Sleep Talk

Let’s talk about the all sacred sleep. How long can you sleep during day time? How long will it take until you totally get adjusted with graveyard shifts and day sleep?

Naalala ko, bago ako pumasok sa trabahong ito, tinanong ako ng nanay kung kaya ko daw bang magtrabaho sa gabi. Dahil sa may katiting naman  akong tiwala sa sarili, sabi ko naman, “kayang kaya, ako pa”. dahil nga napasubo na sa kayabangan, pinilit kong pumasa sa interview, ginalingan kong mag-ingles dahil cute yung nag-iinterbyu, awa ng Diyos, ayun pumasa naman. Nag umpisa ang training, madali lang ang consonant at vowels, sinabihan na kasi ako dati sa kung anong dapat kong ieexpect, pero ampohta, walang nagsabi sa akin na mahirap matulog sa araw.

Ilang araw akong apat na oras lang ang tulog, pumapasok ako sa trabahong namumungay ang mata, parang bisugong lasing ang hilatsa ng mukha. Ang hirap matulog, ang nakakatawa pa, pag tinanong ka kung bakit parang inaantok ka, ang sagot mo; “di ako nakatulog buong araw eh?” Ayan,  diyan mo marerealize na baliktad na mundo mo. Napupuyat ka na sa araw, kaya inaantok ka na sa gabi.

Kinakabahan na ako sa kulang kong tulog, nag research ako sa internet about sleep deprivation para naman medyo mafamiliarize ko ang sarili ko sa kawalan ng tulog at para mawala na din kaba ko sa kalusugan ko. Pero naknanggalunggong, alam mo ba kung anong nahanap kong topic? Eto- How lack of sleep could shorten your life. Diyos na mahabagin, sino naming Poncio Pilato  ang makakatulog sa topic na yan. Parang nananakot.

Eto ang listahang ng mga topics and facts na hindi nagpatulog sa akin ng ilang araw. Pagpalain nawa ang mga author na nagsulat nito, asshole.

How lack of sleep affects your memory. Ito ay tungkol sa study sa US na nagdidetalye kung paano bumababa ang activity ng the temporal lobe sa brain pag may sleep deprivation. Ang temporal lobe ay ang parte ng utak ng tao na namamahala sa language processing. Isipin mo, kung ilang oras ang dapat mong ipuyat sa call center bago mo tuluyang makalimutan mag English.

Sleep deprivation and life span (sabay sign of the cross). Ito naman yung study na nagpapatunay daw na mas mahaba ang buhay ng mga taong nakakatulog ng seven hours pataas kesa sa mga taong natutulog lang ng anim na oras pababa. Ayon kasi sa pag-aaral na ginawa, kailanngan daw ng isang adult ng  pito hanggang walong oras na tulog para hindi maging lapitin ng sakit. Nyahaha. Nakakatawa, sa call center kasi, yung mga agents minsan, gustong magkasakit, yung iba naman nagsasakit-sakitan talaga para lang makapagabsent. O di ba? Aminin mo pare. Seven to 8 hours na tulog? Letse, paano ka pa naman makakagimik nyan?

Pero ito ang nakakabuwang sa topic na ito. May isang research na ginawa din sa US about the effects of sleep na ang mga respondent or test subjects ay mga cancer patients. Mahigit isang milyong pasyente and naging bahagi ng research na ito at napag-alaman na ang mga pasyenteng natutulog lang ng apat na oras pababa ay mas mahaba ang buhay kesa sa mga pasyenteng natutulog ng mahigit sa pitong oras. Naknggalunggong. Ano ba talaga ang totoo at dapat paniwalaan? Kanina lang mas maigsi and buhay ng sleep deprived, ngayon naman mas mahaba. Naisip ko tuloy, siguro depende na and sagot sa psychological set-up ng tao. Ito na siguro yung sinasabi ng professor ko dati na half empty or half full. Pag pessimist ka daw, ang baso na may laman na kalahating tubig ang tingin daw niya dito ay half empty, pero pag optimist ka, ang tingin mo daw sa basong kalahati ang laman ay half full. Ampohta. Kung buhay ko ang pinag-uusapan, lagi akong half-full.

Tapos eto pa; Effects of sleep deprivation to the human behavior. May lumang kasabihan na, “Magbiro daw sa lasing huwag lang sa bagong gising”. Tama naman, pero kulang, dapat ”Magbiro ka sa lasing huwag lang sa bagong gising na kulang sa tulog” o mas masahol ang “magbiro ka sa lasing wag lang sa bagong gising na lasing na kulang sa tulog” Sabi kasi sa topic na ito, Mas madali daw mag-init ang ulo ng mga taong kulang ang oras ng tulog lagi. Yun din siguro ang dahilan kaya bumili ako ng pellet gun para dun sa pusa ng kapit bahay naming na kahit tanghaling tapat ay nag-iingay na parang batang umiiyak. Ang ingay sa lovemaking ang hinayupak na pusa. Parang nang iinggit. Sa susunod titirahin ko na ng pellet gun ang hinayupak na pusang yon.

Ano pa bang topic ang meron? Ah, di bale saka na lang, tulog muna ako.

 

Tambling at Bad Manners

Pababa ako ng hagdan ng Ortigas MRT nang biglang may nagsigawan tapos parang may malaking bagay na bumagsak tapos biglang may nagtatakbuhan nang mga tao sa paligid. Ako naman parang hinintuan ng music habang nag i-statue dance. Bigla akong napahinto sa paglalakad. Yung lolang sinusundan ko napahinto rin sabay hawak sa dibdib, bakas sa mukha ang tanong na “anong national emergency ang nangyayari?” Di ko din alam ang sagot. Ang alam ko nagtatakbuhan ang mga tao, pag di ako bumaba, mag-aala humpty-dumpty ako pag biglang nagkatulakan. Napatanong ako kung katapusan ko na. Napadasal ako bigla…pakshet… wag muna Lord.

Pagkarating ko sa baba, nakita ko, mga kaminero lang pala ng MMDA. Pilit nilang hinuhuli yung nagtitinda ng kendi sa baba. Naknampota. Halos atakehin sa puso yung Lola sa hagdan dahil napagtripan ng mga hinayupak na taga MMDA makipaglaro ng tag sa naglalako ng kendi.

Yung lalakeng ala Robin Padilla ang arrive (nakajacket ng leather sa tanghaling tapat at nuknukan ng init, naka-shades) na biglang nagtutulak nung magkasigawan eh tumakbong dirediretso dun sa concrete barricade ng MMDA na nakahilera dun sa driveway palabas ng Megamall. Siyempre komo action star nga ang dating hindi na sinunod ang tamang daan. pilit niyang tinalon yung barikada, Sumabit ang paa niya sa bakod. yung talon biglang naging dive. Nagkasigawan ulit mga tao dahil sa kanya. 

Lumapit ako at tumingin sa likod ng barikada, yung lalake, nakaluhod na sa semento, pilit inaangat yung sementadong takip nang drainage system. Pagka-angat niya sa mukha niya, nakitang kong ang daming galos sa mukha niya, ang ilong niya namumula, putok ang nguso, yung shades basag pero nakasabit pa rin sa tenga. Tumingin siya sa akin sabay sabing “Sumabit, tambling..hehehe” Ako naman halos gusto kong humagalpak sa tawa… Nauutot nga ako sa kapipigil. Tinanong niya ako kung pwede ko daw bang tawaging ko yung sekyu. Di ako sumagot. tapos tinuro niya yung nga butas ng drainage system at sinabing, “yung cellphone ko, laglag” pumutok na ang tawa ko di ko na napigil. kumaripas ako ng takbo para tawagin yung guwardiya at para maitago ko ang tawa ko.  Alam kong bad manners na pagtawanan ang kapwa mo pero…sori di ko talaga napigilan eh.

Kasalanan lahat to ng mga Kaminero ng MMDA. Naknampota, kung hindi dahil sa mga hinayupak na yun hindi sana nagkagulogulo. Hindi sana tumambling si Robin, hindi rin nalaglag ang cellphone niya sa drainage. Hindi rin sana ako nagkasala sa pagtawa ng malakas. Bad manners.

Litanya Con Todo

drive

Ang sabi ni Annie ang hirap daw ng kalagayan ng babae. Minsan pag kausap ko tong hinayupak na to eh di ko alam kung nagpapaawa effect lang o talaga ngang kalunos-lunos ang kalagayan ng mga kababaihan natin dito sa mundo.

Panay-panay nga ang tanong niya kay Lord kung bakit daw ang daming kailangang tiisin ang mga babae. Bakit daw parang simula nung panahon ng Genesis eh tipong may discrimination na sa mga kalahi ni Eba. Kung may court of appeals lang ang langit malamang sandamakmak na apela na naifile nitong si Annie. Isipin mo kung gaanong kalaking abala nun kay Lord.  Isipin mo naman pagka deny ng isang apela, pihadong magfafile pa yun ng motion for reconsideration. 

Sa tuwing kausap ko si annie hindi niya maiwasang maglitanya tungkol sa menstruation, kesyo bakit daw babae e lang ang nagtitiis ng dysmenorea (di ko alam spelinging eh)  buwan buwan, kesyo bakit daw babae ang kailangang manganak. kesyo bakit daw ang lalake isang tiisan lang sa tule. parang isang isplat lang tapos tapos na. pwede pa daw iwasan ang tule kasi free will naman daw maging supot. Naknangtokwa.

Kung iisipin mo may punto rin naman ang hinayukap na si Annie eh.  May mga kapatid akong babae, witness ako sa pinagdadaanan  nila every full moon. Ang ikinaiinis ko lang minsan ay kung bakit sa bilyong bilyong babae nabubuhay sa mundong ibabaw siya lang yata ang hindi kuntento sa pagiging babae. Kung tutuuisin, hindi naisip nitong si annie na maging ang kalalakihan din ay sala sa init, sala sa lamig. Katulad na lamang nung isang araw habang nakasakay ako sa mrt, may pumasok na babae. Syempre naman tumayo ako sabay offer ng upuan. Sumulyap lang sa akin yung babae sabay biglang tingin sa labas ng bintana ng tren. Kinawayan siya nung lalaking nakaupo sa tabi ko sabay sabing “miss upuan daw o.” Biglang siyang tumingin sa lalake at sinabing “Do you really think I need that seat? do you think we are the weaker sex?” dirediretsong banat niya sa ingles. Nabigla ako. yung lalakeng katabi ko parang nakuryeteng dalag. Biglang natameme. Kahapon habang asa bus ako pauwi may sumakay na babae sabay tayo sa tabi ng upaan ko. Fresh na fresh pa yung pagkakapahiya ko sa MRT kaya hindi ko na inioffer ang upuan ko. Sukat ba namang paringgan ako ng “Wala na talagang gentleman sa panahong ito.” Packsheet talaga. Kung hindi ka titirahin sa gender equality, pipilayin ka sa pagiging ungentleman.

Mabuti na lang na nung nakausap ko si Annie ng gabing yun medyo nakabugbog yata siya sa bf niya at himalang hindi naglilitanya. mabuti na lang kundi nabatukan ko ang hinayupak na yun.

Ol Por Da Green Beks

rad

Ang Hirap magbenta ng Radyo. lalo na kung yung radyong ibinebenta mo ay hindi mo man lang nasubukang patunugin and worse, ni hindi mo pa nakikita. Feeling mo para kang isdang pinakawalan sa dagat pero hindi ka marunong lumangoy.

Ganon kasi unang trabaho ko sa Call Center. Listener Care Representative for satellite Radio ang Job Description kaya tinangap ko akala ko magmomonitor lang ako ng mga tugtog sa radyo o di naman kaya ay maghahandle ng mga song request para sa mahigit 170 channels ng radio. Di ko naisip na pagbebentahin pala ako ng tinamaan ng lintik na radyo. Hindi lang yun tumatangap ka pa ng tawag mula sa kanong ayaw magbayad ng bill o di naman kaya’y tatawagan ka ng kanong magtatanong sa iyo kung paano ioperate yung radiong hawak niya samantalang sa litrato mo lang nakita yung radyong yun. Pag hindi mo natulungan bubulyawan ka ng todo.

Pero kahit sobrang hirap minsan ng trabaho, medyo nakakaraos din naman. Kailangan lang talagang marunong kang mambola para makabenta ka talaga. Positioning ang tawag dun. Yun bang tipong pupurihin mo lahat ng ginawa ng tumatawag sayo o di naman kaya ay maglulungkot-lungkutan ka pag may malungkot yung tumatawag. Tulad nung minsan sabi ng tumatawag “I just got divorced with my wife that is why I am cancelling this radio. I need to let go of some things” ako naman siyempre con todo kung magempathize. sabi ko naman “I’m so sorry to hear that, it must be hard to move on, considering the times you spent together listening to this radio.” Eh biglang nagalit ang tinamaan ng magaling. “I am happy with the divorce. The reason I am cancelling this radio is because this is hers. I don’t want to pay for the Sl*ts radio” pabulyaw niyang palik sa akin. Di agad ako nakasagot. Nasabi ko na lang “Good for you sir.”

Yung kabarubalang galing sa mga tumatawag okay lang naman sana kaso minsan ang nakakainis eh yung mga kamahan mong para may hawak na megaphone kung makipag-usap. Yun bang tuwing nagsasalita ay rinig hangang roof deck.  Okay naman sana kung maayos ang pinagsasabi. eh yung kasama kong ipinaglihi sa load speaker panay ang mintis. Minsan habang nagbebenta siya ng radyo sabi niya sa tausap niya “Mem (ma’am), you could use this radio in any of the vehicles that you have. and the gud news is, we use to sell this radio for 39 beks (bucks dapat), but since the christmas is just around the corner fast approaching, we are now selling this radio for free!” Anak ng itlog na pula. May around the corner na nga, may karugtong pang fast approaching. Tapos yung isa naman may selling na nga may for free pang kasama.

ang buhay sa call center minsan nakakaburyong. Kung hindi ka pinapatay ng antok, ang utak mo naman napiprito sa puyat. kaya siguro ganon yung kasama ko.

Kol Senter Saga, Bolyum Wan

Agents

The LOOK: Ang hirap talagang magtrabaho sa call center. Di importante kung Sekyu  o agent o supervisor o trainor o presidente ka ng kumpanya. Paglabas mo sa umaga parang may salbabida sa palibot ng iyong mata sa laki ng eyebag mo. Parati kang mukhang guilty sa lahat ng bagay dahil di mo maiwasang matulala sa antok.  Kagaya na lang nung isang araw, sumakay ako ng bus pauwi sa Fairview. Pagkaupo ko sa bus may maiit na batang napadpad sa malapit sa upuan ko. Ngumit ako dun sa bata sabas taas ko ng palad ko na aktong hihingi ng isang “gib mi payb”. laking gulat ko nung biglang kinaladkad ng nanay yung bata, sabay sabing “maghunosdili ka ngang bata ka, kung kani kaninong tao ka lumalapit di mo ba nakikita na mukhang adik yang”. sabay nguso sa akin. “..tingnan mo nga yang mata, mugtong mugto parang wala pang tulog, ganyan ang epekto ng shabu, hindi ka patutulugin!” Sus ginoo! Wala kang magawa kung di magkamot na lang ng ulo.

Dito sa trabahong ito ka din makakakita ng mga taong naka sunglasses sa hatinggabi. Ang usuall na paliwanag ng agent eh “Its so bright on the floor eh!” una kong narinig ang linyang ito nung nag-aaply pa lang ako. natanong ko tuloy sa sarili ko kung papano nila nilagay ang ilaw sa sahig. Yun pala, Floor ang tawag nila dun sa working area.  Naisip ko tuloy dati na hindi ako magsusubayb sa trabahong ito. Di pa man din ako nagsisimula eh litong lito na ako. Kelan ko lang na realize na gumagamit yung iba ng sunglasses hindi dahil sa it’s so bright on the floor eh kung hindi dahil ang iba ay sumisimple ng tulog.

The WORK: Minsan tinatanong ako ng kapitbahay kung ano daw ba yang call center? paano ka daw ba kikita diyan? So kailangan mong i explain ang basic concept ng Outsourcing, ng BPO at kung ano ano pa. Pagkatapos mong magkabulol-bulol mag-explain, tatango-tango lang ang kausap mo tapos tatanungin ka ulit ng “e ano nga ba yang call center? paano ka ba kikita diyan?” Anak ng pota. Makakapatay ka talaga ng tao. Kaya nga minsan di ko na lang sinasagot ang mga tanong na ganito.

Narinig nyo na ba yung tinatawag nilang Toll-free number? Ito yung mga Telephone number na nagsisimula sa 1-800 o di naman kaya ay 1-866. Ganito ang konsepto nun; may amerikanong bumili ng spaceship tapos gusto niyang malaman kung papano bubuksan ang pinto, o kung gusto niya malaman kung pwede bang gumamit ng deisel sa makina o di naman kaya ay kung papano irecline ang upuan, instead na buklatin niya yung manual na ksama nung ipinadala yung spaceship, tatawagan ka niya para iexplain lahat lahat.  At kung minamalas-malas ka pa, bibingo ka pang makakatanggap ng tawag sa kanong halos isubo ang receiver ng telepono sa galit. Bakit daw ganito daw ang ganito? bakit ganun daw ang ganun. Tinamaan ng lintik!  Sa madaling sabi, Ikaw ay isang walking manual o di kaya ay walking calculator o tinatawagan ka lang para bulyawan ka dahil pinagalitan siya ng misis niya nung hindi niya mapaandar yung spaceship.

Bisnes Maynded

c

Ano ang gagawin mo pag bigla kang tumama ng milyones sa lotto? Kung ako ang tatanungin mo? honestly, hindi ko alam. Wala lang. Naisip ko lang tanungin kasi nung isang araw, nabasa ko sa internet na yung tumama ng $33 milyon sa lotto sa US of A e gustong gastusin yung pera niya sa pagpapatayo ng School of Witchcraft.  Yun bang tipong real life Hogwartz. Tinamaan ng lintik! Sa dinami dami ng puwedeng paggagamitan ng pera, masyadong fixated ang taong ito na magdevelop ng maraming-maraming Harry Potter. Kung tutuusin wala naman sana akong pakiaalam kung saan niya gagastusin ang kaniyang pera, kasi ng pera naman niya yun. Di ko lang talaga maisip ang business side ng ganitong negosyo. Isipin mo ang breakdown ng miscellanious fee; P2000 for Magic Kawali, P1500 for Magic Wand (Made from balete wood and balahibo ng pugo) Class B wands are also available for P500 (made from puno ng alateris and pilikmata ng askal). Putang inang buhay to o. Di naman talaga kailangan ng eskwelahan para matutong mag madyik eh. Tingnan mo si pareng Erap. Nag-aral ba siya sa Hogwartz? hindi naman ah. Pero kita mo naman, ang galing sa madyikan. Sa isang Iglap yung Boracay mansion na dapat sanay kinumpiska na ng gubyerno, biglang naglaho. Pader lang ang natira. Idagdag mo pa yung bilyones na naglaho sa bangko. kitams!  Kaya sa umpisa pa lang, dead investment na yang school of witchcraft na yan kung sa My Beloved Pilipins mo ipapatayo. Kasi marami sa ating mga pinoy ang likas nang madyikero.

Kung si Bosing Tigasin na kapatid ni General ang tatanungin mo about bisnes, may maganda siyang idea. Gusto niyang magpatayo ng Massage Parlor na may popping on the sides. Sa madiling salita, Prostitution Den. Bilib talaga ako sa utak ng taong ito. Madaling matuto. Dati kasi illegal logger itong si Bosing Tigasin. Isa siya sa dahilan kung bakit ang dating mabulbol na gubat ng Cagayan eh ngayo’y panot na. Paano ba naman kasi panay panay lang ang ginawang pagtumba sa mga puno na hindi man lang nagtatanim ng bago. Ang dating luntiang Paraiso ng Siera Madre ngayo’y naghihingalo na (pohtangina ang lalim dude!). Eh what do you expect, Subukan mo kayang manigarilyo na puro hithit lang at walang buga. Tingnan mo kung gano katagal bago ka mamatay sa cancer. Morale of the Story: Ang illegal logging bisnes ay kumikita lang habang may puno. Pag-ubos na ang mga puno, parang tinamaan na rin ng kanser ang bisnes mo. Ayon sa law of ekanamix. kung gusto mo ng continous flaw ng bisnes, dapat inexhaustible ang source (ewan ko lang kung totoo). Kaya ngayon itong si Bongards gustong pasukin ang prostitusyon.  Ang puhunan? konting halaga para magpagawa ng mga cubicle, Mayor’s Permit para sa front na massage parlor, Babae (kahit di gaano kaganda basta sustentado ng mek-ap na sobra sobra). Tapos aasa ka sa inexhaustible na libog ng tao para tuloy-tuloy ang bisnes.