Category Archives: Tuguegarao Diary

Awt Op Konteks

Walang magawa, nagboblog hopping ako sa mga paborito kong links nang napadaan ako sa blog ni Witchy. click dito, basa doon nang nagawi ako sa comment section ng latest entry niya. Sinagot niya yung isang comment ko sa dialect niya. Ang nakakalungkot, hindi ako marunong magbisaya. Masarap basahing yung nakasulat, may rhythm yung dialect, di ko lang talaga maintindihan. Pinilit kong intindihin, nilapit ko ang mukha ko sa monitor sabay bunot ng tissue sa container, pamunas ng dugo na unti-unti nang umaagos palabas ng ilong ko. Ayaw talaga.

Naalala ko tuloy ang sarili naming dialect sa Cagayan. Marunong ako ng tatlong dialect; Ilokano. Itawes at Ibanag. Kaya minsan napapaghalo-halo ko na ang mga words. Minsan may kausap akong Ilokano, asa kasarapan na ako sa pagkukuwento nang mapansin kong parang lumalangoy sa bagoong ang mukha ng kausap ko. Saka ko lang na realize na nasisingitan na pala ng Itawes at Ibanag words ang ilokano ko. Ang masama pa doon ay ilang beses ko nang nasasabi ang salitang “takki” na ang ibig sabihin sa Ibanag ay “Paa” ngunit sa ilokano ang ibig sabihin noon ay “tae”. Isipin mo to; Ang gusto kong sabihin ay “Naapakan ko ang paa nung chicks” ang pagkakaintindi ng kausap ko eh “Naapakan ko ang tae nung chicks” pohta, isipin mo, out of context na nga, mapagkakamalan ka pang abnormal.

Ang daming bagay-bagay sa native dialect ang inosente kung tutuusin. Pero dahil nga diverse ang culture ng pinoy, and each culture comes with its own set of dialect, nagkakaroon ito ng nuisance pag naghalo.

Meron pang minsan, pumunta ako sa maintenance department para maghanap ng washer. Yung bilog na metal na may butas sa gitna na kadalasan ay pinaglulusutan ng pako pagnagkakabit ng yero sa bubong. Ang tawag nun sa Itawes ay “huli” and tawag nun sa ibanag ay “Vuli” at sa ilokano ay “Buli”. Ang nadatnan kong  tao sa maintenance ay si Miss(pronouced as missed dahil tumanda nang dalaga) Melda na mas kilala sa opis sa tawag na Liz, short for Elizabeth (Ramsey).

 Ngumiti ako ng malaki sabay sabi ng “Miss Melds meron ka ba ditong… ah… yung bilog na… yung…” hindi ko mahagilap sa utak ko kung anong tagalog ng washer “…yung ano… yung…Buli”. Sa di ko malamang dahilan parang nabigla ang ale tapos biglang namungay ang mata.

“Ano ulit ang hanap mo?” tanong nito sa akin na parang may landi ang boses.

“yung ano…” sabi ko sabay pinagdikit ang thumb at pointer finger pabilog. “Buli… yung ano… hindi ko kasi alam sa tagalog e”

Biglang dumating yung isang ale sa maintenance, tinanong kung anong kailangan ko. Sinagot siya ni Miss Melda ng Dialect. nagusap sila ng medyo makagal. wala akong naintindihan. pagkaraan ng ilang minuto tinanong ulit ako nung ale kung anong kailangan ko. Lumapit ako sa mesa at idinrowing ang itsura ng washer sabay explain ng gamit nito.

“ahhh…” sabi ni ate “yung parang sa bubong?” tanong nito.

“Yun nga!” sagot ko.

Tumawa pa ito ng malakas bago sumagot ng “Wala kami nun dito eh.”
Tinanong ko sa kanya kung anong nakakatawa. binulungan niya ako “Alam mo bang ang ibig sabihin ng buli sa Bicol ay pekpek?”

Nagulat ako, lumaki ang mata, namula ang mukha sabay lingon kay Miss Meldang namumungay pa rin ang mata.

Sumagot ako “hindi po” sabay talikod at nagmamadaling lumabas ng pinto. Habang nagmamadali kong binabagtas ang parang sumisikip na corridor, Panay ang bulong ko sa sarili ng “Okay lang yan, di mo alam, Okay lang yan, di mo alam”

Advertisements

Back to Basic

I resigned from may last Job. Wahoooo!!!! I will start working with a new company next monday. Wahooo ulet. Ang sarap magbakasyon, kaso lang napabayaan ko ang mahal kong blog ng ilang dekada. Kaya after the longgggggg hibernation. start na ulet.

Hindi ko lam kung paano magsimula. nakalimutan ko na yata magsulat. Ito ang masamang dulot ng bakasyon, inaagiw lahat pati utak. naalala ko tuloy yung kwento ng pinsan ko dati. kasi daw nakalimutan nung BF ng bestfriend niya yung bestfriend (yung gf ng bf..Malabo ba? yaan mo na.) niya after ng mahabang bakasyon. Nak ng bibeng duling, hindi yun dahil sa bakasyon. malamang dahil yun sa monay na iba ang timpla. pag nakalimutan ka ng BF mo, ibig sabihin nun malapit na matapos ang show. Okay?!!!  Kasi kung iisipin mo ng mabuti, Para mo na ring sinabing tinanggihan ng askal yung hopyang tinapon mo sa kanya, di ba? unless nakatikim ang hinayupak na askal ng Alpo.

Ang hirap mag-isip pag ganito. parang kang lasing na hindi mo maintindihan. Alam mo ang ginagawa mo pero di ka makapag-isip ng matino. Ilang oras kang nakatitig sa monitor pero. Ang mga kasambahay mo nakatingin na sayo, nagaalala na. Siguro naiisip nila nasisiraan ka na ng bait, nakatitig sa blankong screen na parang nagbabasa pero walang nakasulat. Mapagbibintangan ka pang sira-ulo ng di oras. Parang yung lalakeng may problema sa pag-iisip sa probinsya dati. Walang direksyon ang lakad, walang tino and ginagawa. Minsan nabuhusan yun ng beer dahil bumangga sa mesa ng Ihaw-ihaw, basang basa ang pobre. Sa kamalas malasan hinuli siya nung baguhang pulis sa pag-aakalang lasing lang hinayupak dahil hindi deretso ang lakad at sa pagaakalang nagwala ito sa ihaw ihaw at amoy alak. Kinulong hanggang mawala daw ang kalasingan. dalawang araw ang pobre sa kulungan, tinatanong na nung pulis kung ano ang ininom niya kasi dalawang araw na hindi pa rin sober ang hinayupak. Saka lang siya pinalabas nung nalaman niyang baliw yung ikinulong. Bobo.

Tangena, wala talaga akong maiisip isulat. Kailangan yata ng utak ko ang isang matinding overhaul. Maraming Ideya ang naglalaro sa utak pero walang lumalabas. Parang yung gulong ng tricycle ni Maryong Pururut na kapitbahay namin nung maliit pa ako. Tatlong gabi ko din pinagtangkaang pasingawin ang hangin sa pito ng hinayupak na tricycle. Ang Dahilan? Dahil sa pagpapahabol niya sa amin sa aso niyang galing sa impyerno pa ang breed kasi nalaman niyang kami pala ang umuubos sa bunga ng tanim niyang makopa.  Muntik makagat si Kokoy.  Tatlong gabi ko pinagpuyatan ang maghintay na makatulog sila para matanggalan ko ng hangin ang gulong ng demonyong tricycle. Pero tatlong gabi ko nang pinag-aaralan ayaw talagang sumingaw. frustrated talaga ako. Puno ng hangin pero ayaw sumingaw. Sa ikaapat na gabi, di ko na pinagaksayahang paglaruan pa ang pito ng gulong. Tinusok ko na ng kutsilyo. Mas madali.

Ang ganda ng komparison pero ayaw kong gawin yun sa utak ko, hayaan ko na lang ang ideya sa loob lalabas din yan sa tamang panahon. Ayokong madaliin.

Wala talaga akong maiisip isulat. Di bale, bukas susubukan ko ulit.

Back to work

Kahapon habang nag-eempake ako ng gamit pabalik ng Manila, parang ang bigat na pakiramdam ko. Kung iisipin mo nga naman ang stress na daratnan mo dun, Santambak na paper works, Galit na boss, Mga taga MMDA na mukhang hindi naliligo… tipong mapapaluha ka talaga.
Sa ilang araw na nabakasyon ang katawan ko sa probinsya, parang nakapagrelax ako ng husto, ang masama parang ayoko nang magtrabaho, Asar. Kinausap ko ang sarili ko para kumbinsihing umayos na, kailangang bumalik sa manila para maghanap-buhay, sa maniwala ka’t sa hindi, nagdadahilan pa sa akin ang hinayupak. Kung tutuusin mo naman, para sa akin, medyo may rason naman ang dahilan ng kausap ko sa salamin. kaso lang lang hindi sapat. Kesyo ayaw na daw niyang sumakay sa kalawanging bus, ayaw na daw, makaamoy ng mabahong urinals sa side walk, Ayaw na daw ng lansangang amoy usok. Ang arte ng hayop. 
Okay lang naman ang manila, andito ang maayos na trabaho kahit medyo stressful ang buhay. kaya lang naman stress-packed ang metro kasi sa byahe pa lang pagod na ang mga mata mo sa nakikita mo. Ang pinaka-ayaw ko lang dito ay yung mga pulitikong show-off. Yun bang tipong campaign period araw-araw sa dami ng tarpauline sa nakasabit sa mga linya ng kuryente at telepono. yung mga tipong; Pakubetang handog ni Counselor XXX, or Paututan ni Meyor XYZ, Rolling office ni Vice Mayor. Congratulations kay Brgy Captain Juan Galing kay Konsehal Pedro. Lugawan ni Kaka, Happy Fiesta Next Year, en so on en so port.  Imbes na makatulong tong mga pulitikong ito na mapaganda ang manila, sila ang unang nakakasira. Eh kung siguro bibilangin natin ang accumulated cost ng mga tarpauline na yan pwede nang magpakain ng ilang pamilya sa isang buwan.
Idagdag mo pa sa listang yan yung mga kulay dead-pink (as in walang kabuhay-buhay) na overpass at ang hopeless na mga poste ng MRT na nilagyan ng chicken wire para subukang tamnan Cadena de Amor, Kung papansinin mo ngayon, yung mga chicken wire kulay itim na dahil sa usok, yung mga kadena de amor, malnourish. hindi makagapang dahil sa tamlay.
Magkagayon pa man, hindi yun rason para hindi ako bumalik sa trabaho. Kailangang makumbinsi ko ang sarili kong lumuwas ng manila, kundi tanggal ako sa trabaho. Pero lubhang matigas talaga ang ulo ng hinayupak. Nung hindi ko na mapigil, Tinitigan ko siya sabay sigaw ng “Pag hindi ka umayos, iiwanan kita dito.”
Sa awa ng Diyos, pumayag naman.

May Tama Ka!

I hit the bed around 11:30 PM. Medyo inaanticipate ko na na magiging maganda ang araw bukas. Kailangan ko nang magpahinga. Siguro umabot din ng 15 minutes bago ako nakatulog. Ayos na sana ang lahat nang bigla kong maulinigan na tumunog ang aking cellphone. Dahil nga sa inaantok na ako, hindi ko na lang pinansin. Medyo papikit na ulit ang mata ko nang tumunog nanaman. this time, tatlong sunod sunod na text. Sinundan ng miss call. Biglang napamulat ako, tumitig sa kisame, Anong emergency kaya ang nangyayari at sa ganitong disoras ng gabi ay nakuha pang magpatunog ng cp ang hinayupak.  Takbo ako sa cp, binuksan ko ang message; Tol’ emergency!  tumatanda ka na. bwahahaha. happy birthday!!! painom ka. Napangiti ako. parang hudyat naman yung aking perfect smile para magsipasukan ang message sa cp ko. May galing sa kapamilya. mga kaibigan, kamag-anak, past girlfriends mga tambay sa kanto at yung baranggay tanod sa kabilang ibayo.

Naisip ko, oo nga bertday ko na nga pala… Ano bang maganda ang nagawa ko sa nakaraang buong taon ng buhay ko? May mga nagawa akong mabuti at tama para sa kapwa ko this past year? Naglilinis na ako ng kuwarto ngayon, naghahanap buhay na ako ng marangal (Ayoko na ulit bumalik sa buhay ng pagiging kubrador ng hueteng, nyahahaha… joke). pero hindi ibig sabihin noon na okay na ako. Kahapon iniisip ko kung anong dapat kong gawin para maging makabuluhan ang araw na to. Hindi ko naisip na maaga itong mag-uumpisa.  Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa baba. dali-dali akong bumaba. pagkabukas ko ng pinto. nagulat ako sa aking nakita. Mga kaibigan ko, ang unang tanong nila, “may yelo ka ba diyan? mainit na tong san mig light, yung letson manok, malamig na, alas diyes pa kami nakatambay sa kanto, bakit ba ang bagal dumating ng alas dose pag-ikaw ang nagbebertdey?” natawa ako. Naisip ko, “siguro nga may nagawa din akong tama sa buong taon, kasi kahit papaano, may mga nakakaalala at nagmamahal pa din sa akin”  😆

Transcendence!

My entire body is still sore from the long travel home. My left elbow, The one I dislocated some couple of years ago is aching due to the weather of Cagayan and partially due to some stupid reason when I fell off my seat inside the bus.  Its a trip I’d rather forget in a day worth remembering. It is the day when Badoodles and His Bebe would exchange wedding vows.

I arrived at the Tuguegarao Cathedral at around 6:00 in the evening. The entire ceremony is about to kick off. The sponsors are ready for the entrance. I saw Badoodles standing infront of the pack. His face broke into a smile as he saw me approaching. But make no mistake, he is nervous. but come to think of it, who wouldn’t be nervous in their wedding day?. After a few laughs and some male-hormone-induced-verbal-fencing, I left him alone so he could do his thing.

I was standing alone at the back when I noticed that I wasn’t really dressed for the occasion. It is a formal attire accassion and guess what I was wearing. A rock shirt, jeans and a chuck taylor. Stupid me. 

The ceremony is about to begin when the videographer asked me if I could help in opening the Cathedrals massive door. I asked what for? the door is already open. He said it’s for the effects later. The door would open and Jude will walk slowly towards the altar. I said “Ok. I’ll do it”. They closed the door when the wedding march began. Me and the guy in a polo shirt stood behind the doors. I peep through the gap to see if other people are still outside, Instead I saw the bride standing on the other side, too close to the door. She appears calm but she’s breathing deeply. I whispered through the gap.

Ice: Relax, everything will be fine.

Jude: Who’s that?

Ice: Just relax, its your day. You’re beautiful.

Jude: Ron? is that you. hahaha Ikaw nga, good you can make it.( she recognized my voice)

Ice: Didn’t I tell you I won’t miss this for the world?

Jude: Dapat lang! Dapat lang!

It’s then when the videographer gave the signal to open the door. Then their Magic moments began. It was a walk that could have taken eternity to walk. I was there when it all began. Jude was a friend and classmate during my Paulinian days in Tuguegarao. Badoodles on the other hand is a friend since my Louisian days (school hopping was my hobby then), He was my first editor-in-chief in the Louisian Courier. We’ve been in countless absences together. Series of bull session, spent hour in panciterias, we debated against each other during provincial debate series, shared secrets, went to conventions together, we entered the lair of the Cordillera Peoples Liberation Army together (along with Waki, ehem, Waki) for an interview and also because no school paper has done it before, we even worked in the same company after college days. if someone would ask me to describe badoodles during those days, I would definetely tell them “Ink runs in his veins”. He maybe, just maybe the best Student Editor that ever held the the top post of the Courier, Even better than me (considering that I thought myself to be the best editor already, nyahahaha).

Their wedding also became a sort of reunion for old school paper friends, Liza was there, so is Lance and Sofi and Jose. Javi and Maeng was also in attendance. The old naughtiness just began working its magic again as if no time was lost. It was fun. It’s always good to have old friends around.  As the couple exchanges vows, I just can’t help but utter a silent prayer for them. These are good people who have some flaws like the rest of us, but still good people. They deserve to be happy. I whispered “Please make it work for them. With all my heart I want them to be happy. These two individuals are my friends”. I am happy for them.

And when I told them that I won’t miss their wedding for the world. I meant it.

Jude Rexx

(The photos are blurry but it served my purpose. Its not for me to show everything. If the couples wishes to show it to the world. It’s their option, afterall, It’s their moments)

Horror Bus

“pre malapit na kasal ko. wag mo akong dramahan ng ‘i won’t miss it for d world’ kung wala ka namang balak pumunta. haha. wag ka ding magrerequest ng stag party, kung meron man, e bring ur own. saka pag nagregalo ka, ibalot mo din tulad ng sa christmas program nyo

Ito ang simpleng message ni badoodles na kunyari ay comment. Sabi ko naman ulit ‘i won’t miss it for d world’. Kaya kahit halos hindi pwedeng umuwi, pinilit ko talagang umuwi. Honestly, hindi ako nahihiya kay badoodles, sa dami ng katarantaduhang pinagdaanan namin niyan, nawala na ang hiya ko sa kanya. Nahihiya ako sa bebe niya na naging kaklase at prend nung college. Kaya nagkumahog akong umuwi. Napilitan tuloy akong magsakit-sakitan nanaman para sa D-Day nila.  Tawag sa offis at sinabing may sakit ako. Nagtext si Manager, “Okay, basta dalhan mo’ko ng pasalubong na Medical certificate pagbalik mo ha?”. Ayos na! ‘di lang ako sigurado kung san pwedeng bumili ng medical certificate pagbalik ko.

Alas Siyete ng gabi ng makarating ako sa terminal. Wala masyadong tao kaya okay lang. pagkasakay ko ng bus, binuksan ko ang bag ko para kunin ang aking mp3 player. Isinasalaksak ko na ang mga earbuds ng player nang mapansin kong parang may mali sa bag ko. Paksyet…Nakalimutan ko ang aking jacket. Takbo ako sa konduktor ng bus, Tinanong ko kung malamig ba ang aircon dito kasi wala akong jacket, Sumagot siya, “Hindi, parang hindi nga airconditioned bus to eh” ayos, bulong ko sa sarili, At least okay lang.

Palabas na ang bus sa NLEX nung medyo nakakaramdam ako ng ginaw. Parang nagkakaroon ng moist ang mga bintana. Masamang senyales. Pagkarating namin sa Nueva Ecija parang umuusok na ang bibig ko tuwing humihinga ako. Tangena, Tama yung hinayupak na konduktor, Hindi nga airconditioned bus ang nasakyan ko, Walk-in freezer ang hayop! Di nako mapakali. Naisip ko, siguro kung maitutulog ko hindi ko masyadong mararamdaman and ginaw. Mahirap makatulog pero unti-unti din ako napapaidlip. Okay na sana ang lahat nang biglang may kumalabit sa siko ko, yung matandang asa kabilang upuan, tinatanong niya ako “Iho, malapit na ba tayo sa Santiago?  Huwaaaa!!! Sabi ko “Nay, asa Nueva Ecija pa lang po tayo. Sa kabilang panig ng mundo pa po ang Santiago.

Pagkarating namin ng Aritao, Nueva Vizcaya, bumaba ako para kumain, Sa pagkakataong yun ko lang nalaman ang kahalagahan ng stopover. Nakita kong may ibinebenta silang kumot. Light brown ang kulay. Kahit duda ako sa kulay nung kumot, binili ko na din. Pagbalik ko sa bus, binuklat ko yung kumot, tinabihan ako nung isang lalake sabay sabi ng, “Bro pwedeng pa-share ng kumot, mukhang malaki naman”. Anaknang… Malaki!!! Isang dipa kwadrado lang yung kumot, malaki??  Naisip ko na lang “Siguro pag frozen na ang kalahati ng utak mo, lahat ng bagay malaki”  Pagkaupo namin, sabi ng kumag “Ang lambot nitong kumot pre, sarap haplusin saka cute ng kulay, Light Brown” Sabi ko, “Puti dati yan!”, nagbabakasakaling mandiri ang hinayupak, walang reaksyon. pagminamalas ka nga naman.

Pagdating namin ng santiago, laking pasasalamat ko nang bumaba yung lalake. At least solo ko na finally yung kumot. Pero kahit mag-isa na ako, di pa rin maawat ang lamig ng bus. Pinatong ko ang paa ko sa upuan, niyakap ko ang aking back pack sabay namaluktot sa upuan, sabay takip ng kumot. Medyo maganda ang resulta. nakaramdam ako ng konting init. Ang sarap na ng tulog ko ng biglang pumreno ang bus. Napansin ko na lamang na asa sahig na ako ng bus. Bumagok ang siko kong nadislocate dati sa kaharap na upuan. Napaluha ako sa sakit. Sumigaw yung driver “Ano yung bumagsak?” Sumagot ako. “Yung pack pack ko!”Pagdating namin ng Tuguegarao, bumaba akong hawak-hawak ang siko ko. Tinanong nung konduktor, “Ano yan rayuma!” Sumagot ako “‘lul, rayuma? sa siko. rayuma? Bumagsak ako kanina” Natawa siya, “Akala ko ba, back pack yung bumagsak?” Oo nga, back pack nga! bumagsak, kasama ako! Pasakay na ako ng tricycle nung humabol yung konduktor, hawak niya yung kumot. naiwan ko sa loob, nagpasalamat ako sabay bulong ng, “pre’ dapat siguro, ipabless nyo na yang bus nyo. nuknukan ng malas eh” tumawa lang ang hinayupak.

—————— P.S.

Dear Badoodles,

Reregaluhan sana kita ng pridyider kaso lang mahirap balutin yon. Masyadong malaki. Yaman din lang ng gusto mo ng may balot, reregaluhan na lang kita ng baso bukas (yun, kaya kong balutin).

Ice 

Of Chills and Soul

I woke up around 4:00 AM. My XM Radio Online was playing Christmas carols. But something is missing. I am wearing shorts and an old sando, and it doesn’t feel right.  It feels like I am missing a part of my very soul.

I grew up north,  In TuaoCagayan Valley. Probably around 99.98% of the Filipinos haven’t heard the place. It’s a small laid back  town  near Tuguegarao City. Home to more than 26,000 people.  If you happen to visit the Basilica Minore of the Lady of Piat, you will notice that the Basilica is overlooking sleepy old town that stand humbly between the mighty Cagayan River and the majestic mountains of the Kalingas and the Apayaos. That place is Tuao. Home of my childhood. Whose sun kissed soil was forever witness to centuries of perfect sunsets and of countless mist embraced dawns.

December is the time of the year when I usually drown myself to 3 layers of blankets and piles of pillows. When even the crickets would not sing their song because of the cold. When I feel happy lying in the dark listening to Christmas carols buried beneath the blankets.

Manila is whole different world for me. Though I’ve been here for a couple of years now. Manila is beautiful as it is stressful.  I miss the morning fog of Cagayan. It’s chilly wind at dusk and the care free smiles of its people.

Every night, as the bus, taking me to work, was passing through Quezon Memorial Circle, where the trees stand proudly amidst the chaos that was Elliptical Road.  I open the window and closed my eyes. I allowed the cool air to caress my face. I let the sensation take me to another place. Back to Cagayan, where the December chill could freeze ones soul into a state of childhood forever.

 Ahh… How I yearn to be home.