Napagkasunduang mag-inuman. walang problema, okay lang sa akin. Ang problema lang naman eh yung pagiging mahina ko sa inuman. tatlong bote ng red horse at siguradong tahimik na ako at ngingiti-ngiti na lang pag kinakausap.
Maagang dumating ang mga hinayupak. dinatnan ko sila sa bahay nina Annie na nakaupo sa sofa na parang binayaran nila yung renta ng appartment buong taon. mga walanghiya. Hindi ko maisip kung bakit nung napagkasunduang magsimba ng maaga nung pasko, communion na ang inabutan namin dahil sa kung ano-anong dahilan, ngayong inuman ang pinag-usapan, 1 hour before time dumating sila sa lugar.
Pagkaupo ko, binulungan ako ni paul “Ice, pabili ka na ng pulutan” Anak ng bibeng duling, “bakit ako?” tanong ko. kala ko ba ambag-ambag. medyo kinapos daw ang budget. tangena. “wag ka mag-alala, dalawang beses kang pwedeng mamulutan sa bawat lagok mo ng beer” nakangiting dagdag ni Doris. langya, pag minamalas ka nga naman.
Pumasok si Annie sa sala na mag dala-dalang bowl. “kain muna kayo ng castañas, ako nagluto niyan” bungad ni annie sabay lapag ng bowl sa mesa, sabay smile. hindi pa totally nakababa yung bowl sa mesa, ang kamay ni paul nasa castañas na. Kinagat, hinati, nguya pag katapos ay dinura sa palad. “Annie castañas ba talaga to? bakit ganun ang lasa? di ko maintindihan” angal ni Paul.
Annie: Bakit ano ba ang lasa?
Paul: Masama
Annie: Eh ano ba dapat ang lasa niyan?
Paul: Masarap! teka bakit may sabaw to? at bakit amoy sampalok?
Annie: Natural kasi sinigang ko yan. yun ang sabi nung tindera, isigang daw.
Paul: Tanga, iginigisa lang yan sa mantika!
Tangena. Di pa ako nakakatikim ng sinigang na castanas, ayokong makatikim, ni ayokong isipin. Napatingin ako kay annie, nangingilid ang luha sa mata, namumula ang mukha. Masamang pangitain to. Dumating sina Dae may dala dalang tilapia. Iniaabot ka kay Annie sabay sabi ng “O eto na, lutuin mo na”. “Lutuin nyo na, tutal kayo naman ang magagaling magluto di ba?” ika nito sabay takbo sa kwarto. Nagkatinginan kaming lahat. Inabot ko kay Paul yung tilapia, “Ikaw na bahala diyan, kaw naman ang dahilan kung bakit nag walk-out yung cook” nakangiti kong sabi. Napilitan itong tumungo sa kusina. Maya maya lang ay narinig ko siyang sumigaw. sabay tawag sa pangalan ko.
Paul: Ice, tangena, buhay pa tong isda.
Ice: Eh di patayin mo
Paul: Paano?
Ice: Dukutin mo yung hasang
Pual: tangena, gumagalaw, di ko kayang dukutin yung hasang. wala na bang ibang paraan para patayin to?
Ice: Lunurin mo na lang?
Paul? Lunurin? paano?
Ice: Ilublob mo sa tubig.
Paul: Tangena, isda to, hindi to mamamatay sa lunod,
Ice: Anong kulay ng mata ng isda, mapula ba?
Paul: Hindi, puti!
Ice: Tama ang hinala ko, malulunod yan, hindi yan marungong lumagoy.
Paul: Pakyu! tatagain ko na lang.
Bumaba si Dae galing sa kwarto ni Annie, umupo sa tabi ko sabay bulong ng, “umiiyak si Annie, hindi lang daw natin naappreciate yung effort niya”. Naisip ko, kung mauubos yung hinayupak na sinabawang castanas, magiging okay ang lahat. kaya naman kahit masuka suka na ako sa lasa, pinilit kong lunukin. Tatlong piraso na lang siguro ang natitira sa bowl nung bumaba sa annie. Tinanong kung sinong umubos ng castanas, Itinaas ko ang kamay ko, pakiramdam ko pag nagsalita ako, ibubuga ko lahat ng castanas na nakain ko. Tumingin si Annie sa akin sabay sabi ng ’bakit naman hindi mo na ipinagtira yung ibang hindi pa dumarating?” sabay talikod ulit nito papunta sa kusina. Naiwan akong nakatanga.
Tangena, ang hirap magpasaya ng kaibigan.
Mga Komento