mag-isa tuwing linggo”, I looked at her face puzzled, she have this pained look painted on her usually smiling eyes. She told me that Tuying passed away last thursday, I was in shock. Other datails about Tuying’s passing escaped my understanding. I did not ask any question. All I understood is that he came to Nanay’s place after school with a fever. That Nanay took him to the hospital, That Nanay was there with him during those critical times and his turo-turo was closed. That some of the medicine that Tuying needed is so expensive and the Government hospital doesn’t have it available. It happened so fast, Tuying left this world a little after 4:00 AM last Thursday.
 
The nilagang baka all of the sudden tastes so bland. but what left bad taste to the mouth is that fact that a hundred of Tuyings are lying in government hospitals right now. With no medicines for them in the hospital pharmacy and with no money to buy it with outside. They will go back to search for answer in the only place in the hospital where service is for free, the chapel. Yet even that place won’t provide answers, it provides only hope. And hope is not something you could always hold on to. In Tuying’s case, Nanay could only do so much.
It is depressing to think that while our senate continuously talk about corruption in public television, we still can’t do anything about it. Hundreds of Tuyings are dying everyday because the money that should go to the coffers of the hospitals to buy equipment and medicines went to the pockets of officials who is worthy of public execution. We all know that a crime of corruption has been committed but what other things have we done so far aside from senate inquiry in aid of legislation? None! Our call for change has fallen on deaf ears. Senator’s who have expressed their willingness to run for the Presidency on 2010 is cautious in a making a stand on this issue. Is it to early to Sirs? What hope does the weak and underprivileged of this country have when the good people they believe in has lost their courage to fight for the right cause.
 
What do we have left? what do we have left but ourselves. Let this be an appeal, a call to arms. A call to arm ourselves with enough tenacity to keep fighting for justice when it seem lost. A call to arm ourselves with enough vigilance to keep us grounded from what is right and wrong. A call to arm ourselves with enough prayer to keep us guided. and a call to arm ourselves with enough hope that our heart will stand his ground. A time might come when our patriotism will waiver and our courage will fail, but it it will not be in this time. Not in our generation. A call to arm ourselves with enough fortitude to respond just in case history summon us to come together again.
 
Wake up from this deep slumber, I will…

Stand!

 Fist

It was 4:00 PM. Everyone in PBCom building was in a hurry to go home. Our training class was dismissed earlier than usual. The inter-faith rally has begun. The management is worried of hooliganism, the rest of us was just worried about walking the distance from PBCom tower to the MRT station in Ayala.

I packed my things, picked my back pack ang head towards the exit. speeches ang yells from the nearby Paseo de Roxas greeted me as I stepped out. Headed towards the underpass and was determined to start the long walk.

As we pass through Paseo, Enoch, a co-worker asked me if we could stay for a while and listen to what the politicians are saying. I was really not in the mood for hanging around that day. At the same time, I am not interested in listening to politicians saying what has been said before. The same banana, different day. You just get tired of it. At the same time, it actually feels like watching a comedy seeing Erap egging a President to step down (Whether that president was actually elected by the majority or won the presidency by fraud).  I Said no, but Enoch is persistent. Eventually, I agreed. As we move forward to get a better look at the crowd, I was amazed. It’s a sea of humanity. 

It has been a while since I last attended a protest rally. That was way back college years when I was still an active member of the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Cagayan Valley. Along the way things happen, somehow, you get disillusioned or simply got tired of things. That was the time when you turn your back and moved on.

I was beginning to feel dizzy, I was about to tell Enoch that I have to go, but he’s busy talking with someone. Eavesdropping to their conversation. I overheard that some protesters were unable to join the rally due to different reasons. Some were stopped at Laguna by LTO because of the Jeepneys permit to enter the metro and other groups were stopped because of phoney reasons.

I was thinking, If only the president allows the people accused of involvement in this multi-billion peso scam to come out in the open and try to clear their names, then there is no need for protests like this. Why is the Government so afraid of people coming together? Was it because there no longer any doubt in the mind of the populace that there are truths with Lozada’s testimony. Is the goverment (especially malacañang) beginning to fear its own shadow?

Right then and there, I feel like a college student again. Maybe, if the mind begins to forget, the heart never ceases to remember. Is my respect for my government taking a back seat if I ask myself how much I  love my country? The answer is without a doubt, YES!

During times like this, being neutral is a mortal sin. One needed to know if they are black or white. There is no middle ground for truth.

Enoch looked at me and said ” Tara na, malayo pa lalakarin natin” I looked at him and said, “una ka na bro, Maiiwan muna ako dito”.

mantsa!

Baba ng tricycle, takbo… pagdating sa may overpass, ikot sa may hagdan. Kung bakit naman kasi sinira ng mga taga MMDA yung kanang hagdanan. Dati naman maayos ang daloy ng tao sa overpass na yun. Hindi katulad ngayon na halo-halo ang amoy dahil siksikan ang taong paakyat panaog sa iisang hagdan. Minsan tuloy naiisip ko na parang sinasadya lang ng mga taga MMDA na sirain yung mga inprastraktura na maayos para may mapaglibangan sila. Pagdating sa taas ng overpass. anak ng bibeng duling… siksikan pa rin sa dami ng nagtitinda. habang papalapit na papalapit ang kapaskuhan parang kabuteng nagsulputan ang mga nagtitinda ng kung ano ano. halos walang madaanan ang mga tao. ako naman parang nagtitinikling sa mga panindang nakakalat.
Asa kalagitnaan na ako ng mahabaging overpass nang biglang may nagdatingang pulis. Medyo gumilid ako ng konti, alam kong habulan na ang kasunod nito. Ang mahuli, taya. pero ohmaygad, I was wrong. Tiningnan lang sila ng mga tindera, sabay tanong sa mga lalaking nagkumpulang parang bulbol sa isang banda, “asan si omar? tawagin mo, sabihin mo andito na ang mga kubrador”. sigaw nito. kubrador? parang hueteng lang ah. feeling ko masaya ang kasunod na mga mangyayari kaya minarapat kong magstay por a wayl. Dumating yung Omar, nilapitan yung mga unipormadong pulis sa gilid, nagngitian, kamayay, bulungan. hinihintay ko kung may beso-besong kasunod, wala. maya-maya ay lumapit si omar sa isang babaeng tindera na may kalong kalong na bata. “O ikaw na lang ang di nagbibigay ng parte mo” bungad numg Omar, sumagot yung babae na wala daw siyang pera. “magbigay ka na kasi para makapagtinda na tayo ng maayos” sagot ulit nung Omar. tangena, kung ang binebenta mo lang ay mga gamit na sapatos at may pinapakain kang pamilya, isa lang ang isasagot mo dun sa Omar. “Wala akong pera”.
Lahat gustong kumita ngayong kapaskuhan, sadly, pati mga pulis kasali.  Hindi ko matake yung eksena, bumaba na ako.
nakasakay nako sa bus, di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung tindera. mali yung ginawa nilang pagtitinda ng wala sa lugar pero gusto lang nilang kumita kahit papaano. Biglang huminto ang bus, may sumakay, naknang…pulis nanaman. At sa kasamaang palad, tumabi pa sa akin ang hinayupak. Lumapit ang kunduktor para maningil ng pamasahe, Hindi tuminag ang gago, ni hindi man lang nagkunwaring bubunot ng pera ang walanghiya. Hindi nagbayad. Nasa kasarapan na ng biyahe nung bigla akong naramdaman na may sikong nagpapapansin sa taligiliran ko, tumingin ako sa katabi kong pulis, nakangiti ito sabay nguso sa babaeng naka mini skirt sa kabilang upuan, Ngiting aso ang hinayupak na pulis, bumulong ng “ang sarap niyan parekoy” sabay punas sa nguso. Gusto kong sumigaw ng “Manyakis!!!!”
Nakakalungkot isipin na may mga pulis na mas malakas ang loob gumawa ng kalokohan pag naka uniporme. Nakakawalang respeto. may mga kakilala akong pulis na ang tingin sa kanilang uniporme ay sagrado. Meron namang mga walanghiya talaga. walang galang sa sariling uniporme. nakakadiri, Madumi. 
Pagdating sa may Farmers Market, huminto ang bus, tumayo yung pulis sa upuan para bumaba, tumayo na din ako, habang sinusundan kong pababa yung pulis, hindi ko napigil, pinagpag ko yung bandang likuran ng uniporme niya, tinanong niya ako kung bakit; sumagot ako.
Ice: Ser, uniporme nyo, may dumi
Pulis: Sige nga parekoy, paki pagpag nga ng konti
Ice: Pinagpag ko na ser, ayaw matangal, mantsa.
Pulis: Tangina, di bale, thank you
Sa isip-isip ko, “tangina nga ser, tangina nga!”
————————————– P.S.—————————————
with that said, isn’t it nice if this happens once in a while?
Pulis

Streets of Manila Chronicles: MMDA Urinals

Hindi ko alam kung tama ang pananaw ko sa buhay o talagang ipinaglihi lang ako sa sama ng loob. Kasi ang dami ko daw napapansin na hindi na dapat pinapansin. Ang problema naman kasi. Parang Palaging kontra-pelo ang mga pinaggagawa ng mga taong dapat sana ay gumagawa ng paraan para gumanda ang mga lansangan dito sa Metro Manila.

Una sa listahan ko mga MMDA Street Urinals, Tama ang Ideya, mali ang application. Naranasan mo na bang dumaan sa tabi ng public urinal? kung hindi pa, subukan mo minsan, babaliktad ang sikmura mo sa panghi. naknamputsa naman kase, sa inaraw-araw na ginawa ng diyos, daan -daang kalalakihan ang nagbubuhos ng sama ng loob sa urinal na yan pero once in a blue moon kung malinisan (kung nalilinisan pa). Kaya tuloy sa tuwing dumadaan ako tabi ng mga urinal, sinasabihan ko ang sarili ko ng paulit-ulit “Wag hihinga, mabaho ang kubeta, wag hihinga baka ka masuka!”

Isa pa, Nagiging paboritong tambayan ang Urinals na yan ng mga hinayupak na perverts.  Ang aking peyborit bespren na si Annie nabiktima ng pervert sa urinals na yan.  E paano ba naman, may sapat silang rason para ilabas sa kanilang mga pototoy sa kinalalagyan. (alangan naman umihi sila na hindi inilalabas yun) ang problem asa gitna ng mataong lugar ang urinal na yan at walang sarado ang pinto. Dumaan si Annie sa tapat ng pinto ng biglang may sumitsit sa kanya, paglingon niya “SURPRISE!”, tangena.  Sabi ni Annie “It felt like I was devirginized all ober agen” Sagot ko naman “Away mo nun, You get deveriginized like once in every week?”  Pero regardless sa feelings ni Annie. Maling mali talagang maglagay ng ganyang urinal sa mataong lugar. 

Wala ring namang pinagkaiba, Ang tao kung talagang bastos, Iihi na lang sa pader yan kahit saan. Ang tao pag may breeding, Maghahanap yan ng palikuran para makaihi. Ang daming CR sa metro. Meron sa mga bus terminal, sa mga food chains, sa mga resto, sa mga malls. hindi naman bawal makiihi sa mga yan. Sa paglalagay ng urinals sa kalagitnaan ng pampublikong lugar  ay masakit sa mata, bukod sa kulay pink ang hinayupak, para nageencourage pa ito ng masamang ugali sa pag-ihi kung saan saan.